Seminary
Lesson 155—Opisyal na Pahayag 1: “Ipinakita sa Akin ng Panginoon sa pamamagitan ng Pangitain at Paghahayag”


“Lesson 155—Opisyal na Pahayag 1: ‘Ipinakita sa Akin ng Panginoon sa pamamagitan ng Pangitain at Paghahayag,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Opisyal na Pahayag 1,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 155: Ang Mga Saligan ng Pananampalataya at Opisyal na Pahayag 1 at 2

Opisyal na Pahayag 1

“Ipinakita sa Akin ng Panginoon sa pamamagitan ng Pangitain at Paghahayag”

Pangulong Wilford Woodruff

Sa loob ng humigit-kumulang 50 taon, ang maramihang pag-aasawa ay isinagawa ng ilang miyembro ng Simbahan bilang tugon sa utos ng Panginoon. Noong 1890, iniutos ng Panginoon kay Pangulong Wilford Woodruff (1807–98) na ianunsyo ang pagtatapos ng pag-aasawa ng mahigit sa isa o maramihang pag-aasawa sa Simbahan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng patuloy na paghahayag sa Kanyang mga propeta.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang lesson na ito ay nakatuon sa utos ng Panginoon na itigil ng mga Banal ang pag-aasawa ng mahigit sa isa. Bago ituro ang lesson na ito, maaaring makatulong na balikan ang resources mula sa lesson na “Doktrina at mga Tipan 132:1–2, 34–66” upang matulungan ang mga estudyante na maaaring may mga tanong pa tungkol sa pag-aasawa ng mahigit sa isa.

Inihahayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga anak

icon ng trainingMaghikayat ng introspeksyon at assessment. Para sa karagdagang training sa kung paano ito gawin, tingnan ang training na may pamagat na “Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral” na makikita sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu. Maaari kang magpraktis sa paggawa ng mga pagsusuri sa sarili para sa mga estudyante tungkol sa isang doktrina, katotohanan, o alituntunin.

Maaari mong simulan ang lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa isang estudyante na basahin o i-recite ang Mga Saligan ng Pananampalataya 1:9. Pagkatapos ay tulungan ang mga estudyante na suriin ang kanilang mga paniniwala tungkol sa paghahayag ng Diyos ng Kanyang kalooban sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng mga propeta. Maaari mong ipakita ang sumusunod at bigyan ng oras ang mga estudyante para tahimik na pag-isipan ang kanilang mga sagot.

Para sa mga pahayag sa ibaba, piliin ang opsiyon (Alam ko; Naniniwala ako; Medyo naniniwala ako; Hindi ko alam kung) na pinakanagpapahayag sa kung paano mo pupunan ang patlang: “ [na] ito ay totoo.”

  • Inihayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa mga anak Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

  • Kasalukuyang inihahayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

  • Ihahayag pa ng Diyos ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung bakit ganoon ang naging sagot nila. Maaari mong anyayahan ang ilan na magbahagi.

Ipaliwanag na ang lesson ngayon ay magtutuon sa isang halimbawa mula sa kasaysayan ng Simbahan na nagpapakita sa paggabay ng Panginoon sa Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng patuloy na paghahayag sa Kanyang mga propeta. Hikayatin sila na bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa kanila na matukoy ang pagpapala ng pagkakaroon ng patuloy na paghahayag mula sa Panginoon.

Opisyal na Pahayag 1

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang Opisyal na Pahayag 1 ay nauugnