Lesson 152—Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 1: Ang Pangitain tungkol sa Pagdalaw ng Tagapagligtas sa Daigdig ng mga Espiritu
“Lesson 152—Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 1: Ang Pangitain tungkol sa Pagdalaw ng Tagapagligtas sa Daigdig ng mga Espiritu,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 138, Bahagi 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Ang Pangitain tungkol sa Pagdalaw ng Tagapagligtas sa Daigdig ng mga Espiritu
Sa pagluluksa sa pagkamatay ng mga minamahal na kapamilya at pagdadalamhati sa pinsalang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig at ng pandaigdigang pandemya ng trangkaso, naghanap ng kapanatagan si Pangulong Joseph F. Smith sa mga banal na kasulatan. Habang pinagninilayan niya ang mga passage mula sa 1 Pedro 3–4, nakatanggap siya ng isang maluwalhating pangitain tungkol sa pagmiministeryo ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu sa pagitan ng Kanyang kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli. Ang pangitain ni Pangulong Smith ay Doktrina at mga Tipan 138 na ngayon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano nagkakaloob ng kaligtasan ang Tagapagligtas sa mga anak ng Ama sa Langit sa daigdig ng mga espiritu.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Saan tayo pupunta kapag namatay tayo?
Matapos ilibing ang kanyang Lola Roberts, sinabi sa iyo ni Julie na pumanaw ang kanyang Lola at Lolo Roberts nang hindi nabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang iba pa niyang lolo at lola (Lola at Lolo Jones) ay namatay na matatapat na miyembro ng Simbahan. Tinanong ka ni Julie, “Ano ang mangyayari sa lolo at lola ko na hindi nabinyagan?”
Pagnilayan ang nalalaman ninyo tungkol sa daigdig ng mga espiritu.
Gaano kalaki ang kumpiyansa ninyo na ibahagi kay Julie ang mga katotohanan tungkol sa daigdig ng mga espiritu?
Ang pangitain tungkol sa pagtubos sa mga patay
Ibinahagi ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol, na apo sa tuhod ni Pangulong Joseph F. Smith, ang sumusunod tungkol sa pangitain na ngayon ay Doktrina at mga Tipan 138.
2:3
Noong Oktubre 3, 1918, matapos dumanas ng matinding kalungkutan sa milyun-milyong nangamatay sa mundo dahil sa digmaan at sakit pati na sa pagkamatay ng sarili niyang mga kapamilya, natanggap ni Pangulong Smith ang paghahayag ng langit na kilala bilang “pangitain [tungkol sa] pagtubos sa mga patay.” …
Ang paghahayag na natanggap niya noong Oktubre 3 ay umaliw sa kanyang puso at sumagot sa marami sa kanyang mga tanong. Tayo rin ay maaaliw at matututo pa tungkol sa sarili nating kahihinatnan kapag namatay tayo at nagpunta sa daigdig ng mga espiritu sa pag-aaral sa paghahayag na ito at pagninilay tungkol sa kahalagahan nito sa paraan ng ating pamumuhay bawat araw. (M. Russell Ballard, “Ang Pangitain ng Pagtubos sa mga Patay,” Liahona, Nob. 2018, 72–73)
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 138:1–4, at alamin ang mga katotohanang pinagninilayan ni Pangulong Smith nang matanggap niya ang pangitaing ito.
Ano ang pinakamahalaga para sa inyo tungkol sa kung ano ang pinagninilayan ni Pangulong Smith habang nag-aaral siya?
Ano ang alam ni Pangulong Smith tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo?
Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa kung paano ibinibigay ni Jesucristo ang kaligtasan sa lahat ng anak ng Ama sa Langit?
Ang pagdalaw ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan tungkol sa gawain ng kaligtasan para sa lahat ng anak ng Ama sa Langit sa daigdig ng mga espiritu.
Ang gawain ng kaligtasan sa daigdig ng mga espiritu ay kinapapalooban ng pagpapalaya ng mga espiritu mula sa madalas ilarawan ng mga banal na kasulatan na “pagkagapos.” Lahat ng nasa daigdig ng mga espiritu ay nasa ilalim ng pagkagapos. (Dallin H. Oaks, “Magtiwala sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2019, 26)
Habang pinag-aaralan ninyo ang pangitaing nakatala sa Doktrina at mga Tipan 138, alamin kung paanong nasa pagkagapos ang mga espiritung anak ng Ama sa Langit at kung paano sila pinalaya ng Tagapagligtas at ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.
Ano ang natuklasan ninyo?
Paano tumugon ang mga espiritu sa ebanghelyo ng Tagapagligtas sa mortalidad?
Paanong nasa pagkagapos ang mga espiritung ito? Paano sila pinalaya ng Tagapagligtas?
Anong mga pagkakataon ang ibinibigay ng Tagapagligtas sa mga espiritu sa paraiso? Sa bilangguan?
Ano ang magagawa natin upang makatulong sa Tagapagligtas sa Kanyang gawain?
Pinalalaya ng Tagapagligtas ang mga espiritu sa paraiso.
Inorganisa ng Tagapagligtas ang pangangaral ng ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 138:30–37, 57–59, at alamin kung paano inorganisa ng Tagapagligtas ang pangangaral ng ebanghelyo sa mga nasa bilangguan ng mga espiritu.