“Alma 30–31: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Alma 30–31,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Alma 30–31
Buod
Isang masamang lalaking nagngangalang Korihor ang dumating sa mga Nephita. Nangaral siya laban sa mga propesiya tungkol kay Jesucristo at inakay niya ang puso ng maraming tao palayo sa Diyos. Dinala siya sa harapan ni Alma, at nagpatotoo si Alma na “ang lahat ng bagay ay nagpapatunay na may Diyos” (Alma 30:44). Itinatwa ni Korihor na may Diyos hanggang sa siya ay mapipi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Samantala, ang mga Zoramita, na dating kabilang sa totoong Simbahan ng Diyos, ay nagsimulang maniwala sa mga maling turo. Ang kanilang tiwaling uri ng pagsamba ay naglayo sa kanilang mga puso sa Diyos at naging dahilan upang pagmalupitan nila ang iba. Matapos marinig na ang mga Zoramita ay “nahulog sa malalaking kamalian” (Alma 31:9), gumawa si Alma ng mga plano na gamitin ang kapangyarihan ng salita ng Diyos upang anyayahan silang bumalik kay Jesucristo.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Alma 30:1–29
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy at tanggihan ang mga turo na maaaring mag-akay sa kanila palayo kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring kausapin ng mga estudyante ang isang kapamilya o lider ng Simbahan tungkol sa mga paraan para matukoy ang mga maling turo.
-
Video: “Ang Banal na Kaloob na Pagsisisi” (15:22; panoorin mula sa time code na 2:08 hanggang 2:40)
-
Image: Maka-feke
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room para magtulungan ang mga estudyante bilang magkakapartner o sa maliliit na grupo habang tinatalakay nila ang mga mensaheng anti-Cristo na nakita nila. Bawat grupo ay maaaring pumili ng isang tagapagsalita na magbabahagi sa klase kung ano ang tinalakay ng kanilang grupo.
Alma 30:30–60
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang katibayan na may Diyos at piliing maniwala sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 30:40–41 o Moises 6:63. Sabihin sa kanila na maghanap sa kanilang kapaligiran ng katibayan na may Diyos at maaaring kunan ito ng litrato para ipakita sa klase.
-
Mga Larawan: Mga larawang nagpapatunay na may Diyos
-
Video: “Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin” (17:50; manood mula sa timecode na 14:24 hanggang 14:56)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magpakita ng larawan o bagay na nagpapatotoo ng tungkol sa Diyos at ipaliwanag kung bakit nila ito pinili.
Alma 31:1–11
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa sa kapangyarihan ng salita ng Diyos para manatiling tapat kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na makipag-usap sa isang tao tungkol sa kung paano nakatulong sa kanya ang salita ng Diyos na manatiling tapat sa ebanghelyo ni Jesucristo.
-
Video: “Araw-araw na Pagbabalik-loob” (13:43; manood mula sa time code na 1:40 hanggang 3:25)
-
Handout: “Ang Plano ni Alma na Turuan ang mga Zoramita”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa mithiin ni Alma na tulungan ang mga Zoramita na bumalik sa Panginoon, inaanyayahan ang mga estudyante na gumawa ng isang vision board: isang visual na representasyon ng mithiin, ang motibasyon para dito, at ang mga detalye tungkol sa pagsasakatuparan nito. Maaari kang maghanap ng mga halimbawa ng mga vision board sa internet at maaari mong ibahagi ang mga ito sa mga estudyante.
Alma 31:12–38
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapatibay ang kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang sinusuri nila kung paano nakakaimpluwensya ang kapalaluan at pagpapakumbaba sa kaugnayan nila sa Kanila at sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Bilang paghahanda sa pag-aaral ng Alma 31, sabihin sa mga estudyante na manalangin, at pagtuunan ang mga pangangailangan ng iba.
-
Larawan: Mga larawan ng mga estudyanteng sumasamba; isang larawan ng Ramiumptum
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart tungkol sa panalangin, na ipinakita o kinopya sa pisara
-
Video: “Ipinangangaral ni Alma at ng Kanyang mga Kapatid ang Salita ng Diyos sa mga Zoramita” (6:07; manood mula sa time code 0:22 hanggang 3:58 at 4:03 hanggang 5:55)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard function para ipakita ang chart tungkol sa panalangin. Sabihin sa mga estudyante na magdagdag sa chart sa buong lesson at kopyahin ito sa kanilang study journal.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang maraming scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa huling 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili at magsaulo ng isang doctrinal mastery passage na makatutulong sa kanila na mapalapit sa Tagapagligtas o makatutulong sa kanilang kasalukuyang pangangailangan.
-
Handout: “Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon: Alma–Moroni”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang magpakita ng nilalaman mula sa Doctrinal Mastery app at maaari ninyong gawin ang mga aktibidad bilang klase.