Seminary
3 Nephi 15–16: “Isang Kawan, at Isang Pastol”


“3 Nephi 15–16: ‘Isang Kawan, at Isang Pastol,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 15–16,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 15–16

“Isang Kawan, at Isang Pastol”

si Cristo na magiliw na kinakarga ang isang tupa

Habang nagtuturo si Jesucristo sa mga tao sa lupain ng Masagana, ipinakita Niya ang Kanyang pagmamahal sa bawat tao. Inanyayahan ang bawat isa na lumapit at maranasan ang Kanyang pagmamahal para sa kanilang sarili (tingnan sa 3 Nephi 11). Pagkatapos ay tinulungan Niya sila na maunawaan na nadarama rin Niya ang pagmamahal na ito para sa lahat ng anak ng Diyos. Nais Niyang mapabilang sa Kanyang mga tupa ang bawat tao sa lahat ng dako. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ka na madama ang hangarin ng Tagapagligtas na tipunin ka at ang lahat ng tao sa Kanya.

Pagkakaroon ng kapaligirang may pagtanggap at paggalang. Sikaping malaman ang tungkol sa background at mga sitwasyon ng bawat estudyante. Matutulungan mo ang mga estudyante na madama na kabilang sila sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na ibahagi ang kanilang natatanging pananaw at ipabatid sa kanila na pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila sasagutin ang tanong na ito: “Anong katibayan ang nakita mo na nais ng Tagapagligtas na tipunin ang lahat ng tao sa Kanya?”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga pangalan at titulo ni Cristo

Maaari kang maglagay ng larawan ni Jesucristo sa gitna ng pisara. Sabihin sa mga estudyante na magtulungan sa maliliit na grupo para malaman kung gaano karaming iba’t ibang pangalan at titulo Niya ang maaalala o mahahanap nila sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. Pagkatapos ay anyayahan ang bawat grupo na pumili ng isa sa Kanyang mga pangalan o titulo na gusto nilang ibahagi sa klase. Ang sumusunod ay ilang halimbawa mula sa Aklat ni Mormon.

Paalala: Kung makikinabang ang iyong mga estudyante sa mas aktibong paglahok, tingnan ang “Alternatibong simula sa lesson” sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

  • Ano ang isa sa mga paborito mong pangalan o titulo para sa Kanya? Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

Ang mga tupa ng Tagapagligtas

Sa 3 Nephi 15–16, patuloy na nagturo si Jesus sa mga tao malapit sa templo sa lupain ng Masagana. Matapos ipaliwanag na ang batas ni Moises ay natupad na sa Kanya, ibinahagi Niya ang isang titulo para sa Kanyang sarili na makatutulong sa atin na maunawaan ang ating kaugnayan sa Kanya.

Basahin ang 3 Nephi 15:17 at maaari mong markahan ang titulo na ibinigay ni Jesus para sa Kanyang sarili.

Maaari mong palitan ang larawan ni Jesucristo sa pisara ng isang larawan Niya bilang isang pastol, tulad ng nasa simula ng lesson na ito. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pagnilayan ang Kanyang tungkulin bilang ating Pastol gamit ang mga prompt na tulad ng mga nasa sumusunod na talata.

Madalas tayong ihambing sa mga tupa na madalas lumalayo kay Jesus at mawala at mahiwalay. Pag-isipan sandali kung ang analohiyang iyan ay angkop kung minsan sa iyong buhay. May mga pagkakataon ba na napalayo ka sa iyong Pastol na si Jesucristo, o may mga mahal ka ba sa buhay na napalayo?

  • Paano nakakaimpluwensya ang pag-unawa sa nadarama ni Jesus sa Kanyang mga nakalat na tupa sa pag-asa ng isang tao na makabalik sa Kanya?

“Iba pang tupa”

Maaari mong i-display ang sumusunod na larawan upang matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan ang isang “kawan.”

mga tupa sa kulungan ng kawan

Ang mga pastol sa panahon ng Tagapagligtas ay madalas gumawa ng mga nababakurang “kulungan,” tulad ng nasa larawang ito, upang mapanatiling ligtas ang kanlang mga tupa sa mga maninila at iba pang mga panganib. Ang Simbahan ng Tagapagligtas ay isang halimbawa ng isang kawan kung saan pinoprotektahan Niya tayo laban sa mga panganib sa mundo.

Maaari mong i-display ang sumusunod na dalawang scripture reference at ang mga tanong na kasunod ng bawat isa sa mga ito. Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante para basahin ang mga passage at talakayin ang mga kaugnay na tanong.

Juan 10:14–16 (binabanggit ni Jesus ang Kanyang “mga tupa” sa sinaunang Israel)

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng kilala ni Jesus ang Kanyang mga tupa at kilala Siya ng mga ito?

