“Doctrinal Mastery: 3 Nephi 27:20—‘Lumapit sa Akin at Magpabinyag … , Upang Kayo ay Pabanalin sa pamamagitan ng Pagtanggap sa Espiritu Santo,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: 3 Nephi 27:20,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: 3 Nephi 27:20
“Lumapit sa Akin at Magpabinyag … , Upang Kayo ay Pabanalin sa pamamagitan ng Pagtanggap sa Espiritu Santo.”
Sa iyong pag-aaral ng 3 Nephi 27, nalaman mo ang tungkol sa pagpapabanal na mararanasan mo mula sa Espiritu Santo habang ipinamumuhay mo ang ebanghelyo ng Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang scripture reference at mahalagang parirala para sa 3 Nephi 27:20, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ipaliwanag at isaulo
Mula sa iyong pag-aaral ng 3 Nephi 27:20, natutuhan mo ang sumusunod na katotohanan: Kung tayo ay magsisisi, lalapit kay Jesucristo, at magpapabinyag, mapapabanal tayo sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo at tatayo tayo nang walang bahid-dungis sa harapan ng Tagapagligtas sa huling araw.
Ipagpalagay na nagkaroon ka ng pagkakataong ituro ang katotohanang ito sa isang maliit na bata.
-
Paano mo ipaliliwanag ang katotohanang ito sa isang maliit na bata sa paraang mauunawaan niya?
Isaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 27:20: “Lumapit sa akin at magpabinyag … , upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”
Hatiin ang scripture reference at mahalagang parirala sa mga sumusunod na segment. Bigkasin nang ilang beses ang bawat segment. Pagkatapos ay pagsama-samahin ang mga segment at bigkasin ang buong reperensya at mahalagang parirala.
-
Lumapit sa akin
-
at magpabinyag
-
upang kayo ay pabanalin
-
sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Para matulungan kang magrebyu, ilista sa loob ng 30 segundo ang lahat ng maaalala mo tungkol sa isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pagkatapos ay gawin din ito sa dalawa pang alituntunin. Kung kailangan mo ng tulong para maalala ang mga alituntunin, maaari mong tingnan ang talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Ikaw at ang kaibigan mong si Meagan ay nag-uusap tungkol sa ebanghelyo habang pauwi kayo mula sa paaralan. Itinanong ni Meagan, “Kinakabahan ka bang makita muli ang Diyos? Sinisikap kong mamuhay nang tama at magsisi kapag nagkakamali ako, ngunit natatakot akong isipin na tatayo tayo sa harapan ng Diyos para hatulan.”
Suriin ang mga Konsepto at Tanong nang may Walang-hanggang Pananaw
-
Ano ang maaaring ilang maling palagay ni Meagan tungkol sa Ama sa Langit o sa Kanyang plano?
-
Ano ang ilang katotohanan na gusto mong maunawaan ni Meagan tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano?
Hangaring Mas Makaunawa sa pamamagitan ng Sources na Ibinigay ng Diyos
-
Ano ang ilang turo sa 3 Nephi 27:20 na maaaring makatulong sa sitwasyong ito?
-
Ano ang ilan pang mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong?
Kumilos nang may Pananampalataya
-
Anong mga hakbang ang maaaring gawin ni Meagan na makatutulong sa kanya na mas mapanatag sa kanyang alalahanin? Sa iyong palagay, bakit makatutulong ang mga gawaing ito?