“Helaman 13–16: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Helaman 13–16,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Helaman 13–16
Buod
Maraming Nephita ang naghimagsik laban sa Diyos at sa Kanyang mga kautusan, kaya isinugo ng Diyos si Samuel ang Lamanita sa kanila dala ang mensaheng magsisi. Nanganib ang buhay ni Samuel sa pagtuturo sa kanila na ang pagsisisi ay isang kaloob mula kay Jesucristo na humahantong sa kaligayahan at kaligtasan. Bilang bahagi ng kanyang mga propesiya, inihayag niya ang tungkol sa mga palatandaan na magpapahayag ng pagsilang at kamatayan ni Jesucristo.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Helaman 13–16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang tungkulin ng mga propeta at kung paano nila tayo tinutulungan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang ibahagi kung paano nila nalaman na ang Panginoon ay kasama ng Kanyang mga sinaunang propeta at ngayon ay kasama ng Kanyang mga makabagong propeta.
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart sa simula ng lesson; mga larawan nina Samuel ang Lamanita, Noe, Moises, Pedro, at Joseph Smith
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Ilang kopya ng huling mga edisyon ng pangkalahatang kumperensya ng magasing Liahona
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang mga halimbawa kung paano sinamahan ng Diyos sina Noe, Moises, Pedro, at Joseph Smith, maaari mong hatiin ang klase sa apat na breakout room. Maaaring i-assign sa bawat breakout room na pag-aralan ang tungkol sa isa sa mga propetang ito at magbahagi ng tungkol dito kapag nagsama-sama na muli ang mga grupo.
Helaman 13, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang maawain at mapagpatawad na katangian ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang nadama nila matapos maranasan ang maawain at mapagpatawad na katangian ng Panginoon sa kanilang buhay. Paalalahanan sila na huwag magbahagi ng anumang bagay na masyadong personal.
-
Nilalamang ipapakita: Ang mga tagubilin para sa aktibidad A, B, at C
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Pag-isipang anyayahan ang mga full-time missionary na naglilingkod sa inyong lugar na pumunta sa klase at magkuwento tungkol sa isang taong naturuan nila sa kanilang misyon na nakaranas ng awa at pagmamahal ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi. Tiyaking tumanggap ng pahintulot mula sa iyong coordinator o program administrator at mga lokal na lider ng priesthood bago ibigay ang paanyaya.
Helaman 13, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madaig ang anumang balakid sa pagsisisi.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ilan sa mga sumusunod na salita ang gagamitin nila para ilarawan ang pagsisisi at kung bakit: kaparusahan, pag-asa, pagpapala, pagbabago, pag-unlad, kalungkutan.
-
Larawang ipapakita: Isang lawa sa bundok
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson na may tatlong talata para sa bawat estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Ipakita sa screen ang mga pahayag ni Pangulong Nelson mula sa lesson. Hayaang gamitin ng mga estudyante ang drawing feature para markahan ang mga parirala na sa palagay nila ay makatutulong sa atin na madaig ang mga balakid sa pagsisisi. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung bakit nila minarkahan ang mga iyon.
Helaman 14
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang paniniwala kay Jesucristo kapag naunawaan nila ang mga palatandaang ibinigay sa atin ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi kung paano maihahambing ang liwanag kay Jesucristo. Maaari nilang isipin ang mga flashlight, bumbilya, o natural na liwanag gaya ng araw at mga bituin.
-
Nilalamang ipapakita: Isang anunsyo para sa isang kaganapan sa iyong buhay na ipinadala mo sa mga mahal mo sa buhay nang maaga; isang matching quiz
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel, mga krayola, mga marker, at iba pang mga materyal para sa paggawa ng anunsyo
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng mga digital announcement para sa pagsilang o kamatayan ng Tagapagligtas. Pagkatapos ay hayaang ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga screen habang ipinapaliwanag nila ang mga anunsyong ginawa nila. O maaaring gumawa ang mga estudyante ng mga anunsyo gamit ang papel, mga marker, o mga krayola at ipakita ito sa camera.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga katotohanang itinuro sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pumili ng isang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na magpapala sa kanilang buhay habang pinag-aaralan nila ito.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel para sa mga indibiduwal at grupo
-
Nilalamang ipapakita: “Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni”; isang larawan ni Jesucristo
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa simula ng lesson, aanyayahan ang mga estudyante na sumulat ng ilang pangungusap tungkol sa kanilang sarili. Kung maaari, sabihin sa mga estudyante na direktang ipadala sa iyo ang kanilang mga sagot gamit ang private chat feature. Magbibigay-daan ito para mahulaan ng mga estudyante kung sino ang sumulat ng mga sagot kapag binasa mo ang mga ito sa klase.