Seminary
Helaman 14: Mga Palatandaan ng Tagapagligtas


“Helaman 14: Mga Palatandaan ng Tagapagligtas,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Helaman 14,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Helaman 14

Mga Palatandaan ng Tagapagligtas

Larawan
binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang Ama sa Langit ay nagpapadala ng mga propeta upang tulungan ang Kanyang mga anak na maniwala sa Kanyang Pinakamamahal na Anak, tulad noong tagubilinan Niya si Samuel, ang Lamanita, na magpropesiya sa mga Nephita. Bilang bahagi ng kanyang mga propesiya, inilahad ni Samuel ang mga palatandaan na magpapahayag ng pagsilang at kamatayan ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapalakas ang iyong paniniwala kay Jesucristo kapag naunawaan mo ang mga palatandaang ibinigay sa atin ng Diyos.

Hikayatin ang bawat estudyante na mag-ambag sa karanasan sa pagkatuto. Magbigay ng maraming paraan para makibahagi ang mga estudyante sa klase. Maaaring kabilang dito ang pagdrowing, pagsulat sa pisara, pagpapaliwanag ng nauunawaan nila, o pagpapatotoo. Kilalanin ang mga pagsisikap ng mga estudyante at hikayatin ang lahat na suportahan ang mga kontribusyon ng kanilang mga kaklase.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi kung paano maihahambing ang liwanag kay Jesucristo. Maaari nilang isipin ang tungkol sa mga flashlight sa madidilim na lugar, mga bumbilya sa isang bahay, o mga natural na liwanag gaya ng araw at mga bituin.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Anunsyo

Isipin ang mga kaganapan sa iyong buhay na napakahalaga na iaanunsyo mo ang mga ito sa mga kaibigan at kapamilya nang maaga. Sa maraming kultura, ang mga pormal na anunsyo para sa graduation, kasal, mahahalagang kaarawan, at iba pang mga kaganapan ay ginagawa at ipinadadala nang maaga nang ilang linggo o buwan.

Maaari kang magpakita sa mga estudyante ng mga halimbawa ng mga anunsyo, o magkuwento sa kanila tungkol sa isang kaganapan sa iyong buhay na inanunsyo nang maaga sa mga mahal mo sa buhay.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit ipinadadala ng mga tao ang mga anunsyong ito bago ang araw ng kaganapan?

  • Ano ang ilang kaganapan na pinili ng Ama sa Langit na ipahayag nang maaga sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta? Sa iyong palagay, bakit napakahalagang ipaalam ang mga kaganapang iyon?

Sa pamamagitan ng mga propesiya ni Samuel, ang Lamanita, inihayag ng Diyos sa mga Nephita ang mahahalagang kaganapan sa hinaharap at mga palatandaan na kasama ng mga ito.

Basahin ang Helaman 14:12, at alamin ang mga dahilan kung bakit iniutos ng Diyos kay Samuel na magpropesiya tungkol sa mga palatandaang ito.

Tulungan ang mga estudyante na tumukoy ng alituntunin sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na ibuod ang natutuhan nila mula sa talatang ito. Maaaring gumamit ang mga estudyante ng ibang mga salita, ngunit ang katotohanan na matutukoy nila ay maaaring tulad ng sumusunod.

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ang malaman ang mga palatandaang ibinigay ng Diyos ay magpapatibay sa ating paniniwala kay Jesucristo.

Sa iyong palagay, paano makakaimpluwensya sa iyo ang pagsaksi sa mga palatandaang ibinigay ni Samuel para ipahayag ang pagsilang at kamatayan ni Jesucristo? Isipin kung anong mga palatandaan o karanasan ang ibinigay sa iyo ng Diyos para pagtibayin ang iyong paniniwala sa Tagapagligtas. Maaaring kabilang dito ang mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga palatandaan ng pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas

Kung gagamitin mo ang sumusunod na aktibidad, bigyan ang mga estudyante ng takdang oras para magkaroon pa ng oras para sa natitirang materyal na kinakailangan ng iyong mga estudyante. Maaaring magtulungan ang mga estudyante sa maliliit na grupo, at maaari mong atasan ang iba’t ibang grupo na pag-aralan ang tungkol sa pagsilang ni Cristo o ang Kanyang kamatayan. Ipaalala sa mga estudyante na igalang ang Kanyang pagsilang at kamatayan kapag gumawa sila ng kanilang mga anunsyo.

Ang isa pang opsiyon ay pagawin ang lahat ng grupo ng mga anunsyo tungkol sa pagsilang ni Cristo at talakayin sa kanilang mga grupo kung paano nagpapatotoo ang mga palatandaang iyon tungkol sa Kanya. Pagkatapos, maaaring pag-aralan ng buong klase ang mga palatandaan ng kamatayan ni Cristo at maaari nilang talakayin kung paano nagpapatotoo ang mga palatandaang iyon tungkol sa Kanya.

Magbigay ng mga materyal tulad ng mga krayola at papel kung kinakailangan. Maaaring gumamit ang mga estudyante ng mga digital device, kung mayroon, sa halip na papel.

