Seminary
3 Nephi 17–19: Buod


“3 Nephi 17–19: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 17–19,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 17–19

Buod

Matapos magturo sa maraming tao, ipinahayag ng Tagapagligtas na panahon na para umalis Siya. Gayunpaman, ang kanilang mga luha at pananabik na mananatili Siya nang mas matagal ay umantig sa Kanyang puso. Sa kagila-gilalas na pagpapakita ng habag, pinagaling Niya sila, nanalangin Siya kasama nila, at isa-isa Niyang binasbasan ang kanilang mga anak. Tinuruan Niya sila tungkol sa ordenansa ng sakramento, at ipinakita Niya sa kanila kung paano manalangin. Pagkatapos ay lumisan siya, at kinabukasan, nagtipon muli ang maraming tao. Sila ay bininyagan at napuspos ng Espiritu Santo, at naglingkod sa kanila ang mga anghel. Si Jesus ay muling nagpakita at patuloy silang tinuruan.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

3 Nephi 17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang pagkahabag ni Jesucristo para sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nakadama sila ng awa, habag, o pagmamahal mula sa Diyos. Maaaring maghanda ang mga estudyante na ibahagi kung paano nakaapekto ang mga karanasang ito sa kanilang ugnayan sa Kanya.

  • Mga Video:Naglingkod si Jesucristo at ang mga Anghel nang May Habag” (11:59; panoorin mula sa time code na 0:12 hanggang 1:30 at 1:30 hanggang 11:45)

  • Nilalamang ipapakita: Ang mga scripture block para masanay ng mga estudyante ang paglalarawan sa isipan

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na magsanay sa paglalarawan sa isipan ng ginawa ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 17:7–25, maaari kang mag-post ng mga link sa mga video gamit ang time code. Kung nais ng mga estudyante, maaari nilang i-mute ang kanilang mikropono at patayin ang kanilang mga camera habang pinanonood nila ang mga video. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung aling mga sandali ang pinakamakabuluhan sa kanila.

3 Nephi 18:1–14

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mga makabuluhang karanasan sa pag-alaala sa Tagapagligtas kapag tumatanggap sila ng sakramento.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano makabuluhan ang kanilang mga karanasan sa sakramento. Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang magagawa nila para mapagbuti pa ang mga ito.

  • Video:Pinasimulan ni Jesucristo ang Sakramento” (10:49; manood mula sa time code na 0:12 hanggang 6:12)

  • Nilalamang ipapakita: Ang self-assessment tungkol sa sakramento

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard function para gumawa ng chart tungkol sa pagkakaroon ng mas makabuluhang karanasan sa sakramento. Ilista ang mga sagot ng mga estudyante sa bawat bahagi ng chart.

3 Nephi 18:15–39; 19:19–29

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na masunod ang mga turo at halimbawa ni Jesucristo na palaging manalangin at magkaroon ng mas makabuluhang mga panalangin.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin o pakinggan ang mensahe ni Pangulong M. Russell Ballard na “Subalit Maging Handa Kayo sa Bawat Panahon, na Nananalangin” (Liahona, Nob. 2020, 77–79), at alamin ang mga katotohanang makatutulong sa kanila sa kanilang mga personal na panalangin.

  • Nilalamang ipapakita Ang sumusunod na pangungusap na nakasulat sa pisara: Kung gusto kong matutuhan ang tungkol sa , tutularan ko ang halimbawa ni dahil .

  • Video:Naglingkod ang mga Disipulo at Nagdasal si Jesucristo para sa mga Tao” (7:30; manood mula sa time code na 3:05 hanggang 7:18)

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature para makumpleto ang mga pangungusap na “Masusunod ko ang mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin sa pamamagitan ng …” at “Matutularan ko ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagdarasal sa pamamagitan ng …”

3 Nephi 19

Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano matatanggap ang mga pagpapala ng Espiritu Santo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang “Disciples of Jesus Christ seek the gift of the Holy Ghost [Hinahangad ng mga disipulo ni Jesucristo ang kaloob na Espiritu Santo]” sa outline para sa ng 3 Nephi 17–19 sa Come, Follow Me—For Home and Church: Book of Mormon 2024 at pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan at nadama nila nang gawin nila ito.

  • Video:Having the Holy Ghost” (2:56)

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong atasan ang kalahati ng iyong klase na gawin ang aktibidad A at gawin ng natitirang kalahati ang aktibidad B. Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi ang natutuhan nila sa isang kaklase. Pagkatapos ng sapat na oras para mag-aral, ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room para maturuan nila ang isa’t isa. Kung maaari, pagpartnerin ang mga estudyanteng nag-aral ng magkaibang aktibidad.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong isaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng mga ito at isaulo rin maging ang buong mga passage.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang huling 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon at pumili ng isa (o ilang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan) na sa palagay nila ay makatutulong sa kanila kapag naisaulo nila ito. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga sitwasyon kung saan ang pagsasaulo ng passage na ito (o mga pariralang ito) ay maaaring makatulong sa kanila at bakit.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart ng mga doctrinal mastery reference mula sa Alma hanggang Moroni

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room para magsanay na magsaulo ng mga doctrinal mastery scripture. Ang isang paraan para makapagsanay sila ay ulitin ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan o ang buong passage sa pamamagitan ng pagpapalit-palit ng mga salita.