Bagong Tipan 2023
Hulyo 23. Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Disipulo ni Jesucristo? Mga Gawa 10–15


“Hulyo 23. Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Disipulo ni Jesucristo? Mga Gawa 10–15,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023 (2022)

“Hulyo 23. Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Disipulo ni Jesucristo?,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023

Larawan
si Jesus at mga tagasunod

Jesus and His Disciples [Si Jesus at ang Kanyang mga Disipulo], © Balage Balogh/Art Resource, NY

Hulyo 23

Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Disipulo ni Jesucristo?

Mga Gawa 10–15

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan at magsanggunian

Sama-samang Magpayuhan at Magsanggunian

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, SimbahanniJesucristo.org). Magplano ng mga paraan para magawa ang ayon sa tinalakay ninyo.

  • Pagsasabuhay ng ebanghelyo. Paano natin nakita ang kamay o kapangyarihan ng Panginoon sa ating buhay?

  • Pangangalaga sa mga nangangailangan. Paano natin masusuportahan ang isa’t isa sa mga bagay na pinagdaraanan natin?

  • Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Paano natin mas magagamit ang teknolohiya bilang kasangkapan sa pagbabahagi ng ebanghelyo?

  • Pagbubuklod ng mga pamilya [para] sa kawalang-hanggan. Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit kay Cristo?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Nakatala sa Kabanata 11 ng mga Gawa na sa kauna-unahang pagkakataon “ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano” (talata 26). Isang sagradong pribilehiyo at responsibilidad na makilala bilang isa sa mga disipulo ni Cristo at matawag sa Kanyang pangalan. Tulad ng sinabi ni Pangulong M. Russell Ballard: “Nadarama ba natin kung gaano tayo pinagpala na taglayin ang pangalan ng Pinakamamahal at Bugtong na Anak ng Diyos? Nauunawaan ba natin kung gaano kahalaga ito? Ang pangalan ng Tagapagligtas ang tanging pangalan sa silong ng langit na makapagliligtas sa tao” (“Ang Kahalagahan ng Pangalan,” Liahona, Nob. 2011, 79).

Ano ang ibig sabihin sa iyo ng pagiging Kristiyano—isang disipulo ni Jesucristo? Ano ang ibig sabihin nito sa mga miyembro ng iyong klase o korum? Paano nakaiimpluwensya sa iyo ang pagtataglay ng Kanyang pangalan sa iyong sarili? Maaari mo ring isipin ang mga pagkakataon na nabigyang-inspirasyon ka ng halimbawa ng isang taong kumikilos bilang isang tunay na disipulo ni Cristo.

Habang naghahanda kang magturo, bukod pa sa pagbabasa ng Mga Gawa 10–15, maaari mong basahin ang isa o mahigit pa sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya na matatagpuan sa “Suportang Resources.”

Magkakasamang Matuto

Para matulungan ang mga miyembro ng iyong klase o korum na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng maging disipulo ni Jesucristo, maaari mong sabihin sa kanila na tapusin ang sumusunod na pahayag: “Ang disipulo ni Jesucristo ay isang taong …” Maaari nilang rebyuhin ang Mga Gawa 11:19–26, at alamin sa mga talata 21, 23–24, 26 kung paano ipinakita ng mga miyembrong ito ng Simbahan na sila ay mga disipulo. Paano nakakaimpluwensya sa ating iniisip at ikinikilos ang pagiging tagasunod ni Jesucristo? Ang mga aktibidad na tulad nito ay makadaragdag sa talakayang ito.

  • Makatutulong na talakayin kung ano ang isang disipulo ni Jesucristo (tingnan ang pahayag ni Elder Robert D. Hales sa “Suportang Resources”). Maaari mong anyayahan ang mga kabataan na magbahagi ng ilang turo ni Jesucristo na nagbibigay-inspirasyon sa kanila at ng ilang bagay na natutuhan nila mula sa Kanyang halimbawa. Maaari nilang saliksikin ang ilan sa mga banal na kasulatan sa “Suportang Resources,” o iba pang alam nila, para sa mga ideya. Maaari nilang ilista sa pisara ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga scripture passage. Pagkatapos ay maaari nilang pag-usapan ang mga paraan na tapat nilang masusunod ang mga turo at halimbawang nakalista sa pisara.

  • Sabihin sa mga miyembro ng klase o korum na pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano. Maaari silang gumawa ng listahan ng mga katangiang inaasahan nila na makikita sa buhay ng isang taong sumusunod kay Jesucristo (para sa halimbawa, tingnan sa Juan 13:34–35). Maaari mong hatiin ang mga kabataan sa dalawang grupo at sabihin sa bawat grupo na basahin ang isa sa mga sumusunod na mensahe na naghahanap ng mga karagdagang katangian na idaragdag nila sa kanilang listahan: Elder Terence M. Vinson, “Tunay na mga Disipulo ng Tagapagligtas” (Liahona, Nob. 2019, 9–11) at Elder Massimo De Feo, “Dalisay na Pag-ibig: Ang Tunay na Tanda ng Lahat ng Tunay na Disipulo ni Jesucristo” (Liahona, Mayo 2018, 81–83). Sabihin sa mga kabataan na pagnilayan ang isang bagay sa listahan na gusto nilang pagbutihin pa.

  • Maaari mong itanong sa mga miyembro ng klase o korum kung ano ang ibig sabihin sa kanila ng matawag sa pangalan ni Jesucristo. Marahil ay maaari silang magbahagi ng mga karanasan nila nang malaman ng isang tao na sila ay mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ano ang nadarama natin tungkol sa kilala tayo bilang mga tagasunod ni Jesucristo at miyembro ng Kanyang Simbahan? Maaari ding saliksikin ng mga kabataan ang ilang banal na kasulatan o ang isa sa mga mensahe sa “Suportang Resources,” na naghahanap ng mga kaalaman na naghihikayat sa kanila na mamuhay ayon sa pangalan ni Jesucristo, na tinaglay nila sa kanilang sarili. Dahil tinatawag tayo sa pangalan ni Jesucristo, paano ito nakaiimpluwensya sa mga pagpiling ginagawa natin?

Larawan
mga kabataang babae na naglalakad

Bilang mga miyembro ng Simbahan ni Cristo, tayo ay Kanyang mga disipulo at tinatawag sa Kanyang pangalan.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala ang gagawin nila ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano titibay ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag ginawa nila ang mga impresyong natanggap nila.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Bilang guro, makakahikayat ka ng nakaaantig na mga talakayan na sagana sa mga karanasan at patotoo ng mga mag-aaral.

Print