Seminary
Doctrinal Mastery: 3 Nephi 12:48—“Maging Ganap na Katulad Ko, o ng Inyong Ama Na Nasa Langit ay Ganap”


“Doctrinal Mastery: 3 Nephi 12:48—‘Maging Ganap na Katulad Ko, o ng Inyong Ama Na Nasa Langit ay Ganap,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: 3 Nephi 12:48,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: 3 Nephi 12:48

“Maging Ganap na Katulad Ko, o ng Inyong Ama Na Nasa Langit ay Ganap”

dalagitang nagninilay

Sa iyong pag-aaral ng 3 Nephi 12, nalaman mo ang tungkol sa pagiging ganap na katulad ni Jesucristo at ng Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang reperensya at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 12:48, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Pagkakaroon ng aktibong pakikilahok sa pag-aaral at pagkatuto sa klase. Habang naghahanda ka ng mga lesson at nakikipag-ugnayan ka sa mga estudyante, maghanap ng mga paraan upang maanyayahan ang mga estudyante na aktibong makilahok. Kabilang sa mga halimbawa ang pag-anyaya sa mga estudyante na magsulat sa pisara, ilahad ang natutuhan nila sa klase, o pumili mula sa iba’t ibang opsiyon sa pag-aaral. Ang paggawa nito ay makatutulong sa mga estudyante na makibahagi sa pag-aaral at makatutulong sa kanila na mas mapalapit sa Tagapagligtas.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang 3 Nephi 12:48 bago pumasok sa klase. Maaari mo silang anyayahang magpraktis na bigkasin ang banal na kasulatan nang walang kopya sa kanilang kaklase bago ang klase, sa personal man o sa pamamagitan ng messaging, o sa ibang paraan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “3 Nephi 12:17–48,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 3 Nephi 12:48. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang sumusunod na katotohanan: Nais ni Jesucristo na maging ganap tayo na katulad Niya at ng ating Ama sa Langit.

Ipagpalagay na may kaibigan ka na naniniwalang walang inaasahan sa atin ang Diyos bukod sa pagiging mabait at magalang sa kapwa.

  • Paano mo ipaliliwanag ang 3 Nephi 12:48 sa paraang mas mapapalawak ang pag-unawa ng iyong kaibigan?

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa tanong. Kapag natapos na sila, anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi sa klase ang isinulat nila, isadula ang pag-uusap, o ibahagi ang kanilang sagot sa kapartner. Habang sumasagot ang mga estudyante, tiyakin na nauunawaan nila na inaasahan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na sisikapin nating maging katulad Nila, na ang pagiging ganap ay posible lamang sa tulong ng Tagapagligtas, at ginagawang posible ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang pagiging ganap sa hinaharap sa kabila ng ating mga kasalanan at pagkakamali.

Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 12:48 ay “Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.” Gamitin ang sumusunod na paraan, o iba pa na pipiliin mo, para matulungan kang isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Pumili ng anumang paraan para matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahalagang parirala at reperensya para sa passage na ito. Ang sumusunod na aktibidad ay isang halimbawa kung paano mo ito magagawa:

Para sa aktibidad, bigyan ang bawat estudyante ng kalahating papel at hikayatin silang isulat ang mga parirala sa iba’t ibang sulok ng kanilang papel. Kapag nakumpleto na nila ang aktibidad gamit ang sarili nilang papel, maaari silang makipagpalitan ng papel sa iba pang estudyante at ulitin ang aktibidad.

Isulat ang “3 Nephi 12:48” sa gitna ng isang papel. Sa isang sulok ng pahina, isulat ang mga salitang “Maging ganap.” Sa isa pang sulok, isulat ang “na katulad ko.” Sa isa pang sulok, isulat ang “o ng inyong Ama na nasa langit.” Sa huling sulok, isulat ang “ay ganap.” Sikaping isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagturo nito gamit ang iyong lapis o iyong daliri ayon sa pagkakasunud-sunod nito, simula sa scripture reference sa gitna. Makatutulong na sabihin nang malakas ang mga salita habang itinuturo mo ang mga ito. Matapos gawin ito nang ilang beses, subukang ulitin ang reperensya at ang buong parirala nang walang kopya.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Hatiin ang klase sa mga grupo na may tigtatatlong estudyante. Sabihin sa bawat estudyante na pumili ng isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman (tingnan sa Doctrinal Mastery Core Document [2023], “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” talata 5–12). Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin sandali ang alituntunin at pagkatapos ay ipaliwanag ito sa kanilang grupo.

