Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

dalagita na nag-aaral

Ang pag-alaala sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay magpapala sa iyong buhay sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang maraming scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa huling 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.

Tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Kapag isinaulo ng mga estudyante ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, mas malamang na maalala at magamit nila ang mga ito kapag ibinabahagi nila ang ebanghelyo. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsasaulo, tulad ng pag-uulit, mga simpleng laro, o mga memory card, para gawing mas masaya ang pagsasaulo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga bagay sa kanilang buhay na naisaulo nila. Paano nila naisaulo ang mga bagay na ito, at paano ito nakatulong sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Pagsasaulo

Ang sumusunod ay makatutulong sa mga estudyante na mabilis na simulang pag-isipan ang tungkol sa pagsasaulo ng mga banal na kasulatan.

Bilang alternatibo, maaaring magbahagi ang mga estudyante ng isang bagay na isinaulo nila (tulad ng mga linya sa pelikula, lyrics ng kanta, address, at iba pa) at talakayin kung bakit nila naisaulo ang mga ito at kung paano nila natatandaan ang mga ito. Makatutulong din na anyayahan ang isang kauuwi lang na missionary para magbahagi ng mga banal na kasulatan na isinaulo niya at patotohanan ang kahalagahan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan.

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa kahalagahan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan:

Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng [bagong] pagkakaibigan. Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago. (Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6)

  • Aling mga banal na kasulatan ang naisaulo mo na? Bakit mo isinaulo ang mga ito?

Sa paggawa mo ng mga sumusunod na aktibidad sa pagsasaulo, magkaroon ng kumpiyansa at tiwala na matutulungan ka ng Panginoon na maisaulo ang mahahalagang reperensya at parirala ng banal na kasulatan na ito.

Mga doctrinal mastery passage at pagsasaulo

Nasa ibaba ang listahan ng huling 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon kasama ang mahahalagang parirala ng mga ito.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag, … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin, … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Ang mga estudyanteng may access sa mga electronic device ay maaaring gumamit ng app o program para makagawa ng mga memory card sa kanilang mga device. Kung hindi maka-access, magbigay ng dalawang piraso ng papel sa bawat estudyante para sa aktibidad na ito.

Kung may access ang mga estudyante sa mga memory card, maaari mong laktawan ang mga aktibidad sa bahaging, “Paggamit ng iyong mga memory card.”

Gumawa ng isang set ng mga memory card na magagamit mo sa buong taon. Kung kailangan, gamitin ang mga sumusunod na tagubilin upang matulungan ka sa paggawa ng iyong mga memory card:

Huwag mag-ukol ng napakaraming oras sa paggawa ng mga memory card. Tiyakin na may sapat na oras ang mga estudyante na gamitin ang kanilang mga card sa pagsasanay na isaulo ang mga scripture mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Hakbang 1: Gumawa ng 12 card

Gamit ang buong bahagi ng isang papel, gumuhit ng isang linya sa gitna ng papel upang makagawa ng dalawang column. Pagkatapos ay gumuhit ng dalawang pahalang na linya sa papel para makagawa ng tatlong kahon na may magkakaparehong sukat sa bawat column, na magbibigay sa iyo ng anim na kahon sa kabuuan. Tingnan ang sumusunod na larawan para sa halimbawa kung ano ang dapat na hitsura ng iyong papel:

Blankong talahanayan

Baligtarin ang papel at gawin din ito sa bahaging iyon. Ulitin ang prosesong ito sa isang hiwalay na papel para makagawa ng 12 kahon na kailangan mo.

Sa isang bahagi ng bawat isa sa mga papel mo, sumulat sa bawat kahon ng isang scripture reference mula sa chart. Bukod pa sa scripture reference, maaari kang magdrowing ng isang simpleng larawan sa bahaging ito ng iyong mga papel na tutulong sa iyo na maalala ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Bagama’t dapat makatulong sa iyo ang drowing para maalala ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, dapat din itong magpakita ng wastong pagpipitagan at paggalang sa kasagraduhan ng scripture passage.

Hakbang 2: Isulat ang mga doctrinal mastery scripture reference sa isang bahagi

Sa isang bahagi ng dalawang papel mo, magsulat sa bawat kahon ng isang scripture reference mula sa chart. Bukod pa sa scripture reference, maaari ka ring magdrowing ng isang simpleng larawan na tutulong sa iyo na maalala ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Hakbang 3: Isulat ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa kabilang bahagi

Baligtarin ang iyong mga papel, at isulat sa bawat kahon ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na tumutugma sa scripture reference sa kabilang bahagi.

Hakbang 4: Gupitin ang iyong mga card

Gupitin ang bawat isa sa mga kahong ginawa mo upang maging mga card.

Paggamit ng iyong mga memory card

Maging malikhain sa paggamit ng iyong mga memory card. Pumili ng isa sa mga sumusunod na ideya, o mag-isip ng sarili mong ideya. Maaari mo ring piliing gamitin ang resources na makukuha sa doctrinal mastery app.

  • Bigyan ng quiz ang iyong sarili: Hawakan ang mga memory card para ang makita mo lang ay ang reperensya o ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Subukang sabihin ang kaukulang mahalagang parirala ng banal na kasulatan o ang kaukulang reperensya. Ulitin ito nang ilang beses sa bawat reperensya at kaukulang parirala.

  • Aktibidad na pagtutugma: Makipag-partner sa isang tao. Sabihin sa isang tao na ilagay ang kanyang mga card nang nakaharap ang reperensya at sa isa pang tao na ilagay ang kanyang mga card nang nakaharap ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Itugma ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga kaukulang reperensya sa pamamagitan ng pagpapatong ng card na may mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa card ng reperensya.

Maaari mong hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-aapat na estudyante. Sabihin sa bawat grupo na gumamit ng isang set ng mga memory card at hatiin ang set na ito sa mga miyembro ng grupo. Sabihin sa mga estudyante na ilagay ang lahat ng card sa kanilang mesa nang nakaharap ang mga reperensya. Magbasa ng isang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa klase. Ang estudyante sa bawat grupo na may hawak ng card ng katugmang reperensya ang dapat magbigay ng card sa titser. Hamunin ang bawat grupo na dalhin ang tamang card sa titser nang hindi lalampas sa itinakdang oras—halimbawa, sa loob ng limang segundo. Hikayatin ang mga estudyante na tulungan ang iba pa nilang kagrupo. Maaari ding anyayahan ang mga estudyante na makipagpalitan ng card sa kanilang mga kagrupo upang matulungan silang matutuhan ang lahat ng reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Maaari ding magtulungan ang mga estudyante nang magkaka-partner o sa maliliit na grupo para mag-isip ng sarili nilang mga paraan sa paggamit ng kanilang mga memory card.

Kapag tapos na, tulungan ang mga estudyante na talakayin ang natutuhan at nadama nila mula sa kanilang pag-aaral at paggamit ng kanilang mga memory card. Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong dito. Maaari ka ring magbahagi ng mga personal na karanasan na nakatulong sa iyo na makita ang kahalagahan ng isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage na binanggit sa lesson na ito.

  • Sa palagay mo, aling mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ang lubos na makatutulong sa iyo kung maisasaulo mo ito? Bakit?

  • Ano ang ilang katotohanang itinuturo ng mga passage na ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo?