Lumang Tipan 2022
Enero 24–30. Moises 7: “Tinawag ng Panginoon ang Kanyang mga Tao na Sion”


“Enero 24–30. Moises 7: ‘Tinawag ng Panginoon ang Kanyang mga Tao na Sion,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Enero 24–30. Moises 7,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2022

maraming tao na nakikisalamuha sa mapagmahal na paraan

Love One Another [Mahalin ang Isa’t Isa], ni Emma Donaldson Taylor

Enero 24–30

Moises 7

“Tinawag ng Panginoon ang Kanyang mga Tao na Sion”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbasa ng Moises 7. Maaari kang matulungan ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na maunawaan ang kabanatang ito, at ang mga ideya sa ibaba ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya kung paano ito ituro sa mga bata.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Mag-ukol ng ilang minuto para marebyu ninyo ng mga bata ang nalalaman nila tungkol sa propetang si Enoc—kabilang na ang anumang bagay na natutuhan nila sa lesson noong nakaraang linggo. Kung ito ay makatutulong, ipakita ang larawan na nasa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Maliliit na Bata

Moises 7:18

Nais ng Diyos na magmahalan tayo.

Ang mga talatang ito ay naglalarawan ng mga katangian ng mga mamamayan ng Sion. Paano mo matutulungan ang mga bata na magkaroon ng mga katangiang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibahagi ang kuwento ng mga tao ni Enoc sa “Si Enoc” (sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan), o ipakuwento ito sa mga bata sa sarili nilang mga salita gamit ang larawan ni Enoc sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Maaari rin ninyong awitin ng mga bata ang ikalawang talata ng “Propeta’y Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59) para marebyu ang kuwento.

  • Tulungan ang mga bata na mag-isip ng mga galaw na nauugnay sa pariralang “isang puso at isang isipan” (Moises 7:18). Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pariralang ito ay nagmamahalan ang mga tao ni Enoc at mababait sila sa isa’t isa. Anyayahan silang gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito sa pagdodrowing ng isang paraan para maipakita ang kanilang pagmamahal.

  • Kumanta ng isang awitin tungkol sa pagmamahal sa isa’t isa, tulad ng “Pag-ibig sa Tahanan” (Mga Himno, blg. 183). Magdala ng mga larawan na nagpapakita ng mahahalagang parirala sa awitin para matulungan ang mga bata na matutuhan ang mga salita. Hilingin sa mga bata na ibahagi kung paano nila maipapakita ang pagmamahal sa isa’t isa sa Primary at sa kanilang mga tahanan. Pagkatapos ay ipasadula sa kanila ang kanilang mga ideya.

batang babae na nagbabahagi ng prutas sa matandang babae

Dapat tayong magsikap na maging “isang puso at isang isipan” (Moises 7:18).

Moises 7:28–33

May malasakit ang Diyos sa Kanyang mga anak.

Matutulungan mo ang mga bata na malaman na labis ang pagmamalasakit ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa atin at sa ating mga kilos.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Tulungan ang mga bata na mag-isip ng mga bagay na magpapasaya sa Ama sa Langit. Basahin ninyo ng mga bata ang Moises 7:28, at ipaliwanag na ang Ama sa Langit ay nalungkot dahil napakasama ng mga tao (tingnan sa mga talata 32–33).

  • Magpadrowing sa mga bata ng isang masayang mukha sa harap ng papel at isang malungkot na mukha sa likod ng papel. Magbanggit ng ilang mabubuting gawain, tulad ng pagdarasal, at ng ilang mga negatibong gawain tulad ng pagsisinungaling, at hilingin sa mga bata na itaas ang masayang mukha o ang malungkot na mukha para ipakita kung ano ang madarama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa bawat pagpiling ito.

  • Anyayahan ang mga bata na maglaro ng pahulaan kung saan ay iaarte nila ang mga bagay na makapagpapasaya sa Ama sa Langit. Hilingin sa ibang mga bata na hulaan kung ano ang ginagawa nila. Ibahagi sa bawat bata ang isang bagay na nakita mong ginagawa nila na nakapagpapasaya sa Ama sa Langit.

Moises 7:59–67

Si Jesus ay babalik sa lupa.

Sa kanyang pangitain, nakita ni Enoc ang mga huling araw, kabilang na ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Paano mo matutulungan ang mga bata na asamin ang Ikalawang Pagparito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na isipin na kunwari ay mayroong isang espesyal na bisita na darating para dalawin sila. Ano ang gagawin nila para maghanda sa pagbisita? Ibahagi ang mga salita ng Panginoon kay Enoc sa Moises 7:60: “Ako ay paparito sa mga huling araw.” Ano ang ilang paraan para makapaghanda tayo sa muling pagparito ni Jesus?

