Seminary
3 Nephi 27–4 Nephi 1: Buod


“3 Nephi 27–4 Nephi 1: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“3 Nephi 27–4 Nephi 1,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

3 Nephi 274 Nephi 1

Buod

Itinuro ni Jesucristo sa Kanyang mga Nephitang disipulo na ang Kanyang Simbahan ay dapat tawagin alinsunod sa Kanyang pangalan at itayo sa Kanyang ebanghelyo. Ipinaliwanag Niya ang mahahalagang pagpapala na makakamtan ng mga taong sumusunod sa Kanyang ebanghelyo, kabilang na ang pagpapabanal sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Tatlo sa mga disipulong Nephita ang nagnais na manatili sa mundo at magdala ng mga kaluluwa kay Jesucristo hanggang sa Kanyang Ikalawang Pagparito, at ang hangaring ito ay ipinagkaloob. Ang mga tao ay lubos na naantig ng ministeryo ng Tagapagligtas sa kanila, at namuhay sila sa kabutihan sa loob ng halos 200 taon.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

3 Nephi 27, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung ano ang ebanghelyo ng Tagapagligtas at ang kahalagahan ng pangalan ng Simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang 3 Nephi 27:1–10 at tuklasin ang itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Nephitang disipulo tungkol sa Kanyang Simbahan.

  • Video:Ang Tamang Pangalan ng Simbahan” (15:43; panoorin mula sa time code na 3:26 hanggang 4:45)

  • Larawan: Isang linedrawing ng simbahan

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Sa pagtatapos ng lesson, aanyayahan ang mga estudyante na magdrowing ng isang larawan ng simbahan at ilista ang mga katotohanan tungkol sa ebanghelyo ng Tagapagligtas sa ilalim nito. Maaari mong i-display ang simbahan sa iyong screen at gamitin ang annotate feature para maidagdag ng mga estudyante ang alam nila tungkol dito.

3 Nephi 27, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matanggap ang nagpapabanal na kapangyarihan ng Tagapagligtas habang nagsisikap silang ipamuhay ang Kanyang ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa iba kung paano sila natulungan ng Espiritu Santo na mapabanal, o maging higit na katulad ng Tagapagligtas.

  • Video:Alalahanin Kung Kanino Tayo Nagtitiwala” (10:25; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 2:09)

  • Nilalamang ipapakita: Mga paraan na maipamumuhay ng mga estudyante ang mga katotohanang napag-aralan nila (nakalista sa katapusan ng lesson)

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature para sagutin ang tanong na “Ano ang ilang paraan na maaanyayahan natin ang patuloy na patnubay ng Espiritu Santo upang regular tayong mapagpala ng Kanyang nagpapabanal na impluwensya?” Makatutulong ito sa iyo na mabilis na makagawa ng listahan ng mga ideya na makatutulong sa mga estudyante.

Doctrinal Mastery: 3 Nephi 27:20

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 27:20, maipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na simulang isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala para sa 3 Nephi 27:20: “Lumapit sa akin at magpabinyag …, upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong i-display ang Doctrinal Mastery app upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala.

3 Nephi 28

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangarin na madala ang iba kay Jesucristo.

4 Nephi

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng higit na pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo upang sila ay mas malalim na magbalik-loob sa Kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang kahulugan ng salitang pagbabalik-loob sa makukuhang resources ng Simbahan. Bilang alternatibo, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na itanong sa isang taong kilala nila kung ano ang ibig sabihin sa kanila ng pagbabalik-loob kay Cristo.

  • Video:Ang Pinakamahalagang Pag-aari” (12:44; panoorin mula sa time code na 7:02 hanggang 8:19)

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Kung pipiliin mong ipabasa ang 4 Nephi 1:2–18 sa buong klase, maaari mong i-set ang iyong screen sa gallery view para makita mo ang buong klase. Matapos basahin ng isang estudyante ang isang talata, sabihin sa kanya na tumuro sa isang partikular na direksyon. Pagkatapos ay sabihin sa estudyanteng itinuro sa direksyong iyon sa iyong screen na basahin ang susunod na talata. Ang mga estudyanteng hindi kumportableng magbasa ay dapat pahintulutang tumanggi.