Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12: Unawain at Ipamuhay


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12: Unawain at Ipamuhay,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12

Unawain at Ipamuhay

Nagtuturo si Cristo sa sinagoga

Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na marebyu at magsanay na makaunawa at maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo.

Pagtulong sa mga estudyante na aktibong makibahagi. Habang naghahanda kang magturo, pagtuunan ang gagawin ng mga mag-aaral. Hikayatin ang mga estudyante na magsikap na matuto mula sa mga banal na kasulatan at sa isa’t isa. Kapag lumalahok ang mga estudyante, madaragdagan ang kanilang kumpiyansa sa kakayahan nilang matuto ng mga katotohanan ng ebanghelyo. Mas malamang na ipapamuhay rin ng mga estudyante ang matututuhan nila.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumili ng dalawa sa mga doctrinal mastery passage sa pagitan ng 1 Nephi at Mosias at pag-isipan kung ano ang magagawa nila para maunawaan at maipamuhay ang mga ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Pag-unawa sa mga doctrinal mastery passage

Ipagpalagay na may pagkakataon kang kausapin ang isang taong nag-aakala na hindi niya nauunawaan ang mga banal na kasulatan at hindi sigurado kung gusto niya itong subukan.

  • Bakit mahalagang sikaping maunawaan ang mga banal na kasulatan?

  • Kung magpapayo ka kung ano ang magagawa ng isang tao para madagdagan ang kanyang pag-unawa, ano ang sasabihin mo?

Maaari mong isulat sa pisara ang mga ideya ng mga estudyante. Nakalista sa ibaba ang ilang posibleng ideya. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na pumili ng dalawang doctrinal mastery passage at gamitin ang isa sa mga ideya sa pisara para mapalalim ang pag-unawa nila sa scripture passage.

Kabilang sa ilang paraan para palalimin ang iyong pag-unawa ay

  • paghahanap sa mga salitang hindi mo nauunawaan;

  • pagbabasa ng mga heading o talata ng kabanata bago o pagkatapos ng passage na pinag-aaralan mo para sa konteksto;

  • pagbabasa ng mga cross-reference sa mga footnote;

  • paghahanap sa mahahalagang salita sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan;

  • paghingi ng tulong sa magulang, titser, o lider ng Simbahan;

  • pagtukoy sa mga katotohanan tungkol kay Jesucristo; at

  • pag-iisip kung paano makatutulong sa iyo ang pamumuhay ayon sa mga katotohanang iyon upang mas mapalapit ka sa Tagapagligtas.

Magdispley o magbigay sa mga estudyante ng kopya ng sumusunod na chart.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Pagsasabuhay ng mga doctrinal mastery passage

Ang sumusunod na mga aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na magsanay na gamitin ang mga doctrinal mastery passage. Maaari mo lamang gamitin ang isa sa mga ito, o maaari mong hayaan ang mga estudyante na piliin kung alin ang gagawin nila batay sa kanilang mga interes o kakayahan. Sabihin sa mga estudyante na magtulungan sa maliliit na grupo.

Aktibidad A. Gumawa ng isang sitwasyon

  1. Sa isang bahagi ng papel, sumulat ng isang tanong tungkol sa ebanghelyo na masasagot o isang sitwasyon na matutugunan gamit ang doctrinal mastery passage na ito.

  2. Sa kabilang bahagi ng papel, isulat ang doctrinal mastery reference, mahalagang parirala, at maikling paliwanag kung paano ito makatutulong.

Kung ito lang ang aktibidad na gagawin ng mga estudyante, maaari nilang ipasa ang kanilang papel. Pagkatapos ay maaari mong basahin ang mga sitwasyon o tanong at anyayahan ang klase na tukuyin ang mga katotohanan mula sa mga doctrinal mastery passage na makatutulong. Bilang alternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na maglakad-lakad sa silid, at ibahagi sa isa’t isa ang mga sitwasyon o tanong na isinulat nila at hayaan ang iba pang estudyante na mag-isip ng mga katotohanang naaangkop.

Aktibidad B. Gumawa ng outline ng video

Ipagpalagay na pinili ng inyong stake ang isa sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery bilang tema para sa youth conference. Hiniling nila sa iyo na magplano ng isang video upang ipakilala ang tema. Gumawa ng outline para sa isang video na kinabibilangan ng

  • mahalagang parirala at reperensya ng banal na kasulatan,

  • isang malikhaing paraan para ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng doctrinal mastery passage at ung bakit ito mahalaga sa kabataan, at

  • kung paano natin ito maipapamuhay at kung paano tayo nito matutulungang mas mapalapit sa Tagapagligtas. (Maaari kang magsama ng isang halimbawa o kuwento mula sa mga banal na kasulatan, pangkalahatang kumperensya, o sarili mong buhay.)

Kung ito lang ang aktibidad na gagawin ng mga estudyante, maaari mong anyayahan ang iba’t ibang estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya. Kung maaari, maaari mong ipagawa sa mga estudyante ang video.

Kung magagawa ng mga estudyante ang alinmang aktibidad, sabihin sa kanila na ibahagi ang ginawa nila sa klase.