“Helaman 10: Pinagpala ng Panginoon si Nephi,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Helaman 10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Helaman 10
Pinagpala ng Panginoon si Nephi
Matapos ang kanyang mga propesiya tungkol sa pagpaslang sa punong hukom, pinagnilayan ni Nephi ang lahat ng ipinakita sa kanya ng Panginoon, ngunit pinanghinaan din siya ng loob dahil sa kasamaan ng mga tao. Habang pauwi na siya, nagkaroon siya ng pambihirang karanasan kung saan pinagpala siya ng Panginoon dahil sa kanyang katapatan sa paggawa ng Kanyang kalooban. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang mga katotohanan mula sa karanasan ni Nephi na makapag-aanyaya sa patnubay at kapangyarihan ng Panginoon sa iyong buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagiging karapat-dapat
-
May naiisip ka bang isang pagkakataon na may natutuhan ka mula sa halimbawa ng ibang tao? Ano iyon?
-
Bakit napakaepektibo ng pagkatuto sa pamamagitan ng halimbawa?
Magkakaroon ka ngayon ng mga pagkakataong matuto ng mga katotohanan mula sa halimbawa ng propetang si Nephi. Maaaring naaalala mo na si Nephi ay maling pinaratangan na sangkot sa pagpaslang sa punong hukom ng mga Nephita (tingnan sa Helaman 9:16–20). Sa pamamagitan ng inspirasyon, nakilala ni Nephi ang pumaslang at pinalaya siya (tingnan sa Helaman 9:20–38). Sa pag-uwi ni Nephi, nagkaroon siya ng mahalagang karanasan sa Panginoon na nakatala sa Helaman 10. Ang sumusunod na tatlong aktibidad ay tutulong para magabayan ka sa pag-aaral mo ng kabanata.
Aktibidad sa Pag-aaral 3: Ang Kapangyarihang Magbuklod
Isipin na kunwari ay pinagkalooban ka ng Panginoon ng kapangyarihang gawin ang anumang hiniling mo sa Kanya. Sa propetang si Nephi, sinabi ng Diyos na ipagkakaloob Niya ang anumang bagay na nanaisin ni Nephi dahil “hindi [siya] hihiling nang salungat sa kalooban [ng Diyos]” (Helaman 10:5).
Basahin ang Helaman 10:7, at alamin ang isa sa mga bagay na ipinagkaloob ng Panginoon na may kapangyarihan si Nephi na gawin.
Ang kapangyarihang inilarawan sa talata 7 ay tinatawag na kapangyarihang magbuklod. Mula sa talatang ito, nalaman natin na ang kapangyarihang magbuklod ay nagbubuklod at naghihiwalay ng anuman sa lupa at sa langit. Maaaring makatulong na malaman na ang ibig sabihin ng nagbubuklod ay nagdurugtong o nag-uugnay at ang ibig sabihin ng naghihiwalay ay nagkakalas o nagbubuwag.
Maaari mong isulat sa pisara ang mga talatang nakalista sa sumusunod na talata at sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga ito bilang mga cross-reference sa tabi ng Helaman 10:7 sa kanilang mga banal na kasulatan.
Ang kapangyarihang magbuklod na binanggit sa talata 7 ay ang kapangyarihang magbuklod na siya ring hawak ni Elijah (tingnan sa 1 Mga Hari 17:1), ni Pedro at ng mga apostol (tingnan sa Mateo 16:15–19; 18:18), at ni Joseph Smith (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132:46). Ang mga susi ng kapangyarihan ding ito ay hawak ngayon ng Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at ng mga taong maaari niyang pagkalooban nito. Sa kapangyarihang ito, ang mga pamilya ay maaaring mabuklod magpakailanman sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo.
-
Sa iyong palagay, bakit nais ng Ama sa Langit na gumawa tayo ng mga tipan na angkop sa buhay na ito at sa kabilang-buhay?
-
Sa anong mga paraan ka napagpala dahil nalaman mo na maaaring mabuklod ang mga pamilya nang walang hanggan?
-
Paano nakakaimpluwensya sa iyong pag-iisip o pagpili ngayon ang kaalaman na ang mga pamilya ay maaaring magkasama-sama nang walang hanggan?
Pagkatapos magawa ng mga estudyante ang mga aktibidad sa pag-aaral, maaari mong anyayahan ang maraming estudyante na magbahagi ng isang bagay na nadama nila na napakahalaga o napakamakabuluhan mula sa kanilang pag-aaral. Kung may oras pa, makatutulong din na basahin ang Helaman 10:11–19 para malaman kung ano ang ginawa ni Nephi matapos ang sagradong karanasang ito sa Panginoon.
Patotohanan ang mga katotohanang pinag-aralan ngayon, at hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa anumang espirituwal na impresyong natanggap nila.