Seminary
Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75: Buod


“Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75

Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75

Buod

Habang isinasalin ang Aklat ni Mormon, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay may tanong tungkol sa pagbibinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Nagtanong sila sa Panginoon. Bilang tugon sa kanilang tanong, nagpakita si Juan Bautista at ipinanumbalik niya ang Aaronic Priesthood. Ang pagpapanumbalik ng priesthood ay nagpatuloy pagkaraan ng ilang linggo nang ipanumbalik nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood. Nang matapos na ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon, tatlong indibiduwal ang pinili upang makita ang mga laminang ginto. Nakita nina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris ang anghel na si Moroni at ang mga laminang ginto sa isang pangitain. Narinig din nila ang tinig ng Panginoon na nagpapahayag na ang Aklat ni Mormon ay totoo.

icon ng training Tulungan ang mga estudyante na magtuon kay Jesucristo: Kapag tinulungan mo ang mga estudyante na isentro ang kanilang pag-aaral ng ebanghelyo kay Jesucristo, mapapalakas ng Espiritu Santo ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa Tagapagligtas. Magtanong ng mga bagay na tutulong sa mga estudyante na maghanap ng katibayan ng Kanyang kapangyarihan, awa, at nagbabayad-salang misyon. Sabihin sa mga estudyante na isulat o ibahagi ang nadarama nila para sa Kanya. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na pinamagatang “Doktrina at mga Tipan 14.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–75; Doktrina at mga Tipan 13

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagpapanumbalik ng awtoridad ng priesthood ng Tagapagligtas

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga detalye o tanong nila tungkol sa pagpapanumbalik ng priesthood. Maaari silang maghanda sa pamamagitan ng pagbabasa ng teksto na nasa larawan 5, ang “Ilog Susquehanna,” ng kasaysayan ng Simbahan na matatagpuan sa katapusan ng triple combination o sa bahaging “Mga Tulong sa Pag-aaral” ng Gospel Library.

  • Video:Mga Espirituwal na Kayamanan” (18:07; panoorin mula sa time code na 3:00 hanggang 3:51)

Doktrina at mga Tipan 14

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maging masunurin at magtiis hanggang wakas sa pamamagitan ng nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng Tagapagligtas

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na maghanap ng alituntunin na maipamumuhay nila mula sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang ilan sa resources sa pag-aaral sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

  • Video: Bukas ay Gagawa ng mga Kababalaghan ang Panginoon sa Inyo” (19:18; panoorin mula sa time code na 15:08 hanggang 16:21)

Doktrina at mga Tipan 17

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalakas ang sarili nilang patotoo sa Aklat ni Mormon habang pinag-aaralan nila ang mga patotoo ng Tatlong Saksi

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magsaliksik sa ChurchofJesusChrist.org para sa impormasyon tungkol sa Tatlong Saksi ng Aklat ni Mormon at dumating sa klase na handang ibahagi ang nalaman nila.

  • Mga Materyal: Isang bag at isang bagay (ang bag ay dapat makapagtago ng isang bagay na makikita at mailalarawan ng ilang estudyante sa klase)

  • Mga Video:Isang Araw para sa mga Kawalang-Hanggan” (23:09; panoorin mula sa time code na 15:01 hanggang 17:55); “An Enduring Testimony of the Mission of the Prophet Joseph” (17:32; panoorin mula sa time code na 4:18 hanggang 5:43)