Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 1–7. Alma 5–7: “Inyo bang Naranasan ang Malaking Pagbabagong Ito sa Inyong mga Puso?”


“Hunyo 1–7. Alma 5–7: ‘Inyo bang Naranasan ang Malaking Pagbabagong Ito sa Inyong mga Puso?’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Hunyo 1–7. Jacob 5–7,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2020

si Jesus na may hawak na tupa

Ye Are Not Forgotten, ni Jon McNaughton

Hunyo 1–7

Alma 5–7

“Inyo bang Naranasan ang Malaking Pagbabagong Ito sa Inyong mga Puso?”

Habang binabasa mo ang Alma 5–7, isipin ang mga miyembro ng klase mo na ipinamumuhay ang mga turo sa mga kabanatang ito. Mag-isip ng mga paraan na matutulungan mo silang makilahok sa talakayan ninyo sa Linggo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Maglaan ng ilang minuto para alalahanin ng mga miyembro ng klase ang nabasa nila sa Alma 5–7 at hanapin ang katotohanang gusto nilang ibahagi sa klase. Pagkatapos ay hilingin na ibahagi nila ito sa kanilang katabi.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Alma 5:14–33

Kailangan nating maranasan—at patuloy na madama—ang malaking pagbabago ng puso.

  • Inanyayahan ang mga miyembro ng klase na pag-isipan ang mga tanong sa Alma 5:14–33 sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Maaari kang magpasimula ng talakayan tungkol sa mga talatang ito sa paghiling sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung anong mga tanong mula sa mga talatang ito ang makabuluhan sa kanila. Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na maggrupu-grupo para rebyuhin ang Alma 5:14–33 at tuklasin ang kahulugan ng makaranas ng pagbabago ng puso sa pamamagitan ng Tagapagligtas at ng Kanyang Pagbabayad-sala. Maaari din nilang hanapin ang mga pagpapalang nagmumula sa isang pusong nagbago. Anong iba pang mga metapora ang ginamit para ilarawan ang pagbabagong inilalarawan ni Alma? (Halimbawa, tingnan sa Juan 3:1–7; II Mga Taga Corinto 5:17; Dale G. Renlund, “Pagpepreserba ng Malaking Pagbabago ng Puso,Ensign o Liahona, Nob. 2009, 97–99.) Paano natin mapapanatili ang pagbabago ng puso sa buong buhay natin? (tingnan sa Alma 5:26).

    batang babaeng nagdarasal sa tabi ng higaan

    Kapag bumaling tayo sa Diyos, makadarama tayo ng “pagbabago ng puso.”

Alma 5:44–51

Magkakaroon tayo ng sariling patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

  • Tulad ni Alma, ang mga miyembro ng klase mo ay nagkaroon na ng sarili nilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Para malaman nila kung ano ang ginawa ni Alma para matanggap ang kanyang patotoo sa pamamagitan ng Espiritu, maaari kang mamigay ng mga piraso ng papel na may nakasulat na salitang Patotoo sa bandang itaas. Maaaring magpares-pares ang mga miyembro ng klase para rebyuhin ang Alma 5:44–51 at gamitin ang natutuhan nila sa mga talatang ito para sumulat ng isang “resipe” para sa patotoo. Halimbawa, ang “mga sangkap” ng resipe ay maaaring ang mga katotohanang bumubuo sa ating patotoo. Ang “mga panuto” o tagubilin para sa resipe ay maaaring ang mga bagay na kailangan nating gawin para magkaroon ng patotoo. (Tingnan ang mensahe ni Elder Dieter F. Uchtdorf sa “Karagdagang Resources” para sa ilang ideya.) Anong “mga sangkap” at “mga panuto” ang maaari nilang idagdag sa kanilang resipe mula sa sarili nilang mga karanasan o sa iba pang mga karanasan sa mga banal na kasulatan? Sabihin sa magkakapares na ibahagi ang natutuhan nila at ang ginagawa nila para anyayahan ang Espiritu Santo na patotohanan ang katotohanan sa kanila.

Alma 6

Nagtitipon tayo bilang mga Banal upang marinig ang salita ng Diyos at gawin ang Kanyang gawain.

  • Para maipaalala sa mga miyembro ng klase ang kahalagahan ng pagtitipon bilang isang grupo ng mga Banal, maaari mo silang anyayahang isipin na kunwari’y may isa silang kakilala na nakadarama na ang mapabilang sa isang simbahan ay hindi kailangan. Ano ang maaari nilang ibahagi mula sa Alma 6 para ituro sa taong ito ang ilan sa mga pagpapala ng pagiging kabilang sa isang simbahan? Paano natin higit na maisasakatuparan ang mga layunin ng pagtitipon na inilarawan ni Alma?

Alma 7:7–16

Dinala ng Tagapagligtas sa Kanyang sarili ang ating mga kasalanan, pasakit, at paghihirap.

  • Maaaring may mga tao sa klase mo na kailangang malaman kaagad kung ano ang itinuturo sa Alma 7:7–16—na dinala ng Tagapagligtas sa Kanyang sarili hindi lamang ang ating mga kasalanan kundi maging ang ating mga pasakit, paghihirap, karamdaman, at sakit. Paano mo sila tutulungang tuklasin ito? Marahil ay maaari kang gumawa ng isang tsart sa pisara na may mga heading na Ang pinagdusahan ng Tagapagligtas at Bakit Siya nagdusa. Maaaring kumpletuhin ng klase ang tsart matapos basahin ang Alma 7:7–16. Maaari ding makatulong na isipin ang iba pang mga bagay na pinagdusahan ng Tagapagligtas noong Siya ay nabubuhay (tingnan ang halimbawa sa “Karagdagang Resources”).

