Lesson 74—Doktrina at mga Tipan 60–62: “Pakinggan ang Tinig Niya na Nagtataglay ng Lahat ng Kapangyarihan”
“Lesson 74—Doktrina at mga Tipan 60–62: ‘Pakinggan ang Tinig Niya na Nagtataglay ng Lahat ng Kapangyarihan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 60–62,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Pakinggan ang Tinig Niya na Nagtataglay ng Lahat ng Kapangyarihan”
Noong Agosto 1831, mapagmahal na tinagubilinan ng Tagapagligtas ang isang grupo ng mga elder sa kanilang mahirap na paglalakbay mula Missouri patungong Ohio. Ang Kanyang payo ay nakatulong sa mga elder na maunawaan ang Kanyang mga inaasahan at ninanais para sa kanila habang naglalakbay sila pauwi. Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan pa ang mga inaasahan at ninanais ng Tagapagligtas para sa kanila.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga Desisyon
Ipagpalagay na nahihirapan ang dalawa sa malalapit mong kaibigan sa pagdedesisyon sa magkaibang paraan. Bihirang humingi ng tulong o patnubay ang isang kaibigan mula sa Diyos at sinusubukan niyang gawin ang karamihan ng mga desisyon nang mag-isa. Ang isa pang kaibigan ay nanalangin para mapatnubayan at nag-aalangang kumilos sa anumang desisyon hanggang hindi niya natitiyak na sinagot siya ng Panginoon.
Ano ang ilang dahilan kung bakit nadarama ng bawat kaibigan ang nadarama niya?
Ano ang ilang maling pag-unawa na nakikita mo sa dalawang sitwasyon?
Noong Agosto 1831, nagsimulang maglakbay si Joseph Smith at ang ilang elder nang mahigit 800 milya (1,287 km) patungo sa kanilang mga tahanan sa Kirtland, Ohio. Ginugol nila ang nakaraang ilang linggo sa Missouri, kung saan iniutos sa kanila ng Panginoon na pagsikapang itayo ang lunsod ng Sion. Habang naglalakbay pauwi, may mga tanong ang grupo tungkol sa paraan at direksyon nila sa paglalakbay. Para sa ilang desisyon, hinikayat sila ng Panginoon na gamitin ang kanilang pinakamahusay na paghatol at magpasiya para sa kanilang sarili. Para sa iba pang mga desisyon, nagbigay Siya ng mga partikular na tagubilin at kautusan na gagabay sa kanila.
Anong mga pagkakaiba ang napansin mo sa mga talatang ito sa kung ano ang mahalaga sa Panginoon at kung ano ang hindi?
Ano ang ilang paraan na magagamit mo ang mga turo ng Panginoon sa mga talatang ito sa mga sitwasyong kinakaharap mo sa iyong buhay?
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 62:8, at alamin ang payo ng Panginoon na makatutulong sa atin kapag kailangan nating gumawa ng mga desisyon nang walang partikular na patnubay.
Sa iyong palagay, bakit mahalagang magtiwala sa ating paghatol pati na rin sa mga patnubay ng Espiritu kapag nagdedesisyon tayo?
Paano tayo matutulungan ng katotohanang ito sa mga desisyong may kaugnayan sa ating mga pamantayan o pinahahalagahan?
Nagturo ang Tagapagligtas tungkol sa Kanyang Sarili
Sa paglalakbay patungong Ohio, nakaranas ang mga elder ng kawalang-katiyakan, pagod, at ilang nakatatakot na sitwasyon. Nagkaroon din sila ng mga di-pagkakasundo at pag-aaway. Para matulungan sila, nagbahagi ang Tagapagligtas ng maraming mahahalagang turo tungkol sa Kanyang sarili. Ang mga turong ito ay makatutulong sa atin na mas maunawaan kung sino Siya at kung ano ang magagawa Niya para sa atin.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 60:1–4; 61:1–2, 36–39; 62:1–3, 9. Pagtuunan ng pansin ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga talatang ito. Isulat ang mga natuklasan mo sa iyong study journal.
Ano ang nakita mo na maaaring nakatulong sa mga elder na ito sa kanilang paglalakbay?
Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas na makatutulong sa iyo o sa iba sa buhay?