Lumang Tipan 2022
Pebrero 28–Marso 6. Genesis 28–33: “Tunay na ang Panginoon ay Nasa Dakong Ito”


“Pebrero 28–Marso 6. Genesis 28–33: ‘Tunay na ang Panginoon ay Nasa Dakong Ito,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Pebrero 28–Marso 6. Genesis 28–33,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
Tijuana Mexico Temple

Pebrero 28–Marso 6

Genesis 28–33

“Tunay na ang Panginoon ay Nasa Dakong Ito”

Habang naghahanda kang magturo, mapanalanging pag-isipan kung aling mga alituntunin sa Genesis 28–33 ang lubos na makakatulong sa mga miyembro ng klase mo. Ang sumusunod na mga ideya ay sinadya para idagdag sa iyong personal na pag-aaral at inspirasyon.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ang isang pagpapala ng matipon sa isang klase sa Sunday School ay ang pagkakataon na matulungan ng mga miyembro ang isa’t isa na maunawaan ang mga banal na kasulatan. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na ibahagi sa isang katabi sa upuan kung ano ang itinuro sa kanila ng Espiritu Santo nang pag-aralan nila ang mga banal na kasulatan sa linggong ito. Maaari mong anyayahan ang ilan na ibahagi sa klase ang tinalakay nila. Maaaring lumikha ito ng isang magandang panimula para sa inyong talakayan sa klase.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Genesis 28:10–22

Nakikipagtipan tayo sa Diyos sa templo.

  • Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na makahanap ng kahulugan sa karanasan ni Jacob sa Bethel, tulad ng inilarawan sa Genesis 28:10–22? Maaari silang magsimula sa pagrebyu sa Genesis 27:41–45; 28:1–5 at pag-iisip tungkol sa buhay ni Jacob noong panahong iyon. Ano kaya ang nadarama ni Jacob? Pagkatapos ay maaaring saliksikin ng mga miyembro ng klase ang Genesis 28:10–22. Paano napagpala si Jacob ng karanasang ito? Paano kaya siya napanatag? Paano kaya tayo mahihikayat ng karanasan ni Jacob sa ating pagsamba sa templo? Maaari ring kantahin, basahin, o pakinggan ng klase ang “Sa Inyo, Aking Diyos, Lumalapit,” na batay sa mga talatang ito (Mga Himno, blg. 55). Maaari silang magbahagi ng mga parirala mula sa awitin o mula sa Genesis 28:10–22 na nagpapaalala sa kanila ng mga karanasan nila sa pagsisikap na mas mapalapit sa Tagapagligtas.

  • Ang hagdan na nakita ni Jacob sa kanyang panaginip ay madalas ikumpara sa mga tipan sa templo. Maaari ka sigurong magpakita o magdrowing ng larawan ng isang hagdan at isang templo. Maaaring rebyuhin ng mga miyembro ng klase ang Genesis 28:10–22 at pag-usapan kung ano ang itinuturo sa atin ng hagdan sa panaginip ni Jacob tungkol sa templo. Ano pa ang nakikita natin sa mga talatang ito na nagpapaalala sa atin ng mga pagpapalang natatanggap natin dahil sa ating mga tipan sa templo? (Tingnan ang “About the Temple Endowment” at ang “About a Temple Sealing” [temples.ChurchofJesusChrist.org].)

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na pagnilayan ang mga pangako ng tipang Abraham, na pinanibago ng Panginoon kay Jacob, maaari mo silang anyayahang basahin ang Genesis 28:10–15 at pag-usapan kung paano natin matatanggap ang mga pagpapalang ito ngayon (tingnan din sa Genesis 12:2–3). Maaari din nilang basahin ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa “Karagdagang Resources,” na inaalam ang mga pagpapalang nagmumula sa paggawa at pagtupad ng mga tipan. Paano napagpala si Jacob sa pagtanggap ng mga pangakong matatagpuan sa Genesis 28:10–15? Anong mga koneksyon ang nakikita natin sa pagitan ng mga pangyayari sa mga talatang ito at sa mga pangyayari sa Genesis 29 at 30 (ikakasal si Jacob at ang pagsilang ng kanyang anak)? Paano tayo pinagpapala ng Panginoon kapag gumagawa at tumutupad tayo ng mga sagradong tipan?

Larawan
sina Jacob at Esau na magkayakap

Paglalarawan kina Jacob at Esau na magkayakap, ni Robert T. Barrett

Genesis 32–33

Matutulungan tayo ng Tagapagligtas na madaig ang pagtatalo sa ating pamilya.

  • Ang Genesis 32–33 ay maaaring makahikayat sa mga miyembro ng klase na nais magkaroon ng kagalingan sa mga relasyon nila sa pamilya. Maaaring makatulong na hilingin sa isang miyembro ng klase na ibuod nang maikli ang mga pangyayaring nakatala sa Genesis 27. May mga tanong sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na pagninilayan habang pinag-aaralan ang Genesis 32–33. Marahil ang mga miyembro ng klase ay maaaring pumili ng isa sa mga tanong na ito at humanap ng mga sagot sa mga kabanata. Maaaring handa rin silang magbahagi ng mga karanasan nila sa pagpapalakas sa mga di-magandang relasyon sa kanilang pamilya. Hikayatin silang pag-usapan kung paano sila tinulungan ng Ama sa Langit.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Tayo ay mga anak ng tipan.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

“Sa binyag nakikipagtipan tayo na maglilingkod sa Panginoon at susundin ang Kanyang mga kautusan. Kapag nakikibahagi tayo ng sakramento, sinasariwa natin ang tipan at ipinahahayag ang kahandaan nating taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo. Dahil dito tayo ay inampon bilang Kanyang mga anak at kilala bilang magkakapatid. Siya ang ama ng ating bagong buhay. Sa huli, sa banal na templo, maaari tayong maging kapwa mga tagapagmana sa mga pagpapala ng walang-hanggang pamilya, gaya ng minsang ipinangako kina Abraham, Isaac, Jacob, at sa kanilang mga inapo. Dahil dito, ang selestiyal na kasal ay ang tipan ng kadakilaan.

“Kapag natatanto natin na tayo ay mga anak ng tipan, nalalaman natin kung sino tayo at ano ang inaasahan ng Diyos sa atin. Ang Kanyang batas ay nasusulat sa ating mga puso. Siya ang ating Diyos at tayo ang Kanyang mga tao. Ang matatapat na anak ng tipan ay nananatiling matatag, maging sa gitna ng kagipitan. Kapag ang doktrina ay nakatanim na mabuti sa ating mga puso, maging ang tibo ng kamatayan ay madaling tiisin at ang ating espiritu ay lalong tumitibay” (“Mga Tipan,” Liahona, Nob. 2011, 88).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga mag-aaral na kumilos ayon sa mga pahiwatig. “Ang tunay na pagbabalik-loob ay hindi lang pagdama sa pagpapatibay ng Espiritu sa katotohanan sa ating kaluluwa; kailangan din tayong kumilos ayon sa mga katotohanang ito. Bukod sa pagtulong sa mga mag-aaral na madama at makilala ang Espiritu, tulungan silang kumilos ayon sa mga pahiwatig na natatanggap nila” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 10).

Print