“3 Nephi 12–16: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“3 Nephi 12–16,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
3 Nephi 12–16
Buod
Habang nagtuturo sa mga tao sa lupain ng Masagana, ipinahayag ni Jesus ang marami sa mga pagpapalang matatanggap natin at ang mga paraan na maaari tayong maging higit na katulad Niya sa isang sermon na katulad ng Kanyang Sermon sa Bundok. Pagkatapos ay tinulungan Niya ang mga tao na maunawaan ang Kanyang pagmamahal at hangaring tipunin ang lahat ng anak ng Diyos.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
3 Nephi 12:1–16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maghandang tanggapin ang mga pagpapalang binanggit ng Tagapagligtas habang nagsisikap silang sundin ang Kanyang payo.
-
Paghahanda ng estudyante: Upang matulungan ang mga estudyante na maihanda ang kanilang puso na pag-aralan ang sermon ng Tagapagligtas sa 3 Nephi, na katulad ng Kanyang Sermon sa Bundok, maaari mong anyayahan sila na pag-isipan ang pahayag na ito mula kay Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972). Sinabi niya na ang Sermon sa Bundok “ang pinakadakila[ng sermon] sa lahat ng naipangaral na, na alam natin” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Fielding Smith [2013], 267).
-
Nilalamang ipapakita: Isang simpleng drowing ng isang kunwa-kunwariang pabalat ng magasin na may pamagat na tulad ng Magasin ng Tagumpay sa Mundo; isang simpleng drowing ng pabalat ng magasing Liahona
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kung pag-aaralan ng mga estudyante ang mga mensahe sa kumperensya mula sa mga lider ng Simbahan, maaari mo silang tulutang i-share ang kanilang mga screen para mabigyang-diin ang mga partikular na bahagi ng mga mensaheng makabuluhan sa kanila.
3 Nephi 12:17–48
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kanilang potensyal na maging ganap o perpekto katulad ng ating Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang unang talata ng paksang “Ganap” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang nalaman nila na pinakamakabuluhan sa kanila tungkol sa kahulugang ito at bakit.
-
Mga larawan na ipapakita: Mga larawan ng binhi, tuta, at sanggol
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Maliliit na piraso ng papel na susulatan ng mga estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para masimulan ang lesson, bukod pa sa pagpapakita ng mga larawan ng binhi, tuta, at sanggol, maaari kang magpakita ng mga larawan ng malaking puno, asong malaki na, at ni Jesus o ng Ama sa Langit. Matapos ipakita ang unang tatlong larawan, maaari mong tulungan ang mga estudyante na ilarawan sa kanilang isipan ang kanilang potensyal sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga karagdagang larawan.
Doctrinal Mastery: 3 Nephi 12:48
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 12:48, maipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang 3 Nephi 12:48 bago pumasok sa klase. Maaari mo silang anyayahang magpraktis na bigkasin ang banal na kasulatan nang walang kopya sa kanilang kaklase bago magklase, sa personal man o sa pamamagitan ng messaging, o sa ibang paraan.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kalahating papel
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa bahaging “Ipaliwanag at isaulo” ng lesson, maaari kang maghanda ng isang dokumento na may nakasulat na mga parirala ng mga banal na kasulatan sa iba’t ibang sulok tulad ng inilarawan sa lesson. Pagkatapos ay maaari mong i-share ang iyong screen at sabihin sa mga estudyante na i-touch ang mga parirala ayon sa pagkakasunud-sunod. Magtanggal ng isang parirala nang paisa-isa, at sabihin sa mga estudyante na ulitin ang proseso ng pag-touch sa screen at sabihin ang mga salita hanggang sa maging blangko ang dokumento. Maaari ka ring maghanda ng ilang dokumento kung saan nakasulat ang mga parirala ng mga banal na kasulatan sa iba’t ibang sulok at ipakita ang mga dokumento nang magkakasunod, habang binibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga salita at ulitin ang mahalagang parirala.
3 Nephi 13–14
Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga alituntunin mula sa mga turo ng Tagapagligtas at makita ang kaugnayan nito sa kanilang buhay ngayon.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga pahayag na nagsasaad ng sanhi at epekto sa kanilang personal na pag-aaral ng banal sa kasulatan at pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga nahanap nila. Maaaring ipahayag ang mga ito gamit ang mga salitang kung at kung gayon, o maaaring simpleng ilarawan ng passage ang mga pinili at ang mga resulta nito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag nagamit na ng mga estudyante ang mga turo ng Tagapagligtas para makabuo ng mga pahayag na nagsasaad ng sanhi-at-epekto, sabihin sa kanila na i-post ang kanilang mga pahayag sa chat. Sa paggawa nito, makikita ng mga estudyante ang lahat ng pahayag habang tinatalakay nila kung paano pa rin nauugnay ang mga turo ng Tagapagligtas sa panahon ngayon.
3 Nephi 15–16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na madama ang hangarin ng Tagapagligtas na tipunin sila at ang lahat ng tao sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila sasagutin ang tanong na ito: “Anong katibayan ang nakita mo na nais ng Tagapagligtas na tipunin ang lahat ng tao sa Kanya?”
-
Mga larawan: Dalawang larawan ni Cristo (isang larawan Niya bilang isang pastol); isang larawan ng kulungan ng mga tupa
-
Nilalamang ipapakita: Mga passage sa Juan 10 at 3 Nephi 15, 16 kasama ng mga kaugnay na tanong
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa simula ng lesson, maaari mong bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para hanapin ang paborito nilang larawan ng Tagapagligtas bilang isang pastol. Hayaang i-share ng mga estudyante ang kanilang screen habang ipinapaliwanag nila kung ano ang nagustuhan nila sa larawang pinili nila at kung ano ang itinuturo nito sa kanila tungkol kay Cristo.