Seminary
Ang Mga Saligan ng Pananampalataya at Opisyal na Pahayag 1 at 2: Buod


“Ang Mga Saligan ng Pananampalataya at Opisyal na Pahayag 1 at 2: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Ang Mga Saligan ng Pananampalataya at Opisyal na Pahayag 1 at 2,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Ang Mga Saligan ng Pananampalataya at Opisyal na Pahayag 1 at 2

Ang Mga Saligan ng Pananampalataya at Opisyal na Pahayag 1 at 2

Buod

Sa mga taon pagkatapos ng pagkamatay ni Propetang Joseph Smith, pinalawak ng Simbahan ang mga banal na kasulatan ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng pagdaragdag ng Mga Saligan ng Pananampalataya sa Mahalagang Perlas, at Opisyal na Pahayag 1 at 2 sa Doktrina at mga Tipan. Ang Mga Saligan ng Pananampalataya ay 13 maikling pahayag ng paniniwala na isinulat ni Propetang Joseph Smith. Ang Opisyal na Pahayag 1 ay naglalaman ng mga isinulat ni Pangulong Wilford Woodruff na inihayag ng Panginoon para itigil ng mga Banal ang maramihang pag-aasawa sa mga huling taon ng 1800s. Ang Opisyal na Pahayag 2 ay ang pag-aanunsyo tungkol sa paghahayag kay Pangulong Spencer W. Kimball noong 1978 na nagbigay ng karagdagang katibayan na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang mga anak at na “pantay-pantay ang lahat sa Diyos” (2 Nephi 26:33). Dahil sa pag-aanunsyo na iyon, naging posible para sa lahat ng karapat-dapat na kalalakihan na matanggap ang priesthood ng Diyos at lahat ng karapat-dapat na miyembro ng Simbahan na ma-endow sa templo.

icon ng training Maghikayat ng introspeksyon at assessment. Magbigay ng mga inspiradong tanong upang matukoy ng mga estudyante ang nalalaman at pinaniniwalaan na nila. Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan silang matukoy kung ano ang kailangan nilang malaman, at magpatotoo sa mga katotohanang hinahanap nila. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Makakakita ka rin ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Opisyal na Pahayag 1.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mga Saligan ng Pananampalataya

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa doktrina ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga katotohanang nakapaloob sa Mga Saligan ng Pananampalataya.

Opisyal na Pahayag 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng patuloy na paghahayag sa Kanyang mga propeta.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magnilay at pagkatapos ay tanungin ang pamilya o mga kaibigan kung paano sila pinagpala dahil patuloy na inihahayag ni Jesucristo ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

  • Nilalamang ipapakita: Aktibidad sa pagsusuri sa sarili sa simula ng lesson

  • Video:Mensahe ng Pagbati” (4:27; panoorin mula sa time code na 0:42 hanggang 1:14)

Opisyal na Pahayag 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na kumilos nang may pananampalataya kapag nahaharap sila sa mga walang katiyakang sitwasyon o mga espirituwal na tanong.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 10

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na alalahanin at suriin kung paano nakatulong sa kanila ang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan na umunlad sa espirituwal.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magdala sa klase ng personal na retrato ng isang tao o karanasan na gusto sana nilang maalala palagi.

  • Mga item na dadalhin: Personal na retrato; mga lobo o larawan ng mga lobo na may iba’t ibang laki

  • Video:Mga Alaala na Espirituwal na Nagpapatibay” (16:43; panoorin mula sa time code na 15:31 hanggang 16:09)

  • Mga Larawan: Iba’t ibang aspeto o pangyayari na nagpapakita ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo