Seminary
3 Nephi 25: Gawain sa Templo at Family History


“3 Nephi 25: Gawain sa Templo at Family History,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 25,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 25

Gawain sa Templo at Family History

masayang pamilya na gumagawa ng family history

Naipaliwanag mo na ba sa isang tao kung bakit mayroon tayong mga templo o kung bakit ginagawa natin ang family history? Gaano kahalaga sa iyo ang gawain sa family history at templo? Habang nagtuturo sa mga Nephita, binanggit ni Jesus ang isang mensahe na orihinal Niyang ibinahagi kay Malakias na kinabibilangan ng pagbabalik ni Elijah at ng kanyang mahalagang tungkulin sa gawain sa templo at family history. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang makibahagi sa gawain sa family history at sa templo.

Pagtulong sa mga estudyante na gumawa nang mahusay at mabuti. Ang pagpapalakas ng pananampalataya at pagiging higit na katulad ni Cristo ay hindi nangyayari sa isang maikling klase. Kapag inanyayahan mo ang mga tinuturuan mo na kumilos ayon sa tunay na doktrina, tinutulungan mo sila na magamit ang kanilang natutuhan sa kanilang tahanan at pang-araw-araw na buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:8–10).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng tungkol sa isang buhay o yumaong indibiduwal na nalaman nila sa kanilang family history. Maaaring makatulong sa mga estudyante na kausapin ang isang magulang o lolo’t lola o gamitin ang FamilySearch app.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang iyong mga ninuno

Maaari mong ipamahagi ang mga kopya ng sumusunod na chart sa bawat estudyante at anyayahan sila na punan ito ng maraming impormasyon hangga’t kaya nila.

four-generation pedigree chart

Pag-isipan ang nalalaman at nadarama mo tungkol sa buhay ng iyong mga mahal sa buhay, kung ano ang gusto mong malaman, at kung paano nakaimpluwensya ang mga ito sa iyong buhay.

  • Bakit mahalagang hangarin nating malaman pa ang tungkol sa ating mga ninuno?

    Alamin kung pinakamainam para sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa sumusunod, gumawa ng anonymous poll, o tahimik na suriin ang sarili.

  • Sa scale na 1–10 (1 = hindi interesado, 10 = talagang interesado), gaano ka kainteresadong makilala ang iyong mga ninuno? Sa pakikibahagi sa gawain sa templo at family history? Bakit?

Sa iyong pag-aaral, maghanap ng mga ideya na maaaring makatulong para mahikayat ka na mas makibahagi sa gawaing ito.

“Bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon”

Gamit ang matalinghagang paglalarawan at simbolikong mga salita na itinala ng propetang si Malakias sa Lumang Tipan, itinuro ni Jesus sa mga tao ng lupain ng Amerika ang tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito sa lupa at ipinropesiya Niya ang tungkol sa gawain sa templo at family history.

Basahin ang 3 Nephi 25:1–2, at alamin ang itinuro ng Tagapagligtas na mangyayari kapag bumalik Siya sa lupa. Ang sumusunod na mga kahulugan at interpretasyon ng mga simbolo ay maaaring maging kapaki-pakinabang.

Maaari mong i-display ang mga sumusunod:

  • Pinaggapasan: Mga naputol na halamang natira sa bukid pagkatapos ng pag-ani na susunugin ng isang magsasaka

  • Mga ugat: Mga ninuno

  • Mga sanga: Inapo

  • Pagpapagaling sa Kanyang mga bagwis: Nagpapagaling at nagpoprotektang kapangyarihan ng Panginoon at ng Kanyang Pagbabayad-sala

  • Mga guya sa kuwadra: Ang Israel ay tatratuhin nang mabuti at pangangalagaan tulad ng mga hayop sa kuwadra

  • Paano mo ipaliliwanag kung ano ang mangyayari sa Kanyang Ikalawang Pagparito ayon sa mga talatang ito? Ano ang mangyayari sa masasama?

    Kung kinakailangan, ipaliwanag na sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, ang masasama ay daranas ng pagkalipol at ihihiwalay mula sa mga ninuno at inapo (tingnan sa 3 Nephi 25:1).

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga simbolong ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga pagpapala sa mga sumusunod sa Kanya?

Basahin ang 3 Nephi 25:5–6 at maaari mong markahan ang gagawin ng Tagapagligtas para matulungan ang mga pamilya sa mundo bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Isa sa mga kahulugan ng salitang “papagbabaliking-loob” ay pagbibigkisin, o pagbubuklurin (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 554). Ang mga footnote sa iyong mga banal na kasulatan ay makatutulong din sa iyo na mas maunawaan ang mga talatang ito.

Maaari mong ipaliwanag na ang propesiyang ito ay inulit sa bawat isa sa mga aklat ng mga banal na kasulatan. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tingnan kung mahahanap nila ang bawat isa sa apat na pagkakataong ito o ibahagi sa kanila ang mga sumusunod na talata: Malakias 4:5–6; Lucas 1:17; Doktrina at mga Tipan 110:15–16; Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39.

Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang nalalaman nila tungkol kay Elijah at sa mga susing hawak niya. Batay sa mga sagot ng mga estudyante, ibahagi ang mga sumusunod na talata (o ang mga bahaging kailangan).

