Seminary
Alma 30:30–60: “May Kataas-taasang Tagapaglikha”


“Alma 30:30–60: ‘May Kataas-taasang Tagapaglikha,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 30:30–60,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 30:30–60

“May Kataas-taasang Tagapaglikha”

taong nakatingin sa kalangitan sa gabi

Nagpatotoo si Alma na “lahat ng bagay ay nagpapatunay na may Diyos” (Alma 30:44). Ngunit bakit hindi kinikilala o tinatanggap ng lahat na may katibayan na totoo ang Diyos? Itinatwa ni Korihor na may Diyos hanggang sa siya ay mapipi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matukoy ang katibayan na may Diyos at piliing maniwala sa Kanya.

Maghikayat ng pagsusuri at assessment. Magbigay ng mga inspiradong tanong upang matukoy ng mga estudyante ang nalalaman at pinaniniwalaan na nila. Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan silang matukoy kung ano ang kailangan nilang malaman at magpatunay tungkol sa mga katotohanang hinahanap nila.

Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 30:40–41 o Moises 6:63. Sabihin sa kanila na maghanap sa kanilang kapaligiran ng katibayan na may Diyos at maaaring kunan ito ng litrato para ipakita sa klase.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

May Diyos

Pag-isipang magpakita ng ilang larawan na sa palagay mo ay nagpapakita ng katibayan na may Diyos. Maaari ding magbahagi ang mga estudyante tungkol sa paghahanda nila para sa klase. Talakayin ang ilan o lahat ng sumusunod na tanong.

  • Sa inyong paaralan o komunidad, gaano karaniwan para sa mga tao na makakita ng katibayan na may Diyos sa mundo sa paligid nila (halimbawa, habang nakatingin sa paglubog ng araw o mga bituin)?

  • Sa inyong palagay, bakit maaaring pare-pareho ang tinitingnan ng mga tao ngunit magkakaiba ang nagiging konklusyon nila tungkol sa Diyos?

  • Ano ang maaaring makaimpluwensya sa kakayahan ng isang tao na matukoy ang kaugnayan ng Diyos sa kanilang buhay?

Pag-isipan kung paano kayo mapagpapala kung makikita ninyo nang mas malinaw ang Diyos at ang Kanyang kaugnayan sa inyong buhay. Sa pag-aaral mo ngayon, hangaring madagdagan ang kakayahan mong makakita ng katibayan ng Diyos sa nakikita at nararanasan mo.

Pinaratangan ni Korihor ang mga lider ng Simbahan

Si Korihor, na isang anti-Cristo, ay naging matagumpay sa pagpapalaganap ng kanyang mga mapanghibok na mensahe sa lupain ng Zarahemla (tingnan sa Alma 30:12, 17–18). Sinubukan din niyang magturo sa mga tao sa Jerson at Gedeon. Doon, sinalungat ng mga nananampalataya sa Diyos si Korihor at dinala nila siya sa harapan ng punong hukom at ni Alma, ang mataas na saserdote.

Basahin ang Alma 30:30–36, at alamin kung paano tumugon si Alma sa mga pag-atake ni Korihor sa Diyos at sa Simbahan.  ChurchofJesusChrist.org

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita sa kanilang mga banal na kasulatan para matulungan silang maunawaan at maalala ang natutuhan nila.

Maaaring makatulong na malaman na ang ibig sabihin ng paglapastangan sa talata 30 ay kutyain ang Diyos o magsalita nang “walang pakundangan o walang pitagan sa Diyos o mga banal na bagay.” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Lapastangan, Kalapastanganan,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Ang salitang pagpapakasawa sa mga talatang ito ay nagsasaad ng pagyaman dahil sa isang bagay.

11:16
  • Ano ang ipinaratang ni Korihor na ginagawa ng mga lider ng Simbahan? (Tingnan sa Alma 30:31.)

Ang patotoo ni Alma tungkol sa Diyos

Nang tanungin ni Alma si Korihor kung naniniwala siya sa Diyos, sinabi ni Korihor na hindi siya naniniwala (tingnan sa Alma 30:37–38).

Basahin ang Alma 30:39–44, at alamin kung paano tumugon si Alma kay Korihor.  ChurchofJesusChrist.org

11:16
  • Ano ang pinakanapansin mo mula sa tugon ni Alma?

