Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21: Unawain at Ipaliwanag


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21: Unawain at Ipaliwanag,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 21

Unawain at Ipaliwanag

binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang maunawaan ang mga katotohanan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas at maipaliwanag ang mga ito gamit ang sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan mula sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Aklat ni Mormon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng listahan ng ginagawa nila upang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan sa kanilang pag-aaral.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Pag-unawa sa mga banal na kasulatan

Bilang alternatibo sa aktibidad sa ibaba, maaari mong tukuyin ang mga aspeto kung saan lubos na nakauunawa ang iyong mga estudyante o ang mga talentong taglay nila. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung ano ang ginawa nila para mas mapahusay ang mga kakayahang iyon. Magtanong kung ano pa ang gagawin nila para patuloy na humusay sa mga aspetong iyon.

Tingnan ang mga sumusunod na larawan:

larawan ng batang manlalaro ng soccer sa tabi ng larawan ng bihasang manlalaro ng soccer
  • Ano ang kailangan para maging propesyonal ang isang batang manlalaro ng soccer?

  • Paano nauugnay ang prosesong ito sa kakayahan nating maunawaan ang mga banal na kasulatan?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Para masulat sa inyong puso ang ebanghelyo, dapat ninyong malaman kung ano ito at lubos itong unawain. Ibig sabihin, pag-aralan ninyo ito. Kapag sinabi kong “pag-aralan,” higit pa ito sa pagbabasa. (D. Todd Christofferson, “Kapag Ikaw ay Nagbalik-loob,” Liahona, Mayo 2004, 11)

  • Paano nadagdagan ang iyong pag-unawa sa ebanghelyo sa buong buhay mo? Paano nakatulong ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

    Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na normal lang na hindi maunawaan sa simula ang lahat ng bagay sa mga banal na kasulatan. Maaari mong patingnan sa kanila ang doctrinal mastery passage na 2 Nephi 28:30 bilang bahagi ng talakayang ito. Maaaring magandang pagkakataon ito para mag-follow-up sa aktibidad sa paghahanda.

  • Ano ang ilang pamamaraan sa pag-aaral na ginamit mo para mapalalim ang iyong pag-unawa sa isang scripture passage o paksa ng ebanghelyo?

Para makakita ng mga halimbawa ng mga pamamaraan sa pag-aaral, maaari mong panoorin ang “Advice for Studying the Scriptures” (2:06) mula kay Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol.

2:3

Bagama’t maaaring pamilyar ka sa ilan sa mga doctrinal mastery passage at sa doktrinang itinuturo ng mga ito, nais ng Tagapagligtas na patuloy na madagdagan ang iyong pag-unawa. Kailangan mong pagsikapan ito. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong magamit ang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga doctrinal mastery passage.

Mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Rebyuhin sandali ang bawat isa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Maaaring ilang passage lang ang ilagay mo sa sumusunod na chart na sa palagay mo ay pinakakinakailangang pag-aralan ng mga estudyante. Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang mga passage na ito nang mag-isa, nang magkakapartner, o bilang isang klase.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

Maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo upang gawin ang sumusunod na aktibidad. Kung makikinabang ang mga estudyante sa isang halimbawa, maaari mong gawin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral gamit ang isang doctrinal mastery passage. Maaari mo ring palitan ang isa sa mga kasanayang nakalista sa ibaba ng isa pang kasanayang pipiliin mo.

Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery scripture passage sa chart na ito na gusto mong mas maunawaan pa. Pagkatapos ay gamitin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mas maunawaan ang passage na iyon. Maghandang ipaliwanag sa iba ang pinili mong banal na kasulatan.

Aktibidad A: Mag-cross reference

Gamitin ang mga footnote sa banal na kasulatan, ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o iba pang resources para maghanap ng mga karagdagang banal na kasulatan na makadaragdag sa iyong pag-unawa sa isang passage. Maaari mong isulat ang cross-reference sa iyong mga banal na kasulatan malapit sa doctrinal mastery passage o i-link ito sa iyong Gospel Library app. Isulat sa iyong study journal o sa Gospel Library app ang mga cross-reference na pinili mo at ang isang natutuhan mo tungkol sa doctrinal mastery passage mula sa pag-aaral sa ganitong paraan.

Aktibidad B: Bigyang-kahulugan ang mga salita at mga parirala

Maghanap ng mga salita sa doctrinal mastery passage na gusto mong maunawaan pa. Hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang iyon sa makukuhang resources, tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, , o karaniwang diksyunaryo. Isulat sa iyong study journal, sa mga margin ng banal na kasulatan, o sa Gospel Library app ang mga kahulugang natuklasan mo, pati na ang anumang bagong natutuhan mo tungkol sa doctrinal mastery passage.

Aktibidad C: Pag-unawa sa konteksto at nilalaman

Para maunawaan ang konteksto at nilalaman ng isang scripture passage, maaari mong basahin ang heading ng kabanata at mga kaugnay na talata ng passage na pinag-aaralan mo. Hangaring maunawaan kung sino ang nagsasalita at bakit. Maghanap ng mga clue para maunawaan ang sitwasyon o konteksto sa mga talata at ang pangunahing mensahe na sinisikap iparating ng may-akda. Isulat kung ano ang mas nauunawaan mo tungkol sa passage dahil sa pagninilay mo.

Kung may oras pa, subukang gumamit ng ibang kasanayan sa isa sa iba pang mga passage.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag sa mga estudyante sa ibang grupo ang kanilang kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan at kung ano ang mas nauunawaan nila tungkol sa kanilang doctrinal mastery passage dahil dito. Maaari mong sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag sa buong klase ang kanilang passage.

Ipaalala sa mga estudyante na tutulungan sila ng Panginoon na maunawaan ang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Maaari kang magpatotoo tungkol sa kahalagahan ng paghingi ng tulong sa Panginoon habang nag-aaral sila.