Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

mga talata ng banal na kasulatan na may mga marka

Ang pagsasaulo ng mga scripture reference at ng itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang maraming scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa huling 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

Pagsasaulo ng mga scripture passage. Kapag isinaulo ang mga salita sa mga banal na kasulatan, asahan na magdaragdag ang mga ito ng kapangyarihan kapag nagtuturo tayo sa iba. Ang gawaing kailangan upang maisaulo ang mga banal na kasulatan ay makatutulong din sa mga estudyante na mas maunawaan ang kahulugan ng mga katotohanan at doktrina na nakapaloob sa mga passage. Tulungan ang mga estudyante na magsanay na isaulo ang ilan o lahat ng doctrinal mastery scripture passage.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili at magsaulo ng isang doctrinal mastery passage na makatutulong sa kanila na mapalapit sa Tagapagligtas o makatutulong sa kanilang kasalukuyang pangangailangan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Pumili ng tatlo o apat na doctrinal mastery passage mula sa unang kalahati ng Aklat ni Mormon na pagtutuunan ng pansin sa lesson na ito. Ang mga estudyante ay bibigyan ng mga pagkakataong magtuon sa iba pang mga passage sa iba’t ibang lesson.

Mga pakinabang ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan

  • Ano ang sasabihin mo sa isang taong nagtatanong kung bakit makabubuting isaulo ang mga banal na kasulatan?

Basahin ang Alma 31:5, at alamin ang dahilan kung bakit nais ng isang tao na isaulo ang mga banal na kasulatan.

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan para matamo ang kapangyarihan ng Diyos?

  • Ano ang isang scripture passage na naisaulo mo? Paano ka nakinabang sa pagsasaulo ng mga scripture passage?

Kung hindi pa namarkahan ng mga estudyante ang mga sumusunod na doctrinal mastery passage sa kanilang mga banal na kasulatan, maaari mong ipakita ang chart na ito at anyayahan silang gawin iyon.

Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Sa magkakahiwalay na piraso ng papel, gawin ang mga sumusunod na mungkahi para sa mga doctrinal mastery passage na pagtutuunan ng mga estudyante sa lesson na ito. Gumawa ng learning station para sa bawat aktibidad o scripture passage. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-attach ng mga papel sa pader o paglalagay ng mga ito sa isang bahagi ng silid-aralan. Maaari ding pagpartner-partnerin ang mga estudyante para gawin ang mga pagsasanay na ito at bigkasin ang mga scripture passage sa isa’t isa.

  1. Isulat ang bawat scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, at huwag isama ang ilang salita o numero. Pupunan ng mga estudyante ang mga nawawalang salita o numero.

  2. Isulat ang mga unang titik para sa bawat salita ng scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  3. Isulat ang mga salita at numero ng reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang hindi sunud-sunod. Sabihin sa mga estudyante na isulat ang tamang reference at parirala ng banal na kasulatan sa hiwalay na papel o sa kanilang study journal.

  4. Magagamit ng mga estudyante ang flash card feature sa Doctrinal Mastery app. Maaari ding pumili ang mga estudyante ng buong passage na isasaulo at gamitin ang app para matulungan sila.

Sabihin sa mga estudyante na umikot sa mga istasyon at kumpletuhin ang lahat ng aktibidad para sa isang partikular na scripture passage. Pagkatapos magsanay sa isang passage, maaaring ulitin ng mga estudyante ang proseso para sa iba pang mga passage. Ulitin nang maraming beses hangga’t gusto.

Pagkatapos ng mga estudyante, sabihin sa ilang boluntaryo na bigkasin muli ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na isinaulo nila. Maaari din nilang ibahagi kung aling paraan sa pagsasaulo ang nakatulong sa kanila nang husto. Sabihin sa mga estudyante na patuloy na isaulo ang mga doctrinal mastery passage.