“Abril 11–17. Pasko ng Pagkabuhay: ‘Lulunukin Niya ang Kamatayan Magpakailanman,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)
“Abril 11–17. Pasko ng Pagkabuhay,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022
Abril 11–17
Pasko ng Pagkabuhay
“Lulunukin Niya ang Kamatayan Magpakailanman”
Habang binabasa at pinagninilayan mo ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ngayong linggo, isiping itala ang mga iniisip at nadarama mo tungkol sa Kanyang sakripisyo sa iyong journal o sa puwang na nasa outline na ito.
Itala ang Iyong mga Impresyon
Ang buhay ni Jesucristo ang “tampulan ng buong kasaysayan ng sangkatauhan” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” ChurchofJesusChrist.org). Ano ang kahulugan niyon? Kahit paano, tiyak na ang ibig sabihin nito ay na iniimpluwensyahan ng buhay ng Tagapagligtas ang walang-hanggang tadhana ng bawat taong nabuhay o mabubuhay pa. Maaari mo ring sabihin na ang buhay at misyon ni Jesucristo, na nagtapos sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli sa unang Linggo ng Pagkabuhay, ay pinag-uugnay ang lahat ng tao ng Diyos sa buong kasaysayan: Yaong mga isinilang bago isinilang si Cristo ay inasam ang Kanyang pagdating nang may pananampalataya (tingnan sa Jacob 4:4), at yaong mga isinilang pagkatapos ay inaalala ang Kanyang nagawa nang may pananampalataya. Kapag binabasa natin ang mga salaysay at propesiya sa Lumang Tipan, hindi natin nakikita kailanman ang pangalang Jesucristo, ngunit nakikita natin ang katibayan ng pananampalataya at pananabik ng mga sinaunang mananampalataya para sa kanilang Mesiyas at Manunubos. Kaya tayo na inaanyayahang alalahanin Siya ay makadarama ng kaugnayan sa mga taong umasam sa Kanya. Sapagkat tunay na pinasan na ni Jesucristo “ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6; idinagdag ang italics), at “kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (I Mga Taga Corinto 15:22; idinagdag ang italics).
Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
Pinatototohanan ng Lumang Tipan ang nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas.
Maraming sipi sa Lumang Tipan ang nagtuturo sa ministeryo at nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas. Nakalista sa table sa ibaba ang ilan sa mga siping ito. Habang binabasa mo ang mga talatang ito, ano ang mga impresyong dumarating sa iyo tungkol sa Tagapagligtas?
Lumang Tipan |
Bagong Tipan |
---|---|
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Ang mga propesiya at turo tungkol sa Tagapagligtas ay mas sagana at malinaw sa Aklat ni Mormon. Isipin kung paano lumalakas ang iyong pananampalataya sa mga talatang gaya nito: 1 Nephi 11:31–33; 2 Nephi 25:13; Mosias 3:2–11.
Maaari akong makasumpong ng kapayapaan at kagalakan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
Sa paglipas ng panahon, nag-alok si Jesucristo, sa pamamagitan ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, ng kapayapaan at kagalakan sa lahat ng lumalapit sa Kanya (tingnan sa Moises 5:9–12). Isiping pag-aralan ang sumusunod na mga talata na nagpapatotoo sa kapayapaan at kagalakang alok Niya, at kapag ginawa mo ito, isipin kung paano mo matatanggap ang kapayapaan at kagalakang hatid Niya: Mga Awit 16:8–11; 30:2–5; Isaias 12; 25:8–9; 40:28–31; Juan 14:27; 16:33; Alma 26:11–22.
Tingnan din sa Dallin H. Oaks, “Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2015, 61–64; Sharon Eubank, “Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman,” Liahona, Mayo 2019, 73–76; “Ako ay Namangha,” Mga Himno, blg. 115.
Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, may kapangyarihan si Jesucristo na tulungan akong madaig ang kasalanan, kamatayan, mga pagsubok, at mga kahinaan.
Sa buong banal na kasulatan, nagpatotoo ang mga propeta sa kapangyarihan ni Jesucristo na iligtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan at tulungan tayong madaig ang ating mga pagsubok at kahinaan. Paano nakagawa ng kaibhan si Cristo sa iyong buhay? Bakit Siya mahalaga sa iyo? Pagnilayan ang mga tanong na ito habang binabasa mo ang mga talatang ito, at itala ang iyong mga iniisip at nadarama tungkol sa Tagapagligtas:
Tingnan din sa Walter F. González, “*Ang Haplos ng Tagapagligtas,” Liahona, Nob. 2019, 90–92.
Mga Ideya para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan ng Pamilya at Home Evening
-
Exodo 12:1–28.Sa pagdiriwang ninyo ng Pasko ng Pagkabuhay, maaaring rebyuhin ng inyong pamilya ang natutuhan ninyo tungkol sa Paskua sa mga unang araw ng buwang ito. Bakit mahalaga na naganap ang sakripisyo ng Tagapagligtas na kasabay ng Paskua?
Para sa buod ng nangyari noong huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas, tingnan sa “Holy Week [Semana Santa]” sa ComeuntoChrist.org/2016/easter/easter-week.
-
Isaias 53.Ang pagbasa sa mga propesiya tungkol kay Jesucristo sa Isaias 53 ay maaaring magpaunawa sa mga miyembro ng pamilya sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas. Aling mga talata o parirala ang pinakamabisa sa inyong pamilya? Isiping magdaos ng pulong-patotoo ng pamilya kung saan ibinabahagi ninyo ang inyong personal na mga patotoo tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
-
“Mga Natatanging Saksi ni Cristo.”Ang Gospel Library app at ChurchofJesusChrist.org ay may koleksyon ng mga video na tinatawag na “Special Witnesses of Christ,” kung saan nagpapatotoo ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindawalang Apostol kay Jesucristo. Maaaring panoorin ng inyong pamilya ang mga video na ito at pag-usapan ang natututuhan ninyo tungkol kay Jesucristo mula sa Kanyang mga piling lingkod. Bilang pamilya, pag-usapan ang mga paraan na maibabahagi ninyo ang inyong pagsaksi tungkol kay Cristo. Halimbawa, maaari ninyong anyayahan ang isang tao na sumambang kasama ninyo ngayong Linggo ng Pagkabuhay.
-
Mga himno at awitin.Ang musika ay isang mabisang paraan para maalaala ang Tagapagligtas at anyayahan ang Espiritu sa ating tahanan. Maaaring magbahagi at kumanta ang mga miyembro ng pamilya ng mga himno o awitin tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay o tungkol kay Jesucristo, tulad ng “Si Cristo Ngayo’y Nabuhay” (Mga Himno, blg. 120). o “Si Jesus Ba ay Nagbangon?” (Aklat ng mga Awit Pambata, 45). Para mahanap ang iba pang mga himno o awit pambata, tingnan sa indeks ng mga paksa ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata.
Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.
Iminumungkahing awitin: “Si Jesus Ba ay Nagbangon?” Aklat ng mga Awit Pambata, 45.