Gamit ang mga sumusunod na propesiya, gumawa ng mga anunsyo para sa mga Nephita noong panahon ni Samuel tungkol sa pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas. Sikaping maipakita ang kasabikan sa pagsilang ng Tagapagligtas at ang kalungkutan sa Kanyang kamatayan. Isama rin ang mga dahilan kung bakit dapat maghanda ang mga tao para sa mga darating na kaganapang ito.

Sabihin sa bawat grupo na ipakita ang kanilang anunsyo sa isa pang grupo. Kung tumuon ang iba’t ibang grupo sa iba’t ibang palatandaan, sabihin sa kanila na ipakita ito sa isang grupo na nag-aral ng ibang palatandaan.

Pagkatapos ay mag-anyaya ng talakayan sa klase tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng mga sumusunod.

  • Sa iyong palagay, bakit ipinahayag ng mga palatandaan na may kinalaman sa liwanag at dilim ang pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas?

  • Paano napagtibay ng pagkakita sa mga palatandaang ito ang paniniwala ng mga Nephita sa Tagapagligtas?

Kung makatutulong sa mga estudyante, maaari mo silang anyayahang maghanap sa mga banal na kasulatan kung saan inihambing ang Tagapagligtas sa ilaw o liwanag—halimbawa, sa Juan 8:12. Maaari mong itanong, “Paano naging ilaw sa inyo si Jesucristo?”

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito

Larawan
ang Ikalawang Pagparito

Tulad ng paggamit ng Ama sa Langit ng mga palatandaan upang ihanda ang mga sinaunang Nephita para sa pagsilang ng Kanyang Anak, gumagamit Siya ng mga palatandaan sa ating panahon upang tulungan tayong maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Kanyang Anak.

Ang bahaging ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito. Ang matching quiz sa ibaba ay isang paraan upang tulungan ang mga estudyante na magawa ito. Maaari ka ring gumamit ng iba pang mga paraan, tulad ng pagpapakita ng listahan ng mga palatandaan habang sinasagot ng mga estudyante ang mga tanong sa katapusan ng lesson. O maaari mong papiliin ang bawat estudyante ng isang reperensya na babasahin at pagkatapos ay ibahagi sa klase ang palatandaang natuklasan nila.

Mga sagot: 1-d, 2-b, 3-a, 4-c, 5-e

Upang matulungan kang maging pamilyar o maalala ang ilan sa mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito, basahin ang mga sumusunod na scripture passage at itugma ang mga ito sa deskripsyon ng palatandaan. Kung gusto mong pag-aralan ang marami pang palatandaan, tingnan sa “Palatandaan ng Panahon, Mga” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

  1. 1 Nephi 14:14

  1. Ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay mahihikayat na magtungo sa templo ng Diyos

  1. 2 Nephi 3:6, 11, 15

  1. Isang inapo ni Jose ng Egipto (Joseph Smith) ang maglalabas ng salita ng Diyos (ang Aklat ni Mormon)

  1. Isaias 2:2–3

  1. Ang ebanghelyo ay ipangangaral sa buong daigdig

  1. Mateo 24:14

  1. Ang mga tao ng Panginoon ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo at bibiyayaan ng kapangyarihan ng Diyos

  1. 2 Timoteo 3:1–7

  1. Ang mga tao ay magiging makasarili at makasalanan at tatalikuran ang Diyos

  • Paano mo nakitang natupad ang ilan sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Ang sumusunod na tanong ay maaaring mahalagang pag-isipan ng mga estudyante. Bago sila sumagot, isiping bigyan sila ng oras na pagnilayan kung paano nakaimpluwensya ang ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo, gawaing misyonero, mga templo, si Propetang Joseph Smith, at ang Aklat ni Mormon sa kanilang paniniwala sa Tagapagligtas.

  • Paano napagtibay ng katuparan ng mga palatandaang ito ang iyong pananampalataya sa Tagapagligtas?

  • Ayon sa Helaman 14:13, 28–29, bakit napakahalaga para sa atin na maniwala kay Cristo?

  • Sa anong mga paraan naging pagpapala sa iyo ang iyong paniniwala kay Jesucristo?

Maaari mong ipasulat sa mga estudyante ang mga impresyong matatanggap nila tungkol sa sumusunod sa kanilang study journal.

Sa pag-aaral mo ng 3 Nephi 1–10 sa mga darating na lesson, mababasa mo ang tungkol sa katuparan ng mga palatandaang ibinigay ni Samuel tungkol sa pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas. Ang mga tao sa panahon ni Samuel na naniwala sa mga propesiya at naghanda para sa pagdating ni Cristo ay nagkaroon ng lubos na naiibang karanasan kaysa sa mga taong hindi naniwala.

Sa iyong study journal, isulat ang tungkol sa iyong paniniwala sa Tagapagligtas at sa mga karanasang umakay sa iyo rito. Maaari mo ring isama kung paano mo mapalalakas ang paniniwalang iyon (halimbawa, sa patuloy na pag-aaral ng Aklat ni Mormon o pagdalo sa templo).

Print