3 Nephi 15:13–17, 21 (binabanggit ni Jesus ang Kanyang “mga tupa” sa sinaunang Amerika)

Matapos talakayin ng mga estudyante ang nakaraang tanong, maaari mo silang pagpartner-partnerin para magsadula. Maaari nilang isipin kunwari na nagbibigay sila ng Aklat ni Mormon sa isang kaibigan na iba ang relihiyon na handang tanggapin ito kung maipapakita nila na binanggit sa Biblia ang mga tao sa Aklat ni Mormon. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang Juan 10:16 at 3 Nephi 15:21 para ipaliwanag na binanggit ni Jesus ang mga tao sa Aklat ni Mormon nang magturo Siya sa Kanyang mga disipulo sa Jerusalem. Pakinggan ang mga paliwanag ng mga estudyante, at tulungan sila kung kinakailangan.

Pagkatapos ay i-display ang sumusunod na reperensya at tanong para talakayin ng magkakapartner.

3 Nephi 16:1–3 (Kabilang sa “mga tupa” na ito ang “nawawalang lipi ni Israel” [3 Nephi 17:4].)

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng utos ng Ama sa Langit sa mga talatang ito tungkol sa Kanya?

Ang Mabuting Pastol

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga kabanatang ito ay nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na tipunin ang lahat sa kawan ng Tagapagligtas.

  • Sa anong mga panganib sa panahong ito tayo pinrotektahan ni Jesus mula sa Kanyang kawan?

Maaari mong isulat sa pisara ang ilan sa mga panganib na babanggitin ng mga estudyante.

Basahin ang 1 Nephi 22:25, 28 at 3 Nephi 16:11–13, at alamin ang mga paglalarawan sa gawain ng pagtitipon ng ating Pastol sa ating panahon.

  • Anong mga salita at parirala ang naglalarawan kung sino ang gustong tipunin ng ating Pastol? Ano ang kinakailangan sa atin para matanggap natin ang Kanyang magiliw na paanyaya?

Pagtitipon sa kawan ng Tagapagligtas

Habang pinag-aaralan mo ang bahaging ito, maaari mong isipin ang isang kaibigan na hindi pa natatamasa sa kasalukuyan ang buong pagpapalang ibinibigay ng Tagapagligtas sa mga taong nasa Kanyang kawan (ang Simbahan). Maaaring napalayo siya sa Kanyang Simbahan, o maaaring hindi pa siya nabibinyagan.

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage at ang pahayag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol. O maaari mong panoorin ang video na “Our Good Shepherd,” na mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 3:13 hanggang 4:44. Maghanap ng mga bagay na gusto mong malaman ng kaibigan mo tungkol sa ating Pastol.

15:21

Bilang Mabuting Pastol, ang tingin ni Jesucristo sa sakit ng Kanyang mga tupa ay isang kundisyong kailangang gamutin, pangalagaan, at kahabagan. Ang pastol na ito, na ating Mabuting Pastol, ay nagagalak na makitang gumagaling ang Kanyang mga tupang maysakit. …

Ang mortal na ministeryo ng Tagapagligtas ay talagang puno ng pagmamahal, habag, at pagdamay. Hindi Siya nainis na lumakad sa maalikabok na mga lansangan ng Galilea at Judea, ni napaurong nang makakita ng mga makasalanan. Hindi Niya sila iniwasan sa pagkasuklam. Hindi, kumain Siya na kasama nila. Tumulong Siya at nagbasbas, nagpasigla at nagpalakas, at pinalitan Niya ng pag-asa at galak ang takot at lungkot. Dahil isa Siyang tunay na pastol, hinahanap at natatagpuan Niya tayo upang alukin ng kapanatagan at pag-asa. (Dale G. Renlund, “Ang Ating Mabuting Pastol,” Liahona, Mayo 2017, 30)

  • Ano ang gusto mong malaman ng iyong kaibigan tungkol sa ating Pastol mula sa mga passage na ito at mula sa pahayag ni Elder Renlund? Bakit?

  • Ano ang ilang halimbawa kung paano tinitipon ng Tagapagligtas ang mga tao sa Kanya? (Maaaring kabilang dito ang isang taong personal mong kilala, mga tao mula sa mga banal na kasulatan, o maging ikaw mismo.)

Maaari mong tapusin ang klase sa pag-awit, pakikinig, o pagbabasa ng himnong “Nasa Puso ng Pastol” (Mga Himno, blg. 134). Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa kanila. Pagkatapos ay anyayahan silang ibahagi kung paano nila nalaman na nagtuturo ng katotohanan ang mga titik ng himno (batay sa nadama, nakita, o naranasan nila).

Magpatotoo tungkol sa hangarin ng Tagapagligtas na tipunin ang lahat ng tao sa Kanya.