“Mayo 28. Ano ang Magagawa Ko Ngayon upang Makapaghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023 (2022)
“Mayo 28. Ano ang Magagawa Ko Ngayon upang Makapaghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023
Mayo 28
Ano ang Magagawa Ko Ngayon upang Makapaghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?
Sama-samang Magpayuhan at Magsanggunian
Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto
Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, SimbahanniJesucristo.org). Magplano ng mga paraan para magawa ang ayon sa tinalakay ninyo.
-
Pagsasabuhay ng ebanghelyo. Ano ang tinalakay natin noong nakaraan, at anong mga paanyaya o assignment ang ginawa natin? Ano ang nagawa natin ayon sa mga paanyaya o assignment na iyon?
-
Pangangalaga sa mga nangangailangan. Ano ang maaari nating gawin at sabihin para matulungan ang mga taong tila nakadarama na sila ay nag-iisa o malayo sa Ama sa Langit?
-
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Ano ang ilang paraan na maipadarama natin sa iba ang pagmamahal ni Jesucristo?
-
Pagbubuklod ng mga pamilya [para] sa kawalang-hanggan. Anong mga ideya ang maibabahagi natin sa isa’t isa na makatutulong para mapatatag ang ating mga pamilya?
Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:
-
Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.
Ituro ang Doktrina
Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili
Ano ang nadarama ng mga kabataang tinuturuan mo tungkol sa pamumuhay sa mga huling araw bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo? Totoo na ang mga ito ay mga panahon ng kapighatian, na kakikitaan ng paghihirap, kasamaan, at pagkawasak. Ngunit nang ilarawan ng Tagapagligtas ang ating panahon sa Kanyang mga disipulo sa nalalapit na pagwawakas ng Kanyang mortal na buhay, binigyan Niya tayo ng pag-asa. Bagama’t ipinagpauna ang parating na kadiliman, ipinangako Niya na ang Kanyang liwanag ay “[babalot] sa buong mundo” sa Kanyang pagbabalik (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:22–26; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 45:34–38).
Paano mo matutulungan ang mga kabataan na mas maunawaan ang mga pagpapala at oportunidad na mamuhay sa mga huling araw? Ano ang magagawa mo para mahikayat sila na ihanda ang kanilang sarili at ang daigdig para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Bukod pa sa pag-aaral ng mga scripture passage sa linggong ito, maaari mong rebyuhin ang ilang resources na nakalista sa “Ikalawang Pagparito ni Jesucristo” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (SimbahanniJesucristo.org).
Magkakasamang Matuto
Upang matulungan ang mga kabataan na marebyu ang nabasa nila sa mga banal na kasulatan sa linggong ito, maaari mong isulat sa pisara ang mga heading na ito: Malungkot na mga Propesiya at Maringal na Pahayag (tingnan sa Russell M. Nelson, “Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya,” Liahona, Nob. 2020, 73–76). Pagkatapos ay maaaring rebyuhin ng bawat tao ang Joseph Smith—Mateo 1:22–37 at ilista ang “malungkot” at “maringal” na mga bagay na mangyayari bago bumalik ang Tagapagligtas. Bakit mahalaga na alam natin ang mga kaganapang ito? Upang matulungan ang mga kabataan na malaman pa kung paano maghanda para sa pagdating ng Tagapagligtas, isaalang-alang ang mga sumusunod na aktibidad o ang isa sa sarili mong mga aktibidad.
-
Ang mga banal na kasulatan sa “Suportang Resources” ay makatutulong sa mga kabataan na maunawaan kung paano inihahanda ng Ama sa Langit ang daan para sa Ikalawang Pagparito ng Kanyang Anak. Maaari mong isulat sa pisara ang mga kaganapang inilarawan sa mga banal na kasulatan at ipabasa sa bawat tao ang isa sa mga scripture passage. Maaaring itugma ng bawat tao ang kanyang scripture passage sa isang kaganapan na nakasulat sa pisara at talakayin ang scripture passage sa klase. Ano ang ipinahihiwatig ng mga kaganapang ito tungkol sa ating responsibilidad sa paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Ano ang nahihikayat tayong gawin bilang isang klase o korum?
-
Ipinayo ni Pangulong Russell M. Nelson: “Paano natin haharapin ang malungkot na mga propesiya at ang maringal na pahayag tungkol sa ating panahon? Sinabi ng Panginoon ang paraan sa simple, ngunit [nakamamangha at] nakakapanatag na mga salitang ito: ‘Kung kayo ay handa kayo ay hindi matatakot’ [Doktrina at mga Tipan 38:30]” (“Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya,” 74). Upang matulungan ang mga kabataan na maging mas handa sa pagbabalik ng Tagapagligtas, maaari mong ipabasa sa bawat isa sa kanila ang isa sa tatlong alituntunin ng paghahanda na ibinahagi ni Pangulong Nelson sa kanyang mensahe. Sabihin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila. Ano ang nahihikayat tayong gawin para masunod ang payo ni Pangulong Nelson?
-
Sa simula ng kanyang mensahe na pinamagatang “Paghahanda para sa Pagbabalik ng Panginoon,” inilarawan ni Elder D. Todd Christofferson kung ano ang mangyayari sa mundo pagkatapos ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo (Liahona, Mayo 2019, 81–84). Sabihin sa mga kabataan na rebyuhin ang kanyang paglalarawan at ikumpara ito sa kalagayan ng mundo ngayon. Maaari nilang talakayin kung ano ang magagawa natin ngayon para maging handang mamuhay sa uri ng mundo na inilarawan ni Elder Christofferson. (Ang apat na talata ng kanyang mensahe simula sa “Ang una, at napakahalaga para sa pagbabalik ng Panginoon” ay maaaring makatulong.) Paano tayo tinutulungan ng Simbahan ng Tagapagligtas na maghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito? Itinala ni Elder Christofferson ang tatlong paraan kung saan ang Simbahan ay “katangi-tanging binigyang-kapangyarihan at inatasan na gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon.” Maaaring tukuyin at talakayin ng mga miyembro ng klase ang mga bagay na ito.
Kumilos nang May Pananampalataya
Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala ang gagawin nila ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano titibay ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag ginawa nila ang mga impresyong natanggap nila.
Suportang Resources
-
Doktrina at mga Tipan 65:1–2 (Pagpapanumbalik ng ebanghelyo)
-
Doktrina at mga Tipan 20:8–12 (Paglabas ng Aklat ni Mormon)
-
Malakias 4:5–6; Doktrina at mga Tipan 110:13–16 (Pagpapanumbalik ng mga susi ng priesthood)
-
3 Nephi 21:1, 8 (Pagtitipon ng Israel)
-
Joseph Smith—Mateo 1:28–30 (Digmaan, kaguluhan, at kasamaan)
-
Joseph Smith—Mateo 1:31 (Ipangangaral ang Ebanghelyo sa buong daigdig)
-
Gary E. Stevenson, “Isang Matibay na Pundasyon Laban sa Panahong Darating,” Liahona, Mayo 2020, 48–52