  • Ipakita ang mga larawan ng mga pagkakataon na nagpakita ang Tagapagligtas sa mga tao (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 60, 82, 83 at 84). Ano ang ginagawa ng mga tao sa mga larawan? Ano kaya ang nadama ng mga tao nang makita nila si Jesus? Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na ibahagi ang nadarama nila tungkol sa pagkakaton na makita si Jesus kapag pumarito Siyang muli.

  • Kumanta ng isang awitin tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, tulad ng “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47), at itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang pakiramdam kapag muling pumarito si Jesus.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Nakatatandang mga Bata

Moises 7:18–21, 62–63, 68–69

Maaari tayong magkaisa tulad ng mga mamamayan ng Sion.

Habang binabasa mo ang tungkol sa Sion, pagnilayan ang mga halimbawa ng pagkakaisa na nakita mo. Paano mo matutulungan ang mga bata na matutong magkaisa tulad ng mga tao ni Enoc?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin sa mga bata na hanapin ang mga salitang naglalarawan sa mga tao ni Enoc, na kilala rin bilang Sion, habang binabasa nila ang Moises 7:18. Isulat ang mga salitang ito bilang mga heading sa itaas ng pisara, at anyayahan ang mga bata na isulat sa ilalim ng bawat heading ang mga bagay na magagawa nila para maging higit na katulad ng mga tao ni Enoc. Pagkatapos nilang magbahagi, itanong sa mga bata kung paano nila gagawing higit na katulad ng Sion ang kanilang tahanan. Maaari silang makakita ng ilang ideya sa 4 Nephi 1:15–18.

  • Hilingin sa mga bata na bilangin kung ilang beses lumabas ang salitang “Sion” sa Moises 7:18–21, 62–63, 68–69. Tuwing lalabas ang salitang ito, tulungan ang mga bata na tukuyin kung ano ang sinasabi ng talata tungkol sa Sion (tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Zion,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Paano tayo magiging higit na katulad ng mga tao na inilarawan sa mga talatang ito?

  • Gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito upang matulungan ang mga bata na mag-isip ng mga paraan para sila ay maging “isang puso at isang isipan” (tingnan sa Moises 7:18).

Moises 7:28–37

Ang Diyos ay tumatangis para sa Kanyang mga anak.

Paano mo matutulungan ang mga bata na malaman na nagmamalasakit ang Diyos sa atin at sa ating mga kilos?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Itanong sa mga bata kung ano ang maaaring magpaiyak sa Diyos (tingnan sa Moises 7:28–31). Anyayahan ang mga bata na saliksikin ang Moises 7:32–33, 37 para sa mga sagot. Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa nadarama ng Diyos para sa Kanyang mga anak? Paano natin malalaman na mahal tayo ng Diyos? Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa atin.

  • Maghagis ng isang bean bag o bola sa isang bata. Hilingin sa kanya na tapusin ang pariralang “Mapapasaya ko ang Diyos sa pamamagitan ng …” at pagkatapos ay ihagis ang bean bag o bola sa isa pang bata. Ulitin hanggang sa ang bawat bata ay nagkaroon ng pagkakataon.

Moises 7:60–67

Si Jesucristo ay paparitong muli sa mga huling araw.

Habang binabasa mo ang tungkol sa Ikalawang Pagparito sa Moises 7:60–67, isipin kung paano ito ituturo sa mga bata sa masayang paraan.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin nang sabay-sabay ang Moises 7:60–67, at tulungan ang mga bata na tukuyin ang mga sinabi ng Panginoon na mangyayari sa mga huling araw. Tanungin sila kung alin sa mga pangyayaring ito ang inaasam nila at bakit.

  • Anyayahan ang mga bata na magbahagi tungkol sa isang pagkakataon na naghintay sila sa isang tao na bumisita o umuwi ng bahay. Ano ang naramdaman ng mga bata? Ano ang ginawa nila para makapaghanda? Paano tayo makapaghahanda na makitang muli si Jesus?

  • Magpakita ng larawan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas (para sa halimbawa, tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 66). Magpadrowing sa mga bata ng sarili nilang mga larawan ng Ikalawang Pagparito, batay sa nabasa nila sa Moises 7:60–67.

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Paano mo mahihikayat ang mga bata at ang kanilang mga magulang na patuloy na matuto sa tahanan mula sa Lumang Tipan? Halimbawa, maaaring magbahagi ang mga bata ng isang bagay na idinrowing o kinulayan nila sa Primary bilang bahagi ng isang home evening lesson.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga bata na maging aktibo. “Kapag nagtuturo ka sa mga bata, hayaan mo silang bumuo, magdrowing, magkulay, magsulat, at lumikha. Ang mga bagay na ito ay higit pa sa masasayang aktibidad—mahalaga ang mga ito sa pagkatuto” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).