Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20: Isaulo


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20: Isaulo,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20

Isaulo

dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong isaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng mga ito at isaulo rin ang mga buong passage.

Pagtulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagsasaulo. Maghangad ng mga pagkakataon na mahikayat ang mga estudyante na magsaulo ng banal na kasulatan. Tulungan sila na makita kung paano sila mapapalakas ng pagsasaulo ng banal na kasulatan para malabanan ang mga tukso at kung paano mapapatibay ang kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang huling 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon at pumili ng isa (o ilang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan) na sa palagay nila ay makatutulong sa kanila kapag naisaulo nila ito. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga sitwasyon kung saan ang pagsasaulo ng passage na ito (o mga pariralang ito) ay maaaring makatulong sa kanila at bakit.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan

Ang sumusunod ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na matularan ang halimbawa ni Jesucristo at makadama ng motibasyon na isaulo ang mga banal na kasulatan. Maaari kang magpakita ng larawan ng Tagapagligtas habang tinatalakay ang Kanyang halimbawa.

ang Tagapagligtas
  • Ano ang ilang paraan na matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo?

Ang isang paraan na matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo ay sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ginamit ng Tagapagligtas ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan upang mapaglabanan ang tukso (tingnan sa Mateo 4:1–11) at turuan ang iba (tingnan sa Lucas 24:27; 3 Nephi 22).

  • Ano ang ilang sitwasyon kung saan makatutulong ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan?

Habang isinasaulo mo ang mga doctrinal mastery scripture passage o mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, tandaan na tinutularan mo ang halimbawa ni Jesucristo.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo at anyayahan silang pumili ng isang doctrinal mastery passage mula sa chart na gusto nilang isaulo. Hikayatin ang bawat grupo na tahimik na pag-aralan ang napiling passage sa loob ng ilang minuto. Maaaring makipagtulungan ang mga estudyante sa kanilang grupo upang maisaulo ang passage gamit ang aktibidad na paisa-isang parirala na ipinaliwanag sa ibaba, iba pang mga paraan na maaaring nagawa nila dati, o ang mga memorization feature sa Doctrinal Mastery app.

Ang isa pang opsiyon ay bigyan ang bawat grupo ng blangkong papel. Magsisimula ang isang estudyante sa pagsusulat ng scripture reference sa papel. Pagkatapos ay ipapasa ito ng estudyante sa susunod na estudyante, na magsusulat ng unang salita ng passage. Ang papel ay ipapasa-pasa, kung saan magsusulat ang bawat estudyante ng isang salita hanggang sa makumpleto ang buong passage. Ang isa pang opsiyon ay bigyan ang bawat estudyante ng 10 segundo para magsulat ng marami hangga’t kaya nila bago ipasa ang papel sa susunod na estudyante. Maaaring gawin ito ng mga grupo nang maraming beses, at sikaping kumpletuhin ito nang mas mabilis sa bawat pagkakataon.

Pagrerebyu

Sa halip na magpasulat sa mga estudyante ng maikling liham para sa iyo, maaari kang magpasulat sa kanila ng isang liham para sa kanilang sarili sa kasalukuyan o hinaharap. Ang isa pang opsiyon ay ipatalakay sa kanila ang mga sumusunod na tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Sumulat ng maikling liham sa iyong titser. Isama ang sumusunod:

  • Ang scripture passage o mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na sinikap mong isaulo at kung anong mga paraan sa pagsasaulo ang ginamit mo

  • Ang mga sitwasyong nararanasan mo ngayon o mararanasan mo sa hinaharap kung saan makatutulong ang pagsasaulo ng passage o mahahalagang parirala na ito

  • Ang mga saloobin mo sa kung paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan upang matularan ang halimbawa ni Jesucristo

Maghanap ng mga pagkakataong ulitin nang madalas ang naisaulong scripture reference at passage (o mahahalagang parirala).