Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 30–Enero 5: “Ang Ipinangakong Pagpapanumbalik ay Sumusulong”: Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo


“Disyembre 30–Enero 5: ‘Ang Ipinangakong Pagpapanumbalik ay Sumusulong”: Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

sumisikat ang araw sa kalangitan

Disyembre 30–Enero 5: “Ang Ipinangakong Pagpapanumbalik ay Sumusulong”

Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Paano mo gugunitain ang ika-200 anibersaryo ng isang kaganapang nagpabago sa mundo? Iyan ang tanong na pinagnilayan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol habang papalapit noon ang Abril 2020, na tanda ng ika-200 taon mula noong Unang Pangitain ni Joseph Smith. “Pinag-isipan namin kung dapat bang magtayo ng isang [bantayog],” pag-alaala ni Pangulong Russell M. Nelson. “Ngunit habang pinag-iisipan namin ang natatanging epekto ng makasaysayang Unang Pangitain sa ibang bansa, [nadama naming] lumikha ng isang [bantayog] na hindi gawa sa [granite o] bato kundi sa mga salita … , hindi upang iukit sa mga ‘tipak ng bato’ kundi mga salitang maaaring iukit sa ‘bawat himaymay’ ng ating mga puso [2 Corinto 3:3]” (“Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 90).

Ang bantayog ng mga salitang nilikha nila ay pinamagatang “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo.” Ito ay isang bantayog hindi lamang sa Unang Pangitain kundi gayundin sa lahat ng nagawa ni Jesucristo—at patuloy na ginagawa—simula noon. Nagsimula ang Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo nang bumaling sa Diyos ang isang tao at pakinggan Siya nito. Ganito pa rin ngayon: isang puso, isang sagradong karanasan sa bawat pagkakataon—pati na ang sa inyo.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

“Mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak sa bawat bansa sa mundo.”

Sa iyong opinyon, bakit magsisimula ang pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik sa isang pahayag tungkol sa pagmamahal ng Diyos? Habang pinag-aaralan mo ang pagpapahayag, hanapin ang mga pahayag ng pagmamahal ng Diyos para sa “Kanyang mga anak sa bawat bansa ng mundo.” Paano naipadama sa iyo ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ang Kanyang pagmamahal?

Tingnan din sa Gerrit W. Gong, “Lahat ng Bansa, Lahi, at Wika,” Liahona, Nob. 2020, 38–41.

Ang Pagpapanumbalik ay nagsimula sa sagot sa isang tanong.

Masasabi na sinimulan ng Tagapagligtas ang Pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsagot sa isang tanong. Ano sa pakiramdam mo ang mensahe ng pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik para sa isang taong may mga tanong tungkol sa Diyos, sa ebanghelyo, o sa “kaligtasan ng kanyang kaluluwa”? Maaari mo ring pag-aralan ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:5–20 para malaman kung ano ang maaari mong matutuhan mula kay Joseph Smith tungkol sa paghahanap ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo.

Tingnan din sa Topics and Questions [Mga Paksa at Tanong], “Seeking Answers [Paghahanap ng mga Sagot],” Gospel Library.

ipinintang larawan ni Joseph Smith na nakatingala sa isang kakahuyan

Detalye mula sa The Desires of My Heart [Ang mga Hangarin ng Aking Puso], ni Walter Rane

icon ng seminary
Ipinanumbalik na ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan.

Ano ang alam mo tungkol sa “Simbahan ni Cristo sa Bagong Tipan,” na ipinanumbalik ng Tagapagligtas sa pamamagitan ni Joseph Smith? Isiping pag-aralan ang mga talatang ito at ilista ang ilang katangian ng Kanyang Simbahan:

Pagkatapos, maaari mong itugma ang mga talata sa itaas sa mga talata sa ibaba, na naglalarawan kung paano ipinanumbalik ni Jesucristo ang mga katangiang iyon ng Kanyang Simbahan sa pamamagitan ni Joseph Smith:

Bakit ka nagpapasalamat para sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo?

Sinubukang minsan ni Elder Jeffrey R. Holland at ng kanyang asawa na wariin kung ano kaya ang magiging pakiramdam nila kung namuhay sila bago ipinanumbalik ang Simbahan. “Ano ang nais namin na sana ay mayroon kami?” tanong nila sa kanilang sarili. Basahin ang kanilang mga karanasan sa “Ganap na Kaliwanagan ng Pag-asa” (Liahona, Mayo 2020, 81–82). Paano nakatulong ang Pagpapanumbalik para matupad ang iyong mga espirituwal na inaasam?

Tingnan din sa Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Apostasiya,” Gospel Library.

“Ang ipinangakong Pagpapanumbalik ay sumusulong.”

Naisip mo na ba na bahagi ka ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo? Isipin ang mga salitang ito mula kay Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “Kung minsan iniisip natin na ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ay isang bagay na kumpleto na, na tapos na. … Ang totoo, ang Pagpapanumbalik ay tuluy-tuloy na proseso; nabubuhay tayo rito ngayon” (“Kabahagi Ba Kayo sa Gawain ng Panunumbalik?,” Liahona, Mayo 2014, 59).

