“Helaman 7–12: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Helaman 7–12,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Helaman 7–12
Buod
Ang propetang si Nephi, na anak ni Helaman, ay nabuhay sa panahon ng labis na kasamaan. Nang tanungin siya ng masasamang Nephita kung bakit napakalupit niyang magsalita tungkol sa kanila, buong tapang siyang nagpatotoo tungkol sa Tagapagligtas. Binalaan niya ang kanyang mga tao na sila ay malilipol kung hindi sila magsisisi. Matapos ang kanyang mga propesiya na may kinalaman sa pagpaslang sa punong hukom, pinagnilayan niya ang lahat ng ipinakita sa kanya ng Panginoon. Sa paggawa niya niyon, nagkaroon siya ng pambihirang karanasan kung saan pinagpala siya ng Panginoon dahil sa kanyang katapatan. Hiniling niya sa Panginoon na magpadala ng taggutom sa mga Nephita upang sila ay magsisi. Dahil dito, marami sa mga Nephita ang nagpakumbaba, at ang mga tao ay muling nabiyayaan ng ulan. Sa kabila ng himalang ito, sa paglipas ng panahon, karamihan sa mga tao ay muling tumalikod sa Panginoon at nagpatuloy sa kanilang kasamaan.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Helaman 7–10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga propeta sa plano ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa isang kaibigan o kapamilya kung paano nakaimpluwensya ang mga buhay na propeta sa kanilang buhay.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang maihanda ang mga estudyante sa pag-aaral at pagtuklas ng mga katotohanan tungkol sa propeta ng Panginoon, maaari mong gamitin ang whiteboard feature para isulat ang heading na Mga katotohanan tungkol sa mga Propeta ng Panginoon. Sabihin sa mga estudyante na maglista ng mga katotohanan sa ilalim ng heading na ito sa buong lesson.
Helaman 8
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na ang mga propeta ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo, at makatutulong ito sa kanila na madama ang katotohanan ng mga patotoo ng mga propeta.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng isa o mahigit pang mga halimbawa ng mga propeta at apostol na nagpatotoo tungkol kay Jesucristo sa huling pangkalahatang kumperensya.
-
Nilalamang ipapakita: Ang listahan ng mga propeta at mga banal na kasulatan para sa opsiyon A
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa mga estudyanteng pumili ng opsiyon A, ipakita ang listahan ng mga propeta at scripture reference mula sa lesson. Para sa mga estudyanteng pumili ng opsiyon B, ibahagi sa chart ang link sa koleksyon ng mga video ng “Mga Natatanging Saksi ni Cristo” para mapanood nila ang ilan sa mga patotoo ng mga makabagong propeta at apostol.
Helaman 10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga katotohanan mula sa karanasan ni Nephi na makapag-aanyaya sa patnubay at kapangyarihan ng Panginoon sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Helaman 10 at alamin ang matututuhan nila mula sa halimbawa ni Nephi na magpapala sa kanilang buhay.
-
Mga Handout: “Pagbubulay-bulay at Personal na Paghahayag,” “Paghahangad na Gawin ang Kalooban ng Panginoon nang Walang Kapaguran,” at “Ang Kapangyarihang Magbuklod”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa mga aktibidad ng grupo, maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room sa mga grupo na may tigtatatlong miyembro. Pagkatapos ay maaari kang pumasok sa bawat breakout room para tumulong kung kailangan o obserbahan lang ang mga aktibidad ng mga estudyante.
Helaman 11–12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring dagdagan ang pagpapakumbaba sa Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang mensahe ni Pangulong Ezra Taft Benson sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 1989 na pinamagatang “Beware of Pride.” Ang mensaheng ito ay matatagpuan sa Gospel Library o sa Ensign, Mayo 1989, 4–7.
-
Nilalamang ipapakita: Ang larawang may mga numero; ang diagram ng cycle ng kapalaluan
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong ipakita ang diagram ng cycle ng kapalaluan sa simula ng lesson para makopya ito ng mga estudyante sa kanilang study journal para makumpleto ang aktibidad sa pag-aaral. Bilang alternatibo, maaari kang magbigay ng attachment ng larawan na mabubuksan ng mga estudyante sa kanilang computer at maaari nilang i-print para magamit sa klase.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang maraming scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa huling 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga bagay sa kanilang buhay na naisaulo nila. Paano nila naisaulo ang mga bagay na ito, at paano ito nakatulong sa kanila?
-
Nilalamang ipapakita: “Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni”
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel, mga lapis, at gunting para sa paggawa ng mga memory card
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa simula ng lesson, maaari mong hayaang ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga sagot mula sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante.