Bagong Tipan 2023
Oktubre 9–15. Filipos; Colosas: “Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa sa Pamamagitan [ni Cristo na] Nagpapalakas sa Akin”


“Oktubre 9–15. Filipos; Colosas: ‘Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa sa Pamamagitan [ni Cristo na] Nagpapalakas sa Akin,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Oktubre 9–15. Filipos; Colosas,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2023

nagdidikta ng isang liham si Pablo mula sa bilangguan

Oktubre 9–15

Filipos; Colosas

“Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa sa Pamamagitan [ni Cristo na] Nagpapalakas sa Akin”

Basahin ang Filipos at Colosas na iniisip ang mga batang tinuturuan mo. Maghangad ng inspirasyon kung paano ituturo sa kanila ang mga alituntunin sa mga sulat na ito.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Itanong sa mga bata kung ano ang ginawa nila nitong nakaraang linggo para maisabuhay ang isang bagay na natutuhan nila sa klase noong nakaraang linggo. Halimbawa, paano sila tumulong sa isang taong nangangailangan ng kaibigan?

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Maliliit na Bata

Filipos 1:3–4; Colosas 1:3, 9

Mahal ako at ipinagdarasal ako ng mga lider ng Simbahan.

Madalas simulan ni Pablo ang kanyang mga sulat sa pagpapahayag ng pagmamahal sa mga miyembro ng Simbahan at sa pagsasabi sa kanila na nagdarasal siya para sa kanila. Isipin kung paano mo maipapaunawa sa mga bata na mahal sila ng kanilang mga lider sa Simbahan.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin nang malakas ang Filipos 1:3–4 at Colosas 1:3, 9 at pahalukipkipin at payukuin ang mga bata tuwing maririnig nila ang mga salitang manalangin, nananalangin, at panalangin. Ipaliwanag na ipinagdasal ni Apostol Pablo ang mga miyembro ng Simbahan, tulad ng pagdarasal ng ating mga lider ng Simbahan para sa atin ngayon.

  • Magpakita ng larawan ni Jesucristo, at magbasa ng ilang talata na naglalarawan na ipinagdarasal Niya ang isang tao (tingnan halimbawa sa Lucas 22:32; 3 Nephi 19:21, 23). Ano ang hiniling ni Jesus nang ipagdasal Niya ang ibang tao?

  • Tulungan ang mga bata na ibigay ang pangalan ng ilan sa kanilang mga lider sa Simbahan, tulad ng Primary president, bishop, at Pangulo ng Simbahan. Ipaliwanag na hinihiling ng mga lider na ito sa Ama sa Langit na pagpalain ang mga bata at tulungan silang mamuhay nang matwid. Isiping sabihin sa mga bata ang sinasabi mo kapag ipinagdarasal mo sila.

Filipos 4:4, 8

Maaari akong magalak sa Panginoon.

Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na magalak—kahit naharap sila sa mahihirap na pagsubok at si Pablo mismo ay nakakulong. Paano mo maipapakita sa mga bata na ang pagsunod kay Jesucristo ay nagdudulot ng kagalakan?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin sa mga bata na pakinggan ang isang inuulit na salita habang binabasa mo ang Filipos 4:4. Hilingin sa mga bata na ipakita sa iyo kung ano ang ginagawa nila kapag nagagalak sila. Sabihin sa mga bata kung bakit ka “nagagalak sa Panginoon”—kung bakit ka masaya dahil kay Jesucristo. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang nadarama tungkol kay Jesus.

  • Magpakita ng mga bagay o larawan na kumakatawan sa mga bagay na tumutulong sa iyo na “magalak sa Panginoon” (Filipos 4:4), tulad ng Kanyang mga nilikha, templo, Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, o isang pamilya. Isa-isang papiliin ang mga bata ng larawan o bagay, at pagkatapos ay sabihin sa kanila kung bakit ito nagpapasaya sa iyo. Hilingin sa kanilang magbahagi ng mga bagay na nagpapagalak sa kanila sa Panginoon.

  • Sama-samang basahin ang Filipos 4:8 at tulungan ang mga bata na umisip ng mga bagay na akma sa mga paglalarawan sa talata (tingnan din ang Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). Hilingin sa mga bata na magdrowing ng mga larawan ng mga bagay na ito.

Colosas 1:23; 2:6–7

Ang aking pananampalataya ay “nakaugat” dapat kay Jesucristo.

Kung maitatatag ng mga bata ang kanilang buhay at pananampalataya sa Tagapagligtas, malalampasan nila ang mga unos ng buhay.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawan ng isang puno mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang binabasa mo ang mahahalagang parirala mula sa Colosas 1:23; 2:6–7. Ano ang mangyayari sa punong ito kung dumating ang bagyo at walang matitibay na ugat ang puno? Hayaang tumayo ang mga bata at magkunwaring isang puno na may mahihinang ugat sa gitna ng unos at pagkatapos ay maging isang puno na may matitibay na ugat. Magpatotoo na matutulungan tayo ng pananampalataya sa Tagapagligtas na maging katulad ng isang puno na may matitibay na ugat. Dahil dito ay malalampasan natin ang espirituwal na “mga unos,” tulad ng mga tukso at mahihirap na panahon.

    2:24
  • Hilingin sa isang bata na magdrowing ng isang puno sa pisara. Hilingin sa mga bata na magbanggit ng ilang bagay na magagawa nila para maging “nakaugat” sila kay Jesucristo. Tuwing bumabanggit ng isang bagay ang isang bata, hilingin sa batang ito na magdagdag ng isang ugat sa drowing.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Nakatatandang mga Bata

Filipos 4:4–13

Kung sumasampalataya ako kay Jesucristo, maaari akong maging masaya kahit sa mga oras ng paghihirap.

Dumanas ng maraming pagsubok si Pablo, ngunit masaya siya dahil sumampalataya siya kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin sa mga bata na magkunwari na sila ay nasa bilangguan, tulad ni Apostol Pablo nang isinulat niya ang Sulat para sa mga Taga-Filipos. Basahin ninyo ng mga bata ang Filipos 4:4–13 at hilingin sa kanila na hanapin ang sumusunod na mga salita: “magalak,” “kapayapaan,” at “masiyahan.” Paano nagawa ni Pablo na magalak at maging payapa kahit nasa bilangguan siya? Pagkatapos ay hilingin sa mga bata na hanapin ang mga salitang “Panginoon,” “Diyos,” at “Cristo” sa mga talata. Ipaunawa sa kanila na naging posible na magalak si Pablo dahil sa pananampalataya niya kay Jesucristo.

  • Hilingin sa mga bata na tulungan kang kumpletuhin ang mga pangungusap na tulad ng mga sumusunod: “Maaari pa rin akong makakita kahit ako ay nasa dilim kung ako ay may . Maaari pa rin akong makadama ng lamig kahit nasa labas ako sa kainitan ng araw kung ako ay may . Maaari pa rin akong magalak kahit sa mga oras ng paghihirap kung ako ay .” Ano ang iminumungkahi sa Filipos 4:4–13 na maaari nating gawin para magkaroon ng kagalakan? Hilingin sa mga bata na magbahagi ng ilang himno o banal na kasulatan tungkol kay Jesus na makatutulong sa kanila na makadama ng kagalakan sa mahihirap na panahon.

Filipos 4:8

Maaari kong “isipin” ang mga bagay na totoo, tapat, at dalisay.

Ang mga bata ay kadalasang lantad sa mga bagay na masama at marumi. Matutulungan mo silang maghangad ng mga bagay na nakasisigla at marangal.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipabasa nang malakas sa isang bata ang Filipos 4:8 habang hinahanap ng iba ang mga salita sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13 na kapareho o kahalintulad nito. Hilingin sa isang bata na isulat ang mga salitang ito sa pisara. Itanong sa mga bata kung ano ang ibig sabihin ng mga salita, at tulungan silang bigyang-kahulugan ang mga ito kung kinakailangan. Bakit dapat nating “isipin” ang mga bagay na ito? Paano natin maaaring “hangarin” ang mga ito?

  • Hilingin sa mga bata na magbanggit ng mga bagay na tugma sa mga paglalarawan sa Filipos 4:8. Hilingin sa kanilang maglista sa buong linggong ito ng anumang mapapansin nila na tugma sa mga paglalarawang ito. Hikayatin silang dalhin ang kanilang listahan sa Primary sa susunod na linggo at ibahagi ang nakita nila.

Colosas 1:23; 2:6–7

Ang aking pananampalataya ay “nakaugat” dapat kay Jesucristo.

Sinusubukan ni Satanas na pahinain ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga tukso at maling doktrina. Paano mo mahihikayat ang mga bata na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas upang sila ay “hindi nakikilos [palayo] sa pag-asa sa ebanghelyo”? (Colosas 1:23).

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin sa mga bata na magdrowing ng mga larawang kumakatawan sa mga katotohanang nalaman nila sa Colosas 1:23; 2:6–7. Hilingin sa kanila na ibahagi ang kanilang mga larawan sa klase at ipaliwanag ang mga katotohanang kinakatawan ng kanilang mga larawan.

  • Ano ang ilang tukso at maling doktrina sa mundo ngayon na maaaring makapagpahina sa ating pananampalataya? Hikayatin ang mga bata na isulat ang isang bagay na magagawa nila para mapalakas ang kanilang pananampalataya upang sila ay maging “nakaugat” (Colosas 2:7) kay Jesucristo. Hilingin sa kanila na idispley ito kung saan makikita nila ito araw-araw.

2:24
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo. Maaari nilang gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito o ang isang talata sa banal na kasulatan na binasa nila sa klase ngayon.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Mausisa ang mga bata at natututo sila sa bago at iba’t ibang mga karanasan. Gamitin ang mga aktibidad na tumutulong sa mga bata na kumilos, gamitin ang lahat ng kanilang pandama, magsiyasat, at sumubok ng mga bagong bagay. Makakatulong ang mga mungkahi sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Mas Maliliit na Bata” sa simula ng resource na ito. (Tingnan din ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)