Habang naghahanda kang pag-aralan kung paano ipinanumbalik ang ebanghelyo noong 1800s, maaari kang magsimula sa pagninilay kung paano ito ipinanumbalik sa iyong buhay. Basahin ang pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik na may mga tanong sa isipan na tulad nito: Paano ko nalaman na ito ay totoo? Paano ako makikibahagi sa Pagpapanumbalik ngayon?

“Bukas ang kalangitan.”

Ano ang kahulugan ng pariralang “bukas ang kalangitan” para sa iyo? Anong katibayan ang nakikita mo—sa pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik, sa Simbahan ngayon, sa mga banal na kasulatan, at sa iyong buhay—na talagang bukas ang kalangitan?

Maaari mo ring isama ang “Umaga Na” (Mga Himno, blg. 1) bilang bahagi ng iyong pag-aaral. Ano ang nakita mo sa himnong ito na nagdaragdag sa iyong pagkaunawa sa pariralang “bukas ang kalangitan”?

Tingnan din sa Quentin L. Cook, “Ang Pagpapala ng Patuloy na Paghahayag sa mga Propeta at Personal na Paghahayag Upang Gabayan ang Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2020, 96–100.

Magkasamang matuto. Inanyayahan tayo ni Pangulong Nelson na “pag-aralan [ang pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik] nang mag-isa at nang kasama ang [ating] pamilya at mga kaibigan” (“Pakinggan Siya,” 92). Isipin kung paano mo maaaring isama ang iba sa iyong pag-aaral.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

icon 01 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

“Taimtim naming ipinapahayag.”

  • Habang binabasa ninyo ng iyong mga anak ang mga bahagi ng pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik (o pinanonood ang video ni Pangulong Nelson na binabasa ito), tulungan silang makahanap ng mga pangungusap na nagsisimula sa mga pariralang tulad ng “ipinapahayag namin,” o “nagpapatotoo kami.” Anong mga katotohanan ang ipinapahayag ng ating mga propeta at apostol? Marahil ay maaari ninyong ibahagi ng iyong mga anak ang sarili ninyong patotoo tungkol sa ilan sa mga katotohanang ito mismo.

    6:0

    The Restoration of the Fulness of the Gospel of Jesus Christ

“Si Joseph Smith … [ay] may mga tanong.”

  • Maaaring maging kasiya-siya para sa iyong mga anak na tuklasin ang ilan sa mga tanong ni Joseph Smith na humantong sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ng Tagapagligtas. Tulungan silang makahanap ng ilang halimbawa sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:10, 29, 68. Paano tayo pinagpapala ngayon dahil sinagot ng Diyos ang mga tanong ni Joseph Smith?

  • Maaari mo ring bigyan ang iyong mga anak ng pagkakataong magsalita tungkol sa mga tanong na mayroon sila. Ano ang natutuhan natin mula kay Joseph Smith kung paano makahanap ng mga sagot? (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:8–17).

“Dumating ang mga sugo mula sa langit upang turuan si Joseph.”

  • Sino ang “mga sugo mula sa langit [na] dumating upang turuan si Joseph”? Maaaring masiyahan ang iyong mga anak na maghanap ng mga larawan nila sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (tingnan sa blg. 91, 93, 94, 95). Paano nakatulong ang bawat isa sa mga sugong ito na “muling maitatag ang Simbahan ni Jesucristo”? Ang mga talata sa banal na kasulatan na iminungkahi sa pahina ng aktibidad para sa linggong ito ay maaaring makatulong sa iyong mga anak na masagot ang tanong na ito.

The Prophet Joseph Smith sitting on his bed in the Smith farm house. Joseph has a patchwork quilt over his knees. He is looking up at the angel Moroni who has appeared before him. Moroni is depicted wearing a white robe. The painting depicts the event wherein the angel Moroni appeared to the Prophet Joseph Smith three times in the Prophet's bedroom during the night of September 21, 1823 to inform him of the existence and location of the gold plates, and to instruct him as to his responsibility concerning the plates.

Ipinanumbalik na ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan.

  • Paano mo maipauunawa sa iyong mga anak ang ibig sabihin ng ipanumbalik ang Simbahan ng Tagapagligtas? Maaari siguro silang magtayo ng isang simpleng tore gamit ang mga block o cup at “ipanumbalik,” o muling itayo, ito. O, kung kinailangan na ng iyong mga anak na palitan ang isang bagay dahil nawala ito o nasira, maaari mong ikumpara ang karanasang iyon sa pagpapanumbalik ng Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan. Tulungan silang makahanap ng partikular na mga bagay na binanggit sa pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik na ipinanumbalik ng Tagapagligtas.

ama at mga anak na naglalaro ng mga block

“Bukas ang kalangitan.”

  • Para mailarawan kung ano ang ibig sabihin ng pariralang “bukas ang kalangitan,” maaari ka sigurong magbahagi ng isang mensahe sa iyong mga anak, una habang nakasara ang pinto at pagkatapos ay habang nakabukas ang pinto. Hayaan din silang maghalinhinan sa pagbabahagi ng mensahe. Ano ang mga mensahe ni Jesucristo para sa atin? Anong mga karanasan ang nakatulong sa atin para malaman na bukas ang kalangitan sa atin?

3:11

Ipinadala ng Panginoon si Oliver Cowdery: Alamin kung paano tayo kinakausap ng Diyos

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.