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Diyos ang matutukoy mo sa Alma 30:41, 44?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na i-cross-reference ang mga talatang ito sa Moses 6:63. Hayaang ibahagi ng mga estudyante ang anumang katotohanan na sa palagay nila ay itinuro sa mga talatang ito. Maaari nilang matukoy ang mga katotohanang tulad ng sumusunod na halimbawa.

Ang isang katotohanan na maaaring matutuhan natin ay lahat ng bagay ay nagpapatunay na may Diyos.

Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang katibayan ng Diyos sa kanilang buhay. Maghanap ng mga paraan para maisali ang bawat estudyante sa klase. Maaari kang gumawa ng listahan ng mga sagot ng mga estudyante para sa mga step 1 at 2 sa pisara. Maaari ding magsulat ang mga estudyante ng isang bagay para sa mga step 3 at 4 sa kanilang journal at pagkatapos ay magboluntaryong magbahagi. Maaaring hindi pa makatukoy ang ilang estudyante ng mga naranasan nila hanggang sa marinig nila na magbahagi ang iba.

  1. Gumawa ng listahan ng sinabi ni Alma na nagbibigay ng katibayan na may Diyos.

  2. Magdagdag ng anumang karagdagang katibayan na maiisip mo.

  3. Maghanap ng mga bagay sa iyong listahan na nakatulong sa iyo na personal na makakita ng katibayan na may Diyos. Maaari mong isulat ang ilang detalye mula sa iyong mga karanasan.

  4. Maaari ka ring pumili ng isa o mahigit pang mga bagay sa iyong listahan at ibahagi kung paano makatutulong ang mga ito sa iyo para madagdagan ang kakayahan mong makakita ng katibayan na may Diyos.

Ang sumusunod na pahayag ay makatutulong sa mga estudyante na maaaring nahihirapang matukoy ang mga naranasan niya tungkol sa Diyos. Maaari mong ibahagi ito at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila. Tulungan ang mga estudyante na hindi panghinaan ng loob at anyayahan silang sundin ang paanyaya ni Pangulong Nelson.

Ibinigay ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod na payo tungkol sa kaalaman na may Diyos.

2:3

Unawain na ang kawalan ng mga karanasan sa Diyos ang maaaring dahilan ng pagdududa na mayroong Diyos. Kaya, ilagay ang inyong sarili sa posisyon na masimulang magkaroon ng mga karanasan sa Kanya. Magpakumbaba. Manalangin na magkaroon ng mga mata na makakakita sa kamay ng Diyos sa inyong buhay at sa mundong nakapaligid sa inyo. Hilingin sa Kanya na sabihin sa inyo kung naroroon Siya talaga—kung nakikilala Niya kayo. Tanungin Siya kung ano ang nadarama Niya para sa inyo. At pagkatapos ay makinig. (Russell M. Nelson, “Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Liahona, Mayo 2019, 90)

Sa halip na manampalataya na magkaroon ng karanasan sa Diyos, nais ni Korihor na kumbinsihin siya ni Alma tungkol sa kapangyarihan ng Diyos at paulit-ulit niyang hinamon si Alma na magpakita sa kanya ng isang palatandaan (tingnan sa Alma 30:43, 45, 48).

  • Ano sa palagay ninyo ang naiiba sa isang taong sumusunod sa paanyaya ni Pangulong Nelson at sa isang taong humihingi ng palatandaan?

Basahin ang Alma 30:48–53, 59–60, at alamin kung paano nakumbinsi si Korihor sa kapangyarihan ng Diyos.  ChurchofJesusChrist.org

11:16
  • Ano ang matututuhan natin mula sa karanasan ni Korihor?

Pansinin ang mga aral na itinuro ni Mormon sa pariralang “sa gayon nakikita natin” sa talata 60. Isipin kung paano pa rin nililinlang ng diyablo ang mga tao ngayon at kung paano niya sila sinusubukang kumbinsihin na itatwa ang alam nilang totoo.

Magpatotoo na may Diyos at anyayahan ang mga estudyante na sikaping makita ang Diyos sa mundo sa paligid nila.