Seminary
Alma 32–35: Buod


“Alma 32–35: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 32–35,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 32–35

Buod

Tulad ng itinuro ni Alma sa mga Zoramita, inihambing niya ang salita ng Diyos sa isang binhing maitatanim natin sa ating puso na kalaunan ay magiging “isang punungkahoy na sumisibol tungo sa buhay na walang hanggan” (Alma 32:41). Tinanong siya ng mga maralita sa mga Zoramita kung paano sila “magsisimula upang gamitin ang kanilang pananampalataya” (Alma 33:1), at itinuro niya sa kanila na maaari silang manalangin at sumamba sa lahat ng lugar. Siya at si Amulek ay nagpatotoo tungkol kay Jesucristo, at itinuro ni Amulek na lahat ng tao ay naging matigas, nahulog, at nangaligaw kung wala ang walang katapusan at walang hanggang sakripisyo ni Cristo. Nakiusap si Amulek sa mga Zoramita na huwag ipagpaliban ang araw ng kanilang pagsisisi.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 32

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maitanim ang salita ng Diyos sa kanilang mga puso at pangalagaan ang kanilang patotoo tungkol dito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang mahal sa buhay na may patotoo sa ebanghelyo ni Jesucristo kung ano ang nakatulong sa kanya na matanggap o mapalakas ito.

  • Nilalamang ipapakita: Ang tatlong pahayag na may mga patlang sa umpisa ng lesson

  • Handout: “Pagtatanim at Pangangalaga sa Salita ng Diyos sa Ating mga Puso”

  • Larawan: Ang mga yugto ng paglaki ng isang puno

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Matapos basahin ng mga estudyante ang Alma 32:28, hayaan silang obserbahan kang nagtatanim ng ilang binhi sa isang paso na may tuyong lupa. Pagkatapos, habang binabasa ng mga estudyante ang mga talata 37–43, sabihin sa kanila na ilista ang mga bagay na tutulong sa paglaki ng mga binhing iyon. Para simulan ang bawat videoconference lesson sa susunod na ilang linggo, anyayahan ang dalawa o tatlong estudyante na maikling ibahagi ang isang bagay na ginawa nila kamakailan upang mapangalagaan ang kanilang patotoo sa salita ng Diyos. Kapag nagbahagi ang bawat estudyante, gumawa ng isang bagay na tutulong sa pangangalaga sa mga binhing itinanim mo, tulad ng pagdidilig ng kaunting tubig o paglilipat ng paso sa isang lugar na mas naaarawan.

Alma 33

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magpapalalim ng pang-unawa ng mga estudyante sa mga hakbang na magagawa nila para mas manampalataya kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Alma 33 sa bahay at pumili ng isang talata o grupo ng mga talata na gusto nilang maunawaan nang mas mabuti.

  • Nilalamang ipapakita: Ang tatlong opsiyon para sa paghahanda ng lesson, na ipinakita o kinopya sa pisara

  • Handout:Mga Ideya sa Paghahanda ng Lesson

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sabihin sa mga estudyante na i-off ang kanilang sound at camera habang inihahanda nila ang kanilang mga lesson. Pagkatapos ng itinakdang oras, muling ipa-on sa kanila ang kanilang camera at sound, at ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room. Anyayahan ang isa o dalawang nakahandang estudyante sa bawat breakout room na magturo ng kanilang lesson.

Alma 34:1–17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila mapagpapala ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang walang katapusan at walang hanggang nagbabayad-salang sakripisyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan na tutulong sa kanila na mas maunawaan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan ay maaaring maging kapaki-pakinabang na resources.

  • Larawan: Si Jesucristo sa Getsemani

  • Nilalamang ipapakita: Diagram tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo

  • Video:Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo” (11:46; manood mula sa time code na 3:59 hanggang 4:27)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong iakma ang aktibidad sa pag-aaral sa katapusan ng lesson para maisama ang iba’t ibang banal na kasulatan o mas bagong pahayag mula sa mga lider ng Simbahan.

Doctrinal Mastery: Alma 34:9–10

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 34:9–10, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa mga talatang ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon gamit ang scripture passage na ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano makatutulong ang mga katotohanang itinuro sa Alma 34:9–10 at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga taong nakadarama na hindi na sila mapapatawad sa kanilang mga kasalanan.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa aktibidad para sa pagsasabuhay, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa tatlong breakout room at atasan ang bawat grupo na tumuon sa isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring ilista ng mga estudyante mula sa bawat grupo ang lahat ng paraan na sa palagay nila ay makatutulong ang alituntuning ito kay Olive sa kanyang sitwasyon. Pagkatapos ay anyayahan ang mga miyembro ng bawat grupo na ibahagi ang tinalakay nila sa buong klase.

Alma 34:17–41

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na maghanda sa pagharap sa Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Alma 34:32 at mag-isip ng mga paraan na masusunod nila ang payo sa talata. Maaari nilang isulat ang ilan sa mga paraan kung paano sila naghahandang bumalik sa kinaroroonan ng Diyos at ang mga pagbabagong magagawa nila na makatutulong sa kanila na maging mas handa.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag natukoy ng mga estudyante ang mga alituntunin mula sa Alma 34:17–41, maaari mong gamitin ang whiteboard function para maisulat nila ang mga alituntuning nahanap nila.

Print