Seminary
Alma 17–22: Buod


“Alma 17–22: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 17–22,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 17–22

Buod

Pinili ng mga anak ni Mosias na magtungo sa mga Lamanita upang ipangaral ang ebanghelyo. Si Ammon ay naglingkod sa mga tao ni Haring Lamoni sa lupain ng Ismael at mahimalang ipinagtanggol ang mga kawan ng hari. Si Lamoni ay labis na naantig ng katapatan ni Ammon sa kanya. At dahil sa nadama niya, handang maniwala si Lamoni sa lahat ng salita ni Ammon. Ang ama ni Lamoni ay dating masamang tao, ngunit matapos niyang malaman ang mahahalagang katotohanan tungkol sa ating Tagapagligtas at sa plano ng kaligtasan, nagsimulang magbago nang husto ang kanyang mga hangarin. Kalaunan, lahat ng sambahayan ng hari ay nagbalik-loob sa Panginoon.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang tulong at lakas na ibinibigay sa kanila ng Panginoon sa mahihirap na sitwasyong kinakaharap nila.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na dumating na handang magbahagi at talakayin ang ilang karaniwang problema o hamon na kinakaharap ng mga tinedyer at kung bakit kailangan nila ang tulong at lakas ng Diyos sa kanilang buhay. Maaari din nilang isipin ang mga pagkakataon na natanggap nila ang tulong ng Diyos sa kanilang buhay.

  • Mga Video:Si Ammon ay Naging Tagapagsilbi ni Haring Lamoni” (3:47); “Ipinagtanggol ni Ammon ang mga Kawan ni Haring Lamoni” (5:24; manood mula sa time code na 0:00 hanggang 3:10)

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room para pag-aralan ang isa sa apat na set ng mga talata na nakalista malapit sa simula ng lesson. Pagkatapos, maaaring ibuod ng isang miyembro ng bawat grupo ang napag-aralan ng kanyang grupo.

Alma 18

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na makahanap ng mga paraan para matulungan ang iba na mas mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal at paglilingkod na tulad ng kay Cristo.

Alma 19

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama na mahal ng Panginoon ang lahat ng tao at nais Niyang lumapit sila sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Alma 19 at alamin ang epekto ng ebanghelyo ng Tagapagligtas sa mga Lamanita na tinuruan ni Ammon.

  • Nilalamang ipapakita: Ang survey sa simula ng lesson

  • Video:Si Ammon ay Nagsilbi at Nagturo kay Haring Lamoni” (23:04; panoorin mula sa time code na 15:18 hanggang 20:06 at mula sa time code na 20:07 hanggang 23:04)

Alma 20–22

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na hangarin ang mga bagay ng Diyos nang higit pa kaysa sa anupamang bagay na maibibigay ng mundo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Alma 20 at 22, at alamin kung paano nagbago ang ama ni Haring Lamoni sa mga kabanatang ito. Sabihin sa kanila na isipin ang mga posibleng dahilan para sa pagbabagong iyon.

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Sa simula ng lesson, kapag tinanong ang mga estudyante tungkol sa mga sitwasyon na makakaapekto sa kahandaan nilang gawin ang isang bagay, maaari mo silang anyayahang i-type ang kanilang mga sagot sa chat. Maaari silang magbahagi ng maraming sagot para sa bawat isa sa mga sitwasyon.

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaaring anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga espirituwal na tanong na mayroon sila noon o sa kasalukuyan at ano ang nagawa nila para mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong.

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Ang lesson na ito ay naglalaman ng dalawang sitwasyon na sinusundan ng tatlong bahagi na tumutugma sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang bawat isa sa tatlong bahaging ito ay may set ng mga tanong. Sa bawat bahagi, matapos gawin ng mga estudyante ang sitwasyong pinili mo, maaari mo silang ilagay sa mga breakout room para talakayin ang mga tanong. Maaari mong paghalu-haluin ang mga grupo sa bawat pagkakataon.