“Doktrina at mga Tipan 23–26: Buod” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan, (2025)
“Doktrina at mga Tipan 23–26,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 23–26
Doktrina at mga Tipan 23–26
Buod
Sa mga araw at buwan matapos maitatag ang Simbahan ng Tagapagligtas, hinangad ng mga miyembro ng pamilya ni Joseph Smith at ng iba pa na malaman ang kalooban ng Diyos para sa kanila. Nagtanong si Joseph sa Panginoon at tumanggap siya ng paghahayag para sa bawat isa sa kanila. Tinagubilinan din ng Panginoon si Joseph kung paano niya mapamumunuan ang Simbahan at maitataguyod ang kanyang pamilya. Inihayag ng Panginoon ang kanyang kalooban para kay Emma Smith. Tinawag siyang hinirang na babae na may mga tungkuling panatagin ang kanyang asawa, maging tagasulat, ipaliwanag ang mga banal na kasulatan, payuhan ang simbahan, at gumawa ng koleksyon ng mga sagradong himno.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 23–24
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama na kilala sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at magbibigay ng patnubay para sa kanilang personal na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang isang mabuting hangarin nila (magmisyon, maglingkod sa kanilang komunidad, makasal sa templo, atbp.). Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano sila makatatanggap ng payo ng Panginoon na may kaugnayan dito.
-
Mga Materyal: Mga kopya ng handout na “Doktrina at mga Tipan 23–24. Payo mula sa Panginoon”
-
Video: “Heavenly Father Knows Me” (3:18)
Doktrina at mga Tipan 25, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga paraan na maaari silang maging higit na katulad ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nakapaglingkod sila sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Ano sa palagay nila ang mahalaga tungkol sa kanilang karanasan?
-
Nilalamang ipapakita: Isang larawan ni Emma Smith
Doktrina at mga Tipan 25, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na hangarin ang mga pagpapala ng Panginoon at isantabi ang mga bagay ng mundo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kausapin ang isang magulang o lider ng simbahan tungkol sa kung anong mga makamundong bagay ang isinuko nila para sundin ang Panginoon.
-
Mga Materyal: Isang lalagyang sapat ang laki para maglaman ng iba’t ibang bagay na maaaring kumatawan sa mga interes ng mga estudyante, tulad ng bola ng soccer, isang notebook sa paaralan, isang maliit na instrumento sa musika, mga banal na kasulatan, atbp.
-
Mga Video: “The Joy of Redeeming the Dead”(16:36) mula sa time code na 6:42 hanggang 7:44; “Covenants” (14:19) mula sa time code na 11:45 hanggang 13:46; “Why Does God Give us Commandments?” (0:39)