Lesson 24—Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–75; Doktrina at mga Tipan 13: Ang Pagpapanumbalik ng Priesthood
“Lesson 24—Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–75; Doktrina at mga Tipan 13: Ang Pagpapanumbalik ng Priesthood,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–75; Doktrina at mga Tipan 13,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 24—Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75
Habang ginagawa ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon, nalaman nina Joseph Smith at Oliver Cowdery na pinagkalooban ni Jesucristo ang mga Nephita ng awtoridad na magbinyag. Habang mapanalangin nilang hinangad na marami pang malaman, sina Joseph at Oliver ay dinalaw ni Juan Bautista at kalaunan ay nina Pedro, Santiago, at Juan, na isinugo upang ipanumbalik ang awtoridad ng priesthood sa lupa. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagpapanumbalik ng awtoridad ng priesthood ng Tagapagligtas.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ipinagkakaloob ng Tagapagligtas ang Kanyang awtoridad
Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa mga pangyayaring ipinapakita sa mga larawang ito?
Paano kaya maiiba ang inyong buhay kung walang awtoridad ng priesthood ng Tagapagligtas?
Sa isang mensaheng ibinigay sa kababaihan ng Simbahan, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang kahalagahan ng pagpapanumbalik ng priesthood sa ating buhay:
2:3
Inaasam ko na mauunawaan ninyo na ang panunumbalik ng priesthood ay mahalaga hindi lamang sa kalalakihan kundi sa inyo ring kababaihan. Dahil naipanumbalik na ang Melchizedek Priesthood, ang kababaihan at kalalakihan na tumutupad ng tipan ay maaaring mapagkalooban ng “lahat ng pagpapalang espirituwal ng simbahan” o, masasabi nating, ng lahat ng mga espirituwal na kayamanan na inilalaan ng Panginoon sa Kanyang mga anak.
Bawat babae at bawat lalaki na nakikipagtipan sa Diyos at tumutupad sa mga tipang iyon, at karapat-dapat na nakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood, ay matatanggap mismo ang kapangyarihan ng Diyos. (Russell M. Nelson, “Mga Espirituwal na Kayamanan,”Liahona, Nob. 2019, 77)
Pagpapanumbalik ng priesthood
Habang isinasalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aklat ni Mormon, nalaman nila ang tungkol sa pagkakaloob ni Jesucristo ng awtoridad sa mga Nephita na magsagawa ng mga pagbibinyag (tingnan sa 3 Nephi 11:18–27). Sa pagnanais na malaman pa ang tungkol sa awtoridad na ito, sina Joseph at Oliver ay nagtungo sa kakahuyan malapit sa Ilog ng Susquehanna at nanalangin.
Anong mga pagpapala ang ibinibigay ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga susi ng Aaronic Priesthood?
Pagkatapos ng pagdalaw ni Juan Bautista, isinugo ng Tagapagligtas sina Pedro, Santiago, at Juan upang ipanumbalik ang Melchizedek Priesthood sa lupa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 27:12; 128:20). Noong 1836, tumanggap si Joseph Smith ng mga karagdagang susi ng priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110:11–16). Bawat pangyayari ay humantong sa karagdagang pagtanggap ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng mga ordenansa ng priesthood.
Anong mga ordenansa ang natanggap natin sa pamamagitan ng priesthood ng Panginoon?
Pakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood
Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:73–74, at alamin kung paano nakaapekto kina Joseph at Oliver ang pakikibahagi nila sa mga ordenansa ng binyag at ordenasyon sa priesthood.
Anong katibayan ang nakikita ninyo na ang mga ordenansang ito ay nagbigay kina Joseph at Oliver ng higit na kakayahang matamo ang kapangyarihan ng Diyos?
Paano nakatulong sa inyo ang pakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood para mas matamo ninyo ang kapangyarihan ng Diyos?