Seminary
Doktrina at mga Tipan 137–138: Buod


“Doktrina at mga Tipan 137–138: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 137–138,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 137–138

Doktrina at mga Tipan 137–138

Buod

Ang plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit ay nagkakaloob ng kaligtasan sa lahat ng Kanyang anak. Noong 1836, ipinakita ng Panginoon kay Joseph Smith ang isang pangitain tungkol sa kahariang selestiyal. Noong 1918, nakakita si Pangulong Joseph F. Smith ng isang pangitain tungkol sa ministeryo ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu.

icon ng training Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila. Tutulungan sila nito na maisapuso at maipahayag ang mga katotohanang itinuturo sa kanila at makatutulong ito sa kanila na magkaroon ng tiwala sa kanilang mga kakayahang ibahagi ang mga katotohanan sa iba pang sitwasyon. Para sa karagdagang kaalaman sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Ibahagi ang mga Katotohanang Natutuhan Nila” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Makakakita ka rin ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 1.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 137

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang pagpapahalaga sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nagkakaloob ng kaligtasan ang plano ng kaligayahan sa mga anak ng Ama sa Langit, maging sa mga yaong hindi tumatanggap nito sa mortalidad.

  • Mga Video:Joseph Smith: The Prophet of the Restoration(1:02:04; panoorin mula sa time code na 2:05 hanggang 4:21 o 11:57 hanggang 15:22, o pareho); “And a Little Child Shall Lead Them” (16:55; panoorin mula sa time code na 4:40 hanggang 6:00)

Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nagkakaloob ng kaligtasan ang Tagapagligtas sa mga anak ng Ama sa Langit sa daigdig ng mga espiritu.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang kanilang nalalaman at hindi nalalaman tungkol sa kung ano ang nangyayari sa mga anak ng Ama sa Langit pagkatapos nilang mamatay.

  • Video:Ang Pangitain ng Pagtubos sa mga Patay” (15:20; panoorin mula sa time code na 8:39 hanggang 10:33)

Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mahikayat na makibahagi sa gawain sa templo at family history.