“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13: Hanapin at Markahan ang Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iyong pag-unawa sa mga katotohanan ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang mahanap ang 12 doctrinal mastery scripture passage sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.
Ipadama ang pagiging kabilang. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong malaman pa ang tungkol sa isa’t isa ay makatutulong para maipadama ang pagtanggap at pagiging kabilang. Maghanap ng mga okasyon kung saan makakapagbahagi ang mga estudyante sa isa’t isa ng naaangkop na impormasyon tungkol sa kanilang buhay.
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa mga kaibigan o kapamilya na magpakita sa kanila ng iba’t ibang paraan ng pagmamarka nila ng mga scripture passage at bakit.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.
Mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan
Kung kinakailangan, bago anyayahan ang mga estudyante na tumugon sa sumusunod na sitwasyon, ipaalala sa kanila na ang pagmamarka ng mga banal na kasulatan ay hindi kawalang-galang o sapilitan, at walang tama o maling paraan para gawin ito. Ang mahalaga ay sikaping hanapin, pag-aralan, at alalahanin ang itinuturo ng mga banal na kasulatan.
Ipagpalagay na napansin ka ng iyong nakababatang kapatid na minamarkahan mo ang iyong mga banal na kasulatan habang nag-aaral ka. Matapos makita sa pahina ang lahat ng minarkahan mo, tinanong ka ng nakababata mong kapatid kung bakit mo minarkahan ang iyong mga banal na kasulatan.
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi sa maliliit na grupo ng ilang iba’t ibang paraan na minamarkahan nila ang kanilang mga banal na kasulatan at bakit. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pagmamarka ng mga scripture passage ay makatutulong para maging personal ang mga banal na kasulatan, mabigyang-diin ang mga makabuluhang pananaw, at mas mapadali ang paghahanap muli ng mga scripture passage sa hinaharap.
Matapos magbahagi ng mga estudyante, ipakita ang sumusunod na chart, o ibigay ito bilang handout na gagamitin sa sumusunod na aktibidad.
Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)
Scripture Reference
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Alma 7:11–13
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”
Alma 34:9–10
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”
Alma 39:9
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”
Alma 41:10
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”
Helaman 5:12
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”
3 Nephi 11:10–11
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”
3 Nephi 12:48
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”
3 Nephi 27:20
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”
Eter 12:6
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”
Eter 12:27
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”
Moroni 7:45–48
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay [ang] dalisay na pag-ibig ni Cristo.”
Moroni 10:4–5
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
Maaari mong sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa kapartner. Atasan ang bawat magkapartner na maghandang ipabatid ang kahit isang doctrinal mastery passage sa klase. Tiyakin na nakatalaga ang lahat ng 12 scripture passage. Matapos silang bigyan ng oras na maghanda, sabihin sa bawat magkapartner na gawin ang mga sumusunod:
Ipakilala ang kanilang kapartner sa klase sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang bagay na interesante o mahalaga tungkol sa isa’t isa
Ipabatid ang kanilang doctrinal mastery passage sa klase sa pamamagitan ng:
Paghikayat sa mga estudyante na buklatin ang passage at pag-isipang markahan ito
Pagbabasa ng buong passage sa klase at pagtuturo ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan
Pagpapaliwanag kung bakit mahalagang maunawaan ang katotohanan sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga kabataan ngayon
Matapos magbahagi ang lahat ng estudyante, maaaring gamitin ng mga estudyante ang anumang natitirang oras sa klase para simulan ang pagsasaulo ng mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari nilang gamitin ang Doctrinal Mastery mobile app para matulungan sila (kung kinakailangan).
Maaari mong bigyan ng magkakaibang doctrinal mastery passage ang bawat estudyante. Maaaring gamitin ng bawat estudyante ang nakatalagang passage sa kanila para maghanda ng isang spiritual thought na ibabahagi bilang bahagi ng isang debosyonal kalaunan sa semester. Kung gagamitin mo ang ideyang ito, tiyaking itala kung aling mga doctrinal mastery passage ang nakatalaga sa bawat estudyante, gayundin kung aling araw gaganapin ang debosyonal. Maaari mo itong ipaalala sa mga estudyante sa oras ng klase bago ang araw ng debosyonal.
Tingnan ang bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral ” sa lesson na “Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 1” para matulungan ang mga estudyante na mahanap at mapag-aralan ang mga doctrinal mastery passage para sa semester na ito.