Gamitin ang sumusunod na sitwasyon para matulungan kang maipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 12:48 at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Huwag mag-atubing palitan ang pangalan o baguhin ang sitwasyon para mas matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Si John ay isang binatilyo na naniniwala sa Diyos. Gayunpaman, may ilang aspeto ng ebanghelyo na ayaw niyang isipin. Isa sa mga iyon ang tagubilin ng Tagapagligtas na maging ganap. Sinubukan niyang magbago at maging higit na katulad ni Cristo ngunit lagi siyang nabibigo. Pakiramdam niya ay bigo na siya, kaya imposible ang pagiging ganap para sa kanya.

Para magkaroon ng pagkakaiba sa mga sumusunod na aktibidad sa pag-aaral, maaari ninyong pag-aralan ang bahaging “Kumilos nang may pananampalataya” ng lesson na ito bilang klase at ang iba pang bahagi sa maliliit na grupo o nang may kapartner. Pagkatapos ay maaaring sagutin ng mga estudyante ang huling tanong nang mag-isa.

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Itinuturo ng Doctrinal Mastery Core Document na kapag naharap tayo sa isang mahirap na isyu, maaari nating “[ibahin ang pananaw] sa tanong (unawain ang tanong sa ibang paraan) at tingnan ang mga ideya ayon sa pamantayan ng katotohanan ng Panginoon sa halip na tanggapin ang mga ideya o palagay ng mundo” (pahina 3). Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong sa prosesong ito.

  • Sa iyong palagay, paano naiiba ang pananaw ng Panginoon sa pagiging ganap sa pananaw ng marami sa mundo?

  • Paano nakatutulong sa atin ang ating kaalaman tungkol sa plano ng kaligtasan at Pagbabayad-sala ni Jesucristo para mas maunawaan natin ang itinuturo ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 12:48?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Paano mo magagamit ang natutuhan mo sa 3 Nephi 12:48 tungkol sa pagiging ganap para makatugon sa alalahanin ni John?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na makatutulong kay John na mas maunawaan ang turo ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 12:48. Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, maaari kang magmungkahi ng ilan sa mga banal na kasulatan sa ibaba.

May mga mensahe rin sa kumperensya sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” na maaaring makatulong.

  • Paano makatutulong sa alalahanin ni John ang mga nalaman mo?

Kumilos nang may pananampalataya

Basahin ang talata 5–7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document, at alamin ang magagawa ni John upang kumilos nang may pananampalataya.

  • Sa palagay mo, alin sa mga turong ito ang makatutulong kay John? Bakit?

  • Ano ang maaaring ipagdasal ni John na makatutulong sa kanyang sitwasyon?

  • Ano ang imumungkahi mong gawin ni John upang “[mabuhay] sa pamamagitan ng pananampalataya” hanggang sa matanggap niya ang karagdagang kaalaman tungkol sa kanyang potensyal na maging ganap?

    Anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang sumusunod na tanong nang mag-isa sa kanilang study journal.

  • Paano nakakaimpluwensya sa sarili mong damdamin at ginagawa ang natutuhan mo sa 3 Nephi 12:48 tungkol sa pagiging ganap?

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Magdrowing ng isang papel sa pisara at isulat ang scripture reference na 3 Nephi 12:48 sa gitna at ang mga parirala sa bawat sulok tulad ng aktibidad sa pagsasaulo sa lesson na ito sa ilalim ng heading na “Ipaliwanag at isaulo.” Ituro ang bawat isa sa mga parirala ayon sa pagkakasunud-sunod at ipaulit nang sabay-sabay sa mga estudyante ang mga parirala. Magbura ng isang parirala at ulitin ang aktibidad. Patuloy na magbura at umulit hanggang sa mabura ang lahat ng parirala at scripture reference.