Seminary
Alma 15: Ang Nagpapagaling na Kapangyarihan ni Jesucristo


“Alma 15: Ang Nagpapagaling na Kapangyarihan ni Jesucristo,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 15,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 15

Ang Nagpapagaling na Kapangyarihan ni Jesucristo

Pinapagaling si Zisrom

Nakatuon ang mortal na ministeryo ni Jesucristo sa pagtulong sa mga nahihirapan. Iyon din ang pinagtuunan nina Alma at Amulek matapos silang mahimalang mapalaya mula sa bilangguan ng kamay ng Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matamo ang nagpapagaling na kapangyarihan na makukuha sa pamamagitan ni Jesucristo.

Maghikayat ng masigasig na pag-aaral. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pag-aaral ng ebanghelyo ay hindi isang karanasan na walang gagawin. Nangangailangan ito ng pag-iisip nang mabuti, pag-aaral, panalangin, at pagkilos. Matutulungan mo ang iyong mga estudyante sa pamamagitan ng paglikha ng mga karanasan na maghihikayat sa kanila na makibahagi sa mga talakayan, magbahagi ng kanilang mga karanasan, at magtanong.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang ideya para sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya sa ilalim ng Alma 15:1–12 sa outline sa pag-aaral na “Hunyo 24–30. Alma 13–16: ‘Pumasok sa Kapahingahan ng Panginoon’” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2024.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pisikal at espirituwal na sakit

Layunin ng sumusunod na tulungang maihanda ang mga estudyante na matukoy ang mga sintomas o epekto ng kasalanan. Maaari mong piliin ang mga kondisyong medikal o sakit na mas pamilyar sa mga estudyante kaysa sa mga nasa listahan kung kinakailangan.

Suriin ang sumusunod na listahan ng mga sakit. Pag-isipan ang kanilang mga sintomas pati na rin ang anumang paggamot na ginagamit para lunasan o gamutin ang mga ito.

  • Sakit sa puso

  • Kanser

  • Nabaling buto

  • Ano ang mangyayari kung ginamot lang ng isang tao ang mga sintomas ng mga sakit na ito nang hindi pinagsisikapang maunawaan ang mga sanhi ng mga problema?

Kapag ipinakikilala ang sumusunod na talata at mga posibleng tanong, huwag hangarin o hayaan ang mga estudyante na magbunyag ng mga personal na kasalanan.

Tulad ng mga pisikal na sakit, ang kasalanan—o espirituwal na sakit—ay may mga sintomas din. Pag-isipan kung ano ang maaaring maging ilan sa mga sintomas ng kasalanan, at pag-isipan sandali ang kundisyon ng iyong espirituwal na kalusugan. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na tanong para magawa ito.

  • Ayon sa artikulo na “Kasalanan” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org), ano ang mga epekto ng kasalanan?

  • Paano maaaring makaapekto ang kasalanan sa nadarama natin tungkol sa ating sarili at paano ito makaiimpluwensya sa ating ugnayan sa iba?

Habang nag-aaral ka, pakinggan ang Espiritu Santo na magtuturo sa iyo kung paano mo mas matatamo ang nagpapagaling na kapangyarihan ni Jesucristo upang mapabuti ang iyong espirituwal na kapakanan.

Kalagayan ni Zisrom

Matapos mahimalang mapalaya mula sa bilangguan sa Ammonihas ng kamay ng Diyos, naglakbay sina Alma at Amulek patungong Sidom (tingnan sa Alma 15:1–2). Habang nasa Sidom, naglingkod sila sa mga itinaboy palabas ng Ammonihas dahil sa paniniwala sa kanilang mensahe tungkol kay Jesucristo. Ang isang taong pinaglingkuran nila ay si Zisrom.

icon ng handoutMaaari mong ipamahagi ang mga sumusunod na handout para sa mga estudyante. Maaari silang magtulungan sa maliliit na grupo, gamit ang Alma 15:4–12 para matukoy kung ano ang mga sintomas ni Zisrom at malaman ang resetang gamot na magpapagaling sa kanya.

Espirituwal na Sakit

doctor note

Basahin ang mga banal na kasulatan na nakalista sa ilalim ng “Mga Sintomas.” Sa ibaba ng mga ito, ilista ang anumang salita o parirala na naglalarawan sa kalagayan ni Zisrom.

  • Paano mo ilalarawan ang kalagayan ni Zisrom, kabilang ang kanyang espirituwal na kapakanan?

  • Ano ang naaalala mo tungkol kay Zisrom na magiging dahilan para madama niya ito?

Maaari mong anyayahan ang isang estudyante na ibahagi ang ilan sa mga kuwento ng nakaraan ni Zisrom. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na talata: Alma 10:31; 11:21–22; 12:1, 7–8. Maaari mo ring ibahagi ang pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson sa bahaging “Komentaryo at Impormasyon ng Konteksto.”

Ang pisikal na sakit ay hindi palaging nauugnay sa kasalanan (tingnan sa Juan 9:2–3). Pansinin ang pagkabagabag ng budhi na naramdaman ni Zisrom sa Alma 14:6. Bagama’t hindi kasiya-siya ang makadama ng pagkabagabag ng budhi, ito ay may layunin. Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang maaaring layunin ng damdaming ito. Panoorin ang video na “Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis” mula sa time code na 13:15 hanggang 13:49, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, o basahin ang teksto sa ibaba.

