Seminary
Alma 8–12: Buod


“Alma 8–12: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 8–12,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 8–12

Buod

Sina Alma at Amulek ay nanampalataya at sinabihan ang mga tao ng Ammonihas na magsisi. Hinarap sila ng mga taong gumagamit ng panlilinlang upang pigilan sila, at ipinaalam sa kanila ng Banal na Espiritu ang panlilinlang na iyon. Nang magsimulang magtanong nang taos-puso ang manananggol na si Zisrom kina Alma at Amulek, itinuro ni Alma na ang mga taong hindi pinatitigas ang kanilang puso ay matututuhan ang mga bagay ng Diyos. Itinuro din niya ang plano ng pagtubos at hinikayat niya ang mga tao na suriin ang kanilang puso.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na marinig at masunod ang Ama sa Langit sa kanilang buhay.

Alma 9

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na matukoy at maalala ang mga pagpapalang ibinigay sa kanila ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maglaan ng isa o dalawang minuto para magsulat ng ilang halimbawa ng mga pagpapalang natanggap nila mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart na nagkukumpara sa mga Lamanita at sa mga tao ng Ammonihas, na ipinakita o kinopya sa pisara; ang mga tanong sa ilalim ng heading na “Ano ang ibinigay sa iyo ng Panginoon?” upang mapag-isipan ng mga estudyante

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa pagtatapos ng lesson, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-usapan ang ilan sa kanilang mga pagpapala at ang isang paraan kung paano nila pagsisikapang maalala ang mga ito. Maaari mong atasang mangasiwa ang isang estudyante at sabihin sa kanya na tumawag ng iba pang mga estudyante ayon sa pagkakasunud-sunod nila sa screen ng estudyanteng iyon. Linawin na maaaring palampasin ng mga estudyante ang pagkakataong ito kung hindi sila komportable. Maaari mo ring ibahagi ang iyong mga ideya.

Alma 10-11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maging mas madaling makahiwatig sa Banal na Espiritu upang malaman ang katotohanan at matukoy ang mga tusong panlilinlang ng kaaway.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga paraan kung paano maaaring tangkain ni Satanas na linlangin sila.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart tungkol sa mga maling turo, na ipinakita o kinopya sa pisara

  • Materyal para sa mga estudyante (opsiyonal): Isang script batay sa Alma 11:26–37, 40–41, na ibinigay sa dalawang estudyante upang mabasa o maisadula nila ang pag-uusap nina Amulek at Zisrom (Kung pipiliin mo ang opsiyong ito, alisin ang mga pariralang tulad ng “Ngayon, sinabi ni Zisrom” [Alma 11:28] at “At siya ay sumagot” [Alma 11:29].)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang sinubukang isuhol ni Zisrom kay Amulek, maaari mo silang anyayahang magsaliksik sa internet para malaman kung magkano ang maaaring kitain ng isang taong may malaking suweldo, tulad ng abogado, sa inyong komunidad sa pagtatrabaho nang anim na buwan.

Alma 12

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na suriin ang kanilang puso at ang kahandaan nilang tanggapin ang salita ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng kopya ng pagsusuri sa sarili sa lesson na ito. Sabihin sa kanila na suriin ang kanilang sarili at pag-isipan kung paano sila naapektuhan ng kanilang mga sagot.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Clay para makapaghugis ang mga estudyante ng isang bagay upang matulungan sila na pag-isipan ang matigas na puso at malambot na puso (Ang pagbibigay sa ilang estudyante ng tuyo o matigas na clay ay maaaring makatulong sa isang talakayan tungkol sa pagkakaiba ng matigas na puso at malambot na puso.)

  • Mga Larawan: Mga drowing ng malambot na puso at matigas na puso sa pisara (Maaari kang magsama ng mga tala sa mga drowing na ito sa buong lesson.)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bago magklase, maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na maghandang magpakita ng malambot na bagay at matigas na bagay mula sa kanilang bahay. Sabihin sa mga estudyanteng ito na ipaliwanag kung paano makatutulong sa kanila ang mga bagay na ito para maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malambot na puso at maiwasan ang pagpapatigas ng kanilang puso.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon at maghangad na makaunawa pa sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot sa mga inspiradong tanong.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa mula sa unang 12 doctrinal mastery passage na gusto pa nilang lalong matutuhan. Hikayatin sila na dumating sa klase na handang ibahagi ang doctrinal mastery passage na pinili nila at kahit isang tanong na sa palagay nila ay makatutulong sa kanila na matutuhan pang lalo ang tungkol sa passage na iyon.

  • Handout:Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa chat ang doctrinal mastery passage na pinili nila at ang isa sa mga tanong na naisip nila. Pagkatapos ay maaari mo silang hikayatin na sagutin ang mga tanong ng isa’t isa.