Si Elijah, isang sinaunang propeta, ay may hawak ng mga susi ng kapangyarihang magbuklod. [Tinatanggap] sa langit ang mga ordenansang isinagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkasaserdote na nasa lupa (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buklod, Pagbubuklod,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

nagpakita si Elijah sa Kirtland Temple

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 110:13–16 para malaman kung ano ang nangyari sa Kirtland Temple noong 1836 kung saan naroon sina Elijah, Joseph Smith, at Oliver Cowdery.

Dahil sa ipinanumbalik na kapangyarihang magbuklod, magagawa natin ang gawain sa templo para sa ating sarili at sa ating mga yumaong ninuno.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa 3 Nephi 25 at Doktrina at mga Tipan 110?

    Kabilang sa ilang katotohanan na maaaring matukoy ng mga estudyante ang sumusunod: Sa pamamagitan ng propetang si Elijah, ipinanumbalik ni Jesucristo ang mga susi ng pagbubuklod para sa gawain sa templo at family history. Kapag nakikibahagi tayo sa gawain sa templo at family history, inihahanda natin ang ating sarili at ating pamilya para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

  • Ano ang ilang partikular na paraan na makakabahagi ang mga kabataan sa gawain sa templo at family history?

  • Paano makatutulong ang pakikibahagi sa gawain sa templo at family history para makapaghanda ang isang tao sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Mahalagang maunawaan na hindi lamang ipinanumbalik ng Tagapagligtas ang mga susi ng pagbubuklod, kundi sa pamamagitan lamang ng Kanyang Pagbabayad-sala, tayo at ang ating mga pamilya ay matutubos, mapadadalisay, at tatanggap ng mga walang-hanggang ordenansa at pagpapala kabilang na ang ordenansa ng pagbubuklod.

Pag-isipan kung bakit mahalaga ang gawain sa templo at family history sa iyong buhay. Habang nag-iisip ka, maaari mong panoorin ang video na “The Promised Blessings of Family History 2” (4:04), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

4:14

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang sumusunod nang may kapartner o sa maliliit na grupo bago magbahagi ng mga sagot bilang klase.

  • Ano ang mga naging karanasan mo sa mga templo at family history?

  • Anong mga pagpapala ang napansin mo sa iyong buhay dahil dito?

Pakikibahagi sa gawain sa templo at family history

Para matulungan kang makibahagi sa gawain sa templo at family history, gawin ang isa o dalawa sa mga sumusunod. Maaari ka ring gumawa ng iba pang bagay na may kaugnayan sa gawain sa templo at family history na sa pakiramdam mo ay ginagabayan kang gawin sa pamamagitan ng Espiritu.

Ang sumusunod ay naglalayong mabigyan ng pagkakataon na makibahagi ang mga estudyante sa gawain sa templo at family history sa klase. Maaari ninyong pagtuunan ang isang aktibidad bilang isang klase o maaari mong hayaang pumili ang mga estudyante ng isang aktibidad at gumawa nang mag-isa. Kung kapaki-pakinabang, at sa pahintulot ng iyong priesthood leader, maaari mong anyayahan ang family history consultant ng iyong ward o stake sa iyong klase para tumulong.

  • Gamit ang iyong ChurchofJesusChrist.org account, mag-log in sa FamilySearch.org. Tumuklas ng resources para malaman ang tungkol sa isa sa iyong mga ninuno. Maaari kang magsimula sa “Paano mo gustong magsimula?

  • Mag-text, tumawag, o magtakda ng oras para kausapin ang mga magulang, lolo’t lola, o iba pang mga kamag-anak upang malaman pa ang tungkol sa kanilang buhay, kasaysayan, o pagbabalik-loob sa ebanghelyo. Maaari mong isulat ang matututuhan mo.

  • Makibahagi sa indexing. Para sa tulong para maunawaan kung ano ito at kung paano magsimula, maaari mo munang panoorin ang video na “FamilySearch Indexing—How it Works” (1:48), na matatagpuan sa FamilySearch.org.

    1:48
  • Hanapin ang mga pangalan ng mga yumaong ninuno na kailangang magawan ng ordenansa sa templo sa FamilySearch app o FamilySearch.org. Maaari kang magsimula sa “Paano mo gustong magsimula?

Matapos magkaroon ang mga estudyante ng ilang karanasan sa klase sa gawain sa templo at family history, maaari mo silang anyayahang ibahagi ang kanilang mga karanasan. Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa iyo na tapusin ang lesson.

  • Ano ang isang bagay na sa palagay mo ay nais ng Panginoon na gawin mo upang patuloy kang makibahagi sa gawain sa templo at family history? Ano ang kaibhang gagawin nito sa iyong buhay?

Kapag nagsisikap kang patuloy na makibahagi sa gawain sa family history at sa templo, tandaan ang pahayag na ito ni Pangulong Russell M. Nelson:

Sa bawat oras na gumawa kayo ng kahit ano na tutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—na makalapit sa paggawa ng mga tipan sa Diyos at tanggapin ang kanilang mahalagang ordenansa ng pagbibinyag sa templo, tumutulong kayo na tipunin ang Israel. (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], ChurchofJesusChrist.org)

Magpatotoo o anyayahan ang mga estudyante na magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng gawain sa templo at family history.