15:48

Lahat tayo ay nakaranas na ng sakit kapag nasusugatan ang ating katawan. Kapag nasasaktan tayo, karaniwang naghahanap tayo ng lunas at nagpapasalamat sa gamot na tumutulong para maibsan ang ating paghihirap. Isipin ang kasalanan bilang espirituwal na sugat na nagdudulot ng pagkabagabag ng konsiyensya o, gaya ng inilarawan ni Alma, “paggigiyagis ng budhi” (Alma 42:18). Ang nababagabag na budhi sa ating espiritu ang katumbas ng sakit na nadarama ng ating katawan—isang babala ng panganib at proteksyon mula sa karagdagang pinsala. (David A. Bednar, “Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis,” Liahona, Mayo 2013, 44)

  • Ayon kay Elder Bednar, ano ang ilang layunin ng pagkabagabag ng budhi?

  • Paano nito mababago ang ating ideya o pananaw sa pagkabagabag ng budhi matapos magkamali?

  • Sa iyong palagay, sa anong mga paraan natutulad ang mga sintomas ni Zisrom sa “isang babala ng panganib at proteksyon mula sa karagdagang pinsala”?

Paggaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo

Basahing mabuti ang tungkol sa pagpapagaling kay Zisrom sa Alma 15:4–12. Maaari mong panoorin ang video na “Si Zisrom ay Gumaling at Nagpabinyag” (2:42), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Habang nagbabasa ka, bigyang-pansin ang mga detalye na nakatulong sa paggaling ni Zisrom. Maaari mong isulat ang mga detalyeng ito sa ilalim ng bahaging “Reseta” ng iyong tala ng doktor.

2:41
  • Anong mga alituntunin o katotohanan ang matututuhan natin mula sa pagpapagaling kay Zisrom?

Ang isang alituntunin na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay kapag nanampalataya tayo kay Jesucristo, tayo ay mapapagaling.

  • Anong katibayan ang nakita mo sa mga talatang ito tungkol sa pananampalataya ni Zisrom kay Jesucristo bago at matapos siyang gumaling?

  • Paano tayo mananampalataya kay Jesucristo sa gayon ding paraan?

Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar kung paano tayo maaaring manampalataya. Panoorin ang video na “Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis” mula sa time code na 13:49 hanggang 14:17, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, o basahin ang teksto sa ibaba.

15:48

Ang Tagapagligtas ay kadalasang tinutukoy na Dakilang Tagapagpagaling, at ang titulong ito ay kapwa may simbolo at may literal na kahulugan. … Mula sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay dumadaloy ang lunas na nakapagpapagaling sa ating mga espirituwal na sugat at nag-aalis ng pagkabagabag ng budhi. Gayunman, ang lunas na ito ay magagamit lamang sa pamamagitan ng mga alituntunin ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, pagsisisi, at patuloy na pagsunod. Ang mga bunga ng taos-pusong pagsisisi ay kapayapaan ng budhi, kapanatagan, at paggaling sa espirituwal at panibagong sigla. (David A. Bednar, “Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis,” Liahona, Mayo 2013, 44)

Kakailanganing mag-isip ang mga estudyante ng ilang malinaw na sagot sa unang tanong bilang paghahanda sa huling aktibidad ng lesson. Habang tinatalakay mo ang tanong na ito sa klase, maaari mong ilista sa pisara ang mga ideya ng mga estudyante. Tulungan silang makaisip ng iba’t ibang ideya.

Ang dalawa pang tanong ay maaaring gamitin bilang mga follow-up na tanong bilang bahagi ng talakayang ito.

  • Ano ang ilang paraan na matatamo natin ang mga nagpapagaling na kapangyarihan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

  • Sa palagay mo, bakit angkop na titulo sa Tagapagligtas ang “Dakilang Tagapagpagaling”? Sa iyong palagay, bakit Niya tayo napagagaling?

    Kung makikinabang ang mga estudyante mula sa ilang banal na kasulatan na nagkukumpirma na si Cristo ay may kapangyarihang magpagaling, maaari mong ibahagi ang ilan sa mga sumusunod: Mga Awit 30:2; 147:3; Isaias 53:5.

  • Kailan mo naranasan (o kailan naranasan ng isang taong kakilala mo) ang pagpapagaling ng Tagapagligtas?

Bagama’t maaaring hindi lahat tayo ay nagdurusa na katulad ni Zisrom, lahat tayo ay may mga problema at pagdurusa na makatutulong ang Tagapagligtas upang makayanan natin. Isipin ang ilan sa mga epekto ng mga kasalanan o pagkakamali na maaaring maranasan ng mga tinedyer at kung paano nila maaaring kailanganin ang nagpapagaling na kapangyarihan ng Tagapagligtas.

Maaari mong ilista sa pisara ang mga ideya ng mga estudyante. Maaari din silang gumawa nang magkakapartner o sa maliliit na grupo para magtalakayan at mag-isip ng mga ideya at pagkatapos ay ibahagi ang mga ideya sa klase.

Gumawa ng isa pang tala ng doktor para tulungan ang isang tao. Basahin ang 3 Nephi 9:13–14, at gamitin ang natutuhan mo ngayon para gumawa ng reseta. Maaari mong gamitin ang Alma 15. Ibahagi kung paano makatutulong si Jesucristo at ano kaya ang mangyayari kapag nanampalataya sa Kanya. Tiyaking kumpletuhin ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag:

  • Kung may isang taong nakadarama ng [ilista ang mga sintomas ng kasalanan] … , kailangan niyang alalahanin na [ilista ang reseta o mga lunas] …

Ipaalala sa mga estudyante na kailangan nating lahat ang ating Ama sa Langit at si Jesucristo at ang pagpapagaling na maibibigay Nila sa atin. Magpatotoo na ang pananampalataya at paniniwala kay Jesucristo ay palaging makatutulong sa atin. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila o ang pinakamahalaga sa kanila mula sa kanilang pag-aaral ngayon.