  • Matapos talakayin ang itinuro ni Alma sa Alma 7:7–16, marahil ay maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga karanasan nang sinaklolohan sila ng Tagapagligtas, na ibig sabihin ay tinulungan Niya sila (tingnan sa “Karagdagang Resources” para sa mga halimbawa ng mga paraan na sinasaklolohan tayo ni Jesus). Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na sipi mula kay Pangulong Dallin H. Oaks: “Inihayag ng ating Tagapagligtas na Siya ay “nagpakababa-baba sa lahat ng bagay” (D at T 88:6). … Masasabi pa nga natin na dahil Siya ay nagpakababa-baba sa lahat ng ito, nasa tamang-tamang lugar Siya para iangat tayo at bigyan tayo ng lakas na kailangan natin para matiis ang ating mga paghihirap. Humingi lang tayo” (“Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 64).

  • Ipinahayag ni Alma na ang pagparito ng Manunubos ay “higit na mahalaga kaysa sa” ano pa mang bagay. Marahil ay maaaring isipin ng mga miyembro ng klase na kunwari’y nasa isang history class sila at tinatalakay ang pinakamahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Anong mga talata mula sa Alma 7 ang ibabahagi nila para suportahan ang sinabi ni Alma sa talata 7? Ano ang ipinayo ni Alma sa kanyang mga tao na makakatulong sa atin na maghanda para sa pagparito ng Tagapagligtas?

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na basahin ang Alma 8–12, maaari mong sabihin sa kanila na ang mga kabanatang ito ay nagkukuwento tungkol sa dalawang lalaki. Ang isa ay walang pakialam sa Simbahan at ang isa naman ay isang masigasig na mang-uusig, ngunit pareho silang naging matapang na tagapagtanggol ng pananampalataya.

icon ng resources

Karagdagang Resources

Pagkakaroon ng sarili nating patotoo.

Ibinigay ni Elder Dieter F. Uchtdorf ang sumusunod na huwaran sa banal na kasulatan para “[matanggap] ang personal na patotoong nag-ugat sa pagsaksi ng Espiritu Santo”:

Una: Hangaring maniwala. Hinihikayat tayo sa Aklat ni Mormon: ‘Kung kayo ay gigising at pupukawin ang inyong kaisipan, maging sa isang pagsubok sa aking mga salita, at gagamit ng kahit bahagyang pananampalataya, … kahit na wala kayong higit na nais kundi ang maniwala’ (Alma 32: 27). … pinangakuan tayo ng tulong ng Diyos kahit ninais lang nating maniwala, pero dapat itong maging tunay at hindi pakunwaring pagnanais.

Ikalawa: Saliksikin ang mga banal na kasulatan. Magtanong; pag-aralan ang mga ito; saliksikin ang mga sagot sa mga banal na kasulatan. Muli, may magandang payo sa Aklat ni Mormon para sa atin: ‘Kung kayo ay magbibigay-puwang, na ang binhi ay maitanim sa inyong mga puso’ sa masipag na pag-aaral ng salita ng Diyos, ang mabuting binhi ‘ay magsisimulang lumaki sa loob ng inyong mga dibdib’ kung hindi kayo mawawalan ng paniniwala. Ang mabuting binhing ito ay ‘[sisimulang] palakihin ang [inyong] kaluluwa’ at ‘liwanagin ang [inyong] pang-unawa’ (Alma 32:28).

Ikatlo: Gawin ang kalooban ng Diyos; sundin ang mga utos. … Kailangan nating lumapit kay Cristo at sundin ang Kanyang mga turo. Itinuro ng Tagapagligtas: ‘Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. Kung ang sino mang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo’ [Juan 7:16–17; idinagdag ang italics]. …

Ikaapat: Magbulay-bulay, mag-ayuno, at manalangin. Para tumanggap ng kaalaman mula sa Espiritu Santo, dapat natin itong hilingin sa Ama sa Langit [tingnan sa Alma 5:45–46; Moroni 10:3–4]” (“Ang Bisa ng Personal na Patotoo,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 38–39).

Ano ang pinagdusahan ni Jesucristo?

Anong iba pang mga paghihirap ang naranasan ng Tagapagligtas?

Paano tayo sinasaklolohan ni Jesucristo?

  • Pinatatawad ang ating mga kasalanan at inaalis ang pagkakasala (tingnan sa Enos 1:5–6)

  • Pinalalambot ang puso ng iba (tingnan sa Mosias 21:15)

  • Pinalalakas tayo para madala natin ang ating mga pasanin (tingnan sa Mosias 24:14–15)

  • Pinagagaling tayo sa ating mga sakit (tingnan sa 3 Nephi 17:6–7)

  • Ginagawa ang mahihinang bagay na maging malalakas at inaaliw tayo (tingnan sa Eter 12:27–29)

  • Tinutulungan tayong makita ang mga paghihirap sa tamang pananaw (tingnan sa D at T 121:7–10)

Sa anong iba pang mga paraan tayo natulungan ni Jesus?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Humusay bilang isang guro na katulad ni Cristo. Bilang guro, mahalagang mag-isip ng mga paraan na matutulungan mo ang mga mag-aaral na magkaroon ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Isiping gamitin ang mga tanong sa personal na pagsusuri sa pahina 37 ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas na nakahikayat sa inyo.