Seminary
Doktrina at mga Tipan 60–63: Buod


“Doktrina at mga Tipan 60–63: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 60–63,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 60–63

Doktrina at mga Tipan 60–63

Buod

Matapos maglingkod si Propetang Joseph Smith at ang ilan sa mga elder ng Simbahan sa mga Banal sa Missouri noong tag-init ng 1831, dumating ang panahon para maglakbay pabalik sa Ohio. Ang mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 60–62 ay naglalaman ng payo ng Panginoon na tutulong sa mga elder sa kanilang paglalakbay. Sa Doktrina at mga Tipan 63, itinama ng Panginoon ang maling pag-uugali ng mga Banal sa Ohio.

icon ng trainingMagtuon sa mga alituntuning nagpapabalik-loob: Tulungan ang mga estudyante na matuklasan ang doktrina at mga alituntunin na makaiimpluwensya sa kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hikayatin silang suriin kung paano mapapalalim ng mga katotohanang ito ang kanilang pagbabalik-loob at kung paano sila nito matutulungang kumilos nang may pananampalataya. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagturo ng mga Katotohanang Humahantong sa Pagbabalik-loob at Nagpapalakas ng Pananampalataya” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 60–62.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 60–62

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan pa ang mga inaasahan at ninanais ng Tagapagligtas para sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon sa kanilang buhay kung saan maaaring umasa sila sa impluwensya ng Espiritu Santo at sa sarili nilang paghatol para gumawa ng desisyon. Sabihin sa kanila na isipin kung paano sila pinagpala ng Panginoon sa mga sitwasyong ito.

  • Nilalamang ipapakita: Mga sitwasyon sa simula ng lesson; ang chart para sa aktibidad sa pag-aaral

Doktrina at mga Tipan 63:1–23

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng personal na pagsunod sa batas ng Panginoon sa kalinisang-puri.

Doktrina at mga Tipan 63:57–64

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng paggamit ng pangalan ng Tagapagligtas nang may pagpipitagan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 63:57–64, at alamin ang mga turo tungkol kay Jesucristo na maaaring makaapekto sa paraan ng pagsasalita nila tungkol sa Kanya.