Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Oktubre 28–Nobyembre 3: “Nais Ko na Mahikayat Ko Kayong Lahat … na Magsisi.” Mormon 1–6


“Oktubre 28–Nobyembre 3: ‘Nais Ko na Mahikayat Ko Kayong Lahat … na Magsisi.’ Mormon 1–6,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Aklat ni Mormon 2024 (2023)

“Oktubre 28–Nobyembre 3. Mormon 1–6,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2024 (2023)

si Mormon na nagsusulat sa mga laminang ginto

Mormon Abridging the Plates [Si Mormon na Pinaiikli ang Nakatala sa mga Lamina], ni Tom Lovell

Oktubre 28–Nobyembre 3: “Nais Ko na Mahikayat Ko Kayong Lahat … na Magsisi”

Mormon 1–6

26:37

Iningatan ni Mormon ang Talaan

Sinabi ni Amaron kay Mormon ang tungkol sa sagradong talaan. Dinala siya sa lugar na pinagtaguan nito at ginunitang muli ang kasaysayan ng mga tao. Tumanggi si Mormon na pamunuan ang masasamang Nephita.

Hindi itinala ni Mormon ang “buong ulat” ng “kakila-kilabot na tagpo” ng kasamaan at pagdanak ng dugo na nakita niya sa mga Nephita (Mormon 2:18; 5:8). Ngunit ang itinala niya sa Mormon 1–6 ay sapat na para ipaalala sa atin kung gaano maaaring maging masama ang mga taong minsa’y naging matwid. Sa gitna ng gayon kalaganap na kasamaan, hindi masisisi ng sinuman si Mormon kung napagod siya at pinanghinaan pa ng loob. Subalit sa kabila ng lahat ng nakita at naranasan niya, hindi nawala kailanman ang paniniwala niya sa dakilang awa ng Diyos at ang pananalig niya na pagsisisi ang paraan para matanggap iyon. At bagama’t tinanggihan ng sariling mga tao ni Mormon ang kanyang mga pagsamo na magsisi, batid niya na mas maraming mambabasa siyang hihikayatin. “Masdan,” pahayag niya, “ako ay sumusulat sa lahat ng nasa mga dulo ng mundo.” Sa madaling salita, sumulat siya sa iyo (tingnan sa Mormon 3:17–20). At ang kanyang mensahe sa iyo, ngayon, ang siya ring mensaheng nakapagligtas sana sa mga Nephita sa kanilang panahon: “Maniwala sa ebanghelyo ni Jesucristo. … Magsisi at maghandang tumindig sa harapan ng hukumang-luklukan ni Cristo” (Mormon 3:21–22).

Tingnan din ang “Mormon Preserves the Record to Bring the House of Israel to Christ” (video), Gospel Library.

3:26

Moroni Preserves the Record for the Latter Days | Moroni 10; Title Page

Moroni invites all to believe in the power of God and to come unto Christ and be perfected in Him. Moroni counsels us to love God with all our might, mind, and strength. Then he buries the plates to fulfill the Lord’s purposes.

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at Simbahan

Mormon 1–6

icon ng seminary
Maaari kong sundin si Jesucristo anuman ang gawin ng ibang tao.

Noong mga 10 taong gulang lamang siya, talagang kakaiba si Mormon sa mga tao sa kanyang paligid. Habang binabasa mo ang Mormon 1–6, alamin ang mga paraan na naging kakaiba si Mormon dahil sa kanyang pananampalataya kay Jesucristo at nagbigay iyon sa kanya ng mga pagkakataong maglingkod at magpala sa iba. Maaari kang magsimula sa sumusunod na mga talata:

Mormon 1:2–3, 13–17.Anong mga pagkakaiba ang napansin mo sa pagitan ni Mormon at ng kanyang mga tao? Ano ang mga katangian niya na nakatulong sa kanya na manatiling espirituwal na matatag sa napakahirap na panahon?

Mormon 2:18–19.Anong mga salita ang ginamit ni Mormon para ilarawan ang mundong ginagalawan niya? Paano niya napanatili ang pag-asa sa kabila ng nangyayari sa kanyang paligid?

Mormon 3:12.Ano ang nadama ni Mormon tungkol sa mga tao sa kanyang paligid? Ano ang magagawa mo para magkaroon ng uri ng pagmamahal niya?

Anong iba pang mga talata sa Mormon 1–6 ang nagtatampok sa pananampalataya ni Mormon kay Jesucristo? Anong mga pagkakataon ang ibinigay sa kanya dahil pinili niyang manatiling tapat?

Isiping pag-aralan ang mensahe ni Pangulong Thomas S. Monson na “Maging Huwaran at Liwanag” (Liahona, Nob. 2015, 86–88), na hinahanap ang mga dahilan kaya mahalaga para sa mga alagad ni Jesucristo na mamukod-tangi o maging kakaiba. Paano mo kukumpletuhin ang mga pangungusap na tulad nito? “ ay naging isang halimbawa sa akin nang siya ay . Nakatulong ito sa akin na naising .”

Maaaring nadama ni Mormon na ang kanyang halimbawa ay hindi nakakagawa ng kaibhan sa kanyang mga tao. Kung nagkaroon ka ng pagkakataong kausapin si Mormon, ano ang sasabihin mo sa kanya kung paano nakagawa ng kaibhan sa iyo ang kanyang halimbawa?

Tingnan din sa David A. Bednar, “Mabilis Magmasid,” Ensign, Dis. 2006, 30–36, o Liahona, Dis. 2006, 14–20; “Something Different about Us: Example” (video), Gospel Library.

2:51

Something Different About Us: Example

Luis sets an example for his friend who is not a member of the Church. He said of fulfilling his duties of the Aaronic Priesthood, “I’m representing Jesus Christ, and that’s amazing."

Tulungan ang iba na ibahagi ang natututuhan nila. Kapag ibinabahagi ng mga tao ang natutuhan nila, napapalakas nila ang kanilang sariling pananampalataya at ang pananampalataya ng iba (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:122). Subukang tanungin ang iyong pamilya o klase kung ano ang mga naranasan nila nang pag-aralan nila ang salita ng Diyos.

mga Nephita at Lamanita na naglalabanan

Battle [Labanan], ni Jorge Cocco

Mormon 2:10–15

Inaakay tayo ng kalungkutang naaayon sa Diyos tungo kay Cristo at sa pangmatagalang pagbabago.

Nang makita ni Mormon ang kalungkutan ng kanyang mga tao, umasa siya na magsisisi sila. Ngunit “ang kanilang kalungkutan ay hindi tungo sa pagsisisi” (Mormon 2:13)—hindi ito kalungkutang naaayon sa Diyos kundi makamundong kalungkutan. Para maunawaan ang pagkakaiba, isiping itala ang natututuhan mo mula sa Mormon 2:10–15 sa isang chart na tulad nito:

Kalungkutang Naaayon sa Diyos

Makamundong Kalungkutan

Lumalapit kay Jesus (talata 14)

Isinusumpa ang Diyos (talata 14)

Paano mo malalaman kung ang iyong kalungkutan ay naaayon sa Diyos o kung ito ay makamundo? Kung makamundong kalungkutan ang nararanasan mo, paano mo ito mapapalitan ng kalungkutang naaayon sa Diyos?

Tingnan din sa 2 Corinto 7:8–11; Michelle D. Craig, “Hindi Pagiging Kuntento sa Ating Espirituwalidad,” Liahona, Nob. 2018, 52–55.

Mormon 3:3, 9

“Hindi nila [natanto] na ang Panginoon ang siyang nagligtas sa kanila.”

Napansin ni Mormon na hindi kinilala ng mga Nephita ang mga paraan na napagpala sila ng Panginoon. Habang binabasa mo ang Mormon 3:3, 9, maaari mong pagnilayan kung paano mo kinikilala ang impluwensya ng Diyos sa iyong buhay. Anong mga pagpapala ang dumarating kapag kinikilala mo ang Kanyang impluwensya? Ano ang mga kahihinatnan ng hindi pagkilala sa Kanya? (tingnan sa Mormon 2:26; Doktrina at mga Tipan 59:21).

Tingnan din sa Henry B. Eyring, “O Tandaan, Tandaan,” Liahona, Nob. 2007, 66–69.

Mormon 5:8–24; 6:16–22

Nakatayo si Cristo na nakaunat ang mga bisig para tanggapin ako.

Kung pinanghihinaan ka ng loob tungkol sa sarili mong mga kasalanan, ang paglalarawan ni Mormon sa Tagapagligtas na nakatayong “bukas ang mga bisig upang [ikaw] ay tanggapin” ay maaaring magbigay ng katiyakan. Habang binabasa mo ang Mormon 5:8–24 at 6:16–22, ano ang natututuhan mo tungkol sa damdamin ng Ama sa Langit at ni Jesus sa iyo, kahit magkasala ka? Paano mo nadama na inaabot ka ni Jesucristo na nakaunat ang mga bisig? Ano ang nahihikayat kang gawin dahil dito?

Tingnan din sa “Magsipaglapit kay Jesucristo,” Mga Himno, blg. 68.

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Mormon 1:1–3; 2:1, 23–24; 3:1–3, 12, 17–22

Tulad ni Mormon, maaari akong sumunod kay Jesucristo.

  • Dahil medyo bata pa si Mormon nang magkaroon siya ng pananampalataya kay Cristo, maaari siyang maging inspirasyon sa iyong mga anak. Marahil ay maaari mong basahin ang Mormon 1:1–3 at maaaring pakinggan ng iyong mga anak kung gaano katanda si Mormon nang bigyan siya ni Amaron ng espesyal na misyon. Maaari mo rin silang tulungang mahanap sa mga talatang ito ang mga katangiang nakita ni Amaron kay Mormon. Paano tayo tinutulungan ng mga katangiang ito na sumunod kay Jesucristo?

    si Mormon noong bata pa

    Mormon, Age 10 [Mormon, Edad 10], ni Scott M. Snow

  • Dahil sinunod ni Mormon si Jesucristo, binigyan siya ng mga pagkakataong maglingkod at pagpalain ang iba. Maaari mong anyayahan ang iyong mga anak na basahin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga sipi at tulungan silang ibahagi ang natututuhan nila tungkol kay Mormon: Mormon 1:1–3; 2:1, 23–24; at 3:1–3, 12, 20–22 (tingnan din sa “Kabanata 49: Si Mormon at ang Kanyang mga Turo,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon, 138–42). Paano niya sinunod si Jesucristo? Paano nakatulong o nagpala sa iba ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo? Paano matutulungan ng ating pananampalataya ang mga taong kilala natin?

    4:19

    Chapter 49: Mormon and His Teachings

Mormon 2:8–15

Inaakay tayo ng kalungkutang naaayon sa Diyos tungo kay Cristo at sa pangmatagalang pagbabago.

  • Marahil ay maaari kang gumawa ng isang tsart na tulad ng nasa “Mga Ideya sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan” para maipaunawa sa iyong mga anak ang pagkakaiba sa pagitan ng kalungkutang naaayon sa Diyos at ng makamundong kalungkutan habang binabasa nila ang Mormon 2:8, 10–15. Pagkatapos ay maaari din nilang saliksikin ang Mormon 2:12 para maghanap ng mga dahilan kung bakit dapat “magalak ang [ating] puso” dahil sa pagsisisi. Paano natin matitiyak na ang kalungkutang nadarama natin para sa ating mga kasalanan ay inaakay tayong humingi ng tulong sa Diyos para makapagbago?

Mormon 3:3, 9

Binibigyan ako ng Ama sa Langit ng maraming pagpapala.

  • Ang pag-anyaya sa iyong mga anak na ilista (o idrowing) ang ilang bagay na pinasasalamatan nila ay maaaring isang magandang paraan para matulungan silang makadama ng pasasalamat sa Diyos. Kapag nakagawa na sila ng listahan, maaari mong basahin ang Mormon 3:3, 9 at ipaliwanag na napagpala rin ng Ama sa Langit ang mga Nephita, ngunit hindi nila iyon nakita. Ano ang magagawa natin ngayon para ipakita na nagpapasalamat tayo sa Ama sa Langit para sa ating mga pagpapala?

Mormon 3:12

Nais ng Ama sa Langit na mahalin ko ang lahat ng tao.

  • Kahit masama ang mga Nephita, hindi kailanman tumigil si Mormon na mahalin sila. Tulungan ang iyong mga anak na hanapin ang mga salitang “minahal” at “pagmamahal” sa Mormon 3:12. Maaari din ninyong kantahin nang sama-sama ang isang awitin tungkol sa pagmamahal sa iba, tulad ng “Mahalin Bawat Tao, Sabi ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 39), habang nagpapakita ng mga larawan ng mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Magpatotoo tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa lahat ng Kanyang mga anak.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

mga laminang ginto

Ang Aklat ni Mormon ay isinulat “upang kayo ay maniwala sa ebanghelyo ni Jesucristo” (Mormon 3:21).