“Lesson 153—Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 2: ‘Inihanda upang Bumangon sa Takdang Panahon ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Bilang bahagi ng kanyang pangitain tungkol sa daigdig ng mga espiritu, nakita ni Pangulong Joseph F. Smith ang marami sa marangal at dakilang espiritu ng Ama sa Langit. Nakita niya ang mga sinaunang propeta na tapat na nagsagawa ng gawain ng Panginoon. Nakita rin niya ang iba pa na inilaan ng Panginoon na isisilang sa mga huling araw upang magtayo ng mga templo at magsagawa ng mga ordenansa para sa mga patay. Ang ganitong mga ordenansa ay nagiging posible sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mahikayat na makibahagi sa gawain sa templo at family history.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang aking mahalagang gawain
Ang mga sumusunod na pahiwatig ay makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang mahalagang gawaing ipinapagawa sa kanila ng Ama sa Langit. Pagkatapos magnilay at magsulat, maaaring ibahagi ng mga handang estudyante ang kanilang mga sagot.
Ang ilan sa pinakamahahalagang bagay na nagawa ko sa aking buhay ay …
Kabilang sa ilan sa pinakamahahalagang bagay na maaari kong gawin sa buhay ko ang …
Ipinadala ako sa lupa ng Ama sa Langit sa panahong ito upang …
Anyayahan ang mga estudyante na maghangad ng personal na paghahayag upang malaman ang ilan sa mahahalagang bagay na ipagagawa sa kanila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Maaari ding pag-aralan ng mga estudyante ang kanilang mga patriarchal blessing sa bahay para malaman pa ang tungkol dito.
Mga piling espiritu na inilaang bumangon sa kaganapan ng panahon
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang naaalala nila tungkol sa plano ng Ama sa Langit mula sa pangitain ni Pangulong Joseph F. Smith tungkol sa daigdig ng mga espiritu (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:11–60 ).
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na sa Doktrina at mga Tipan 138:38–49, 53 , nakakita si Pangulong Joseph F. Smith ng maraming marangal at dakilang espiritu. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na banggitin ang ilan sa mga taong nakita ni Pangulong Smith sa kanyang pangitain.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 138:53–56 , at alamin ang gawaing inihanda ng Ama sa Langit na isasakatuparan ng mararangal na espiritu sa mga huling araw.
Anong mga parirala sa talatang ito ang maaaring tumukoy sa iyo?
Ano ang natututuhan mo tungkol sa gawain ng Ama sa Langit para sa iyo?
Paano mo ibubuod ang mga talatang ito sa isang pahayag ng katotohanan?
Habang ibinubuod ng mga estudyante ang mga talatang ito, tulungan silang tumukoy ng isang katotohanang tulad ng sumusunod: Inilaan ng Ama sa Langit ang mga piling espiritu upang maglingkod sa ubasan ng Panginoon para sa kaligtasan ng Kanyang mga anak.
Ano ang ilang paraan na makapaglilingkod tayo sa ubasan ng Panginoon upang makatulong na mailigtas ang Kanyang mga anak?
Kung hindi ito babanggitin ng mga estudyante, maaari mong ituon ang kanilang atensyon sa talata 54 . Tulungan silang maunawaan na maaari tayong maglingkod sa ubasan ng Panginoon sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga ordenansa sa templo para sa mga patay. Maaari mong ipaalala sa mga estudyante na ang pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga tao sa kabilang panig ng tabing ay isang paraan kung paano tayo makakatulong na tipunin ang Israel.
Ang sumusunod na pahayag ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na naaangkop sa kanila ang Doktrina at mga Tipan 138:53–56 . Para masanay na mag-link sa Gospel Library, maaaring gumawa ang mga estudyante ng link sa pagitan ng mga talata at pahayag sa banal na kasulatan.
Pinatotohanan ni Pangulong Russell M. Nelson:
Sa dinami-dami ng mga taong tumira sa mundo natin, tayo ang mga makikilahok sa huli at malaking pagtitipon na ito. Talagang nakatutuwa ito!
Inireserba ng Ama sa Langit ang marami sa Kanyang pinakamagigiting na mga anak—masasabi kong, ang pinakamahusay na pangkat— para sa huling yugtong ito. Ang magigiting na mga espiritu—ang pinakamahuhusay na manlalaro—ay kayo ! (Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel ” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], ChurchofJesusChrist.org )
Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa mga estudyante na masuri ang mga nadarama nila ngayon tungkol sa pakikibahagi sa gawain sa family history at templo. Matapos silang magkaroon ng sapat na oras upang magnilay, maaaring ibahagi ng mga handang estudyante ang kanilang mga naiisip at nadarama.
Ano ang pakiramdam mo ngayong alam mong inihanda ka ng Panginoon upang tumulong na tipunin ang Israel sa pamamagitan ng gawain sa family history at templo?
Gaano ka nahihikayat na makibahagi sa gawain sa family history at templo? Bakit ganito ang nadarama mo?
Sa lesson na “Doktrina at mga Tipan 127–128, Bahagi 2 ,” hinikayat ang mga estudyante na makibahagi sa gawain sa templo at family history. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nagawa nila at kung paano sila pinagpala ng Panginoon.
Nakalaan upang tumulong na tipunin ang Israel sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history
Ang sumusunod ay isang paraan upang matulungan ang mga estudyante na maging responsable sa kanilang pagkatuto.
Anyayahan silang gumawa ng isang mensahe na maibabahagi nila para mahikayat ang mga tao na makibahagi sa gawain sa templo at family history. Maaaring ito ay isang flyer, post sa social media, isang video message, o iba pang uri ng paanyaya. Hayaan ang mga estudyante na piliin ang uri ng mensaheng gagawin.
Ang materyal sa handout na “Inilaan upang Tumulong na Tipunin ang Israel sa pamamagitan ng Gawain sa Templo at Family History” ay makapagbibigay sa mga estudyante ng mga ideya sa kung ano ang ilalagay sa kanilang mensahe. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang materyal na ito bago gawin ang kanilang mensahe. Maaaring pumili ang mga estudyante kung pag-aaralan ito nang mag-isa o sa maliliit na grupo.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 138:57–59 , at alamin kung paano tinubos ang mga nasa daigdig ng mga espiritu.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan. Alamin kung ano ang nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa mga nakikibahagi sa gawain sa templo at family history.
Isipin ninyo ang Tagapagligtas kapag nakita ninyo Siya. Iinterbyuhin Niya kayo. Binayaran niya ang halaga ng inyong mga kasalanan at ng lahat ng espiritung anak ng Ama sa Langit. Siya si Jehova. Isinugo niya si Elijah. Ipinagkaloob niya ang mga kapangyarihan ng priesthood na magbuklod at magbigay-pala dahil sa Kanyang dalisay na pagmamahal. At pinagkatiwalaan Niya kayo nang iparinig sa inyo ang ebanghelyo sa buhay na ito, binibigyan kayo ng pagkakataong ibigay ito sa inyong mga ninunong hindi nagkaroon ng walang-kasinghalagang pagkakataong mayroon kayo. Isipin ninyo ang malaking pasasalamat Niya para sa mga nagsakripisyong gawin nang may pananampalataya ang paghahanap ng mga pangalan ng kanilang mga ninuno at sapat na nagmamahal sa kanila at sa Kanya, para mabigyan sila ng buhay na walang hanggan, ang pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos. Binigyan Niya sila ng huling hain [o sakripisyo]. Mamahalin at pahahalagahan Niya ang mga nagsakripisyo para bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga ninuno na piliin ang iniaalok Niyang buhay na walang hanggan. (Henry B. Eyring, “Pusong Magkakabigkis ,” Liahona , Mayo 2005, 78–79)
Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang pakikibahagi sa gawain sa family history at templo na tularan ang halimbawa ni Jesucristo?
Mayroon bang personal na karanasan, banal na kasulatan, o pahayag ng isang lider ng Simbahan na nais mong ibahagi?
Kung makikinabang ang mga estudyante sa panonood ng video ng pahayag ni Pangulong Eyring, maaari mong ipanood ang video na “Hearts Bound Together ” mula sa time code na 10:21 hanggang 11:29 sa ChurchofJesusChrist.org .
16:12
Kung sa palagay mo ay mahihikayat ang iyong mga estudyante sa mga pagpapalang ipinangako sa pakikibahagi sa gawain sa family history at templo, maaari mong ipanood sa kanila ang isa sa mga o ang lahat ng video na ito: “The Promised Blessings of Temple and Family History Work ” (3:26) at “The Promised Blessings of Temple and Family History Work 2 ” (4:04).
3:30
4:14
Maaari mo ring talakayin kung paano dinaragdagan ng Panginoon ang karapatan natin sa mga templo at teknolohiya upang makatulong sa gawain sa family history. May mga pahayag sa “Karagdagang Resources“ na nagtuturo nito.
Nahikayat na makibahagi sa gawain sa templo at family history
Bigyan ng oras ang mga estudyante na gumawa at magbahagi ng mensahe para tumulong na mahikayat ang mga tao na makibahagi sa gawain sa templo at family history. Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga mensahe sa bahay.
Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang sariling motibasyon na makibahagi sa gawain sa templo at family history. Ang pagsagot sa mga tanong sa kanilang journal ay isang paraan para maanyayahan ng mga estudyante ang Espiritu Santo na turuan sila. Anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot.
Paano naimpluwensyahan ng natutuhan o naramdaman mo sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan 138 ang iyong motibasyong makibahagi sa gawain sa templo at family history?
Bakit maaaring ituring na ilan sa pinakamahahalagang gawaing isasagawa mo ang pakikibahagi sa gawain sa templo at family history?
Itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:
16:23
Ang magkahalong pagdami ng mga templo at makabagong teknolohiya upang magampanan ang mga sagradong responsibilidad natin sa family history para sa ating mga ninuno ang dahilan kaya lubos na pinagpala ang panahong ito sa buong kasaysayan. Nagagalak ako sa kakaibang katapatan ng ating mga kabataan sa indexing at paghahanap sa kanilang mga ninuno at pagkatapos ay pagsasagawa ng binyag at kumpirmasyon sa templo. Kayo ay literal na kabilang sa ipinopresiyang mga tagapagligtas sa Bundok ng Sion. (Quentin L. Cook, “Tingnan ang Inyong Sarili sa Templo ,” Liahona , Mayo 2016, 98)
Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:
15:54
Mas inilapit ng Panginoon ang inyong henerasyon sa Kanyang mga banal na templo kaysa iba pang henerasyon sa kasaysayan ng mundo.
Nakapasok na ba kayo sa loob ng templo, na nakaputing damit, at naghihintay na magsagawa ng pagbibinyag? Ano ang nadama ninyo? Matindi ang mararamdamang kabanalan sa templo. Ang kapayapaan ng Tagapagligtas ay dinadaig ang umiikot na mga buhawi ng mundo.
Ang nadarama ninyo sa templo ay huwaran ng nais ninyong madama sa buhay ninyo.
Hanapin ang inyong mga lolo’t lola at malalayong pinsan na naunang nabuhay kaysa sa inyo. Dalhin ninyo ang kanilang mga pangalan sa templo. (Neil L. Andersen, “Mga Espirituwal na Buhawi ,” Liahona , Mayo 2014, 20–21)
Itinuro ni Pangulong Brigham Young (1801-77):
Ano sa palagay ninyo ang sasabihin ng mga ninuno kung sila ay makapagsasalita mula sa kamatayan? Hindi ba sasabihin nilang, “Nakahimlay kami rito ng mga libong taon, dito sa kulungang bahay, naghihintay sa pagdating ng dispensasyong ito?” … Ano ang ibubulong nila sa ating mga tainga? Bakit, kung mayroon lamang silang kapangyarihan dadagundong ang mga kulog ng langit sa ating mga tainga, upang ating matanto ang kahalagahan ng gawaing ating lalahukan. Lahat ng anghel sa langit ay nakatingin sa kakaunting nilalang na ito, at pinasisigla sila sa kaligtasan ng sanlibutan. (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young [1997], 346 )
Sa video na “Leadership Session at RootsTech 2017: Elder M. Russell Ballard ,” mula sa time code na 0:00 hanggang 5:58, ibinahagi ni Pangulong Ballard ang isang karanasan ng kanyang mga ninuno na nagpapakita kung paano matutulungan ng Panginoon ang mga nagsasagawa ng gawain sa templo at family history.
2:3
2:3
Sa kanyang mensaheng “Hearts Bound Together ,” nagsalita si Pangulong Henry B. Eyring tungkol sa pangitain ni Pangulong Smith at sa mga misyonero na nangaral ng ebanghelyo sa ating mga ninuno. Kung ipapanood mo ang bahagi ng video sa oras ng lesson, maaari mong isama ang time code na 7:11 hanggang 11:29.
16:12
Ang ideyang ito ay makatutulong sa mga estudyante na masanay ang paggamit ng mga footnote at cross-reference upang maunawaan ang mga banal na kasulatan. Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na parirala mula sa Doktrina at mga Tipan 138:53–56 at mga kasamang cross-reference. Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung paano nagdaragdag ang doktrinang itinuro sa cross-reference ng kahulugan sa parirala sa banal na kasulatan. Maaaring idagdag ng mga estudyante ang mga banal na kasulatang ito bilang mga cross-reference o link sa kanilang banal na kasulatan. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na tingnan kung makikita sa mga footnote ang alinman sa mga talatang ito. Maaari din nilang hanapin ang iba pang talatang nakalista sa mga footnote.
Matutulungan mo ang mga estudyante na magtuon sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga paraan kung paano Niya ”inihanda [sila] upang bumangon sa takdang panahon ng Panginoon” (Doktrina at mga Tipan 138:56 ). Maaari mong talakayin kung paano sila tinuruan at inihanda “bago man sila isilang.“ Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na ilista ang inilaan ng Panginoon upang tulungan tayong magampanan ang ating banal na misyon na hanapin ang ating mga ninuno at tuparin ang mga ordenansa sa templo para sa kanila. Maaari mong gamitin ang mga pahayag nina Elder Quentin L. Cook at Elder Neil L. Andersen sa “Karagdagang Resources“ upang tulungan ang mga estudyante sa kanilang listahan. Talakayin kung paano makaiimpluwensya ang pakikibahagi sa gawain sa templo at family history sa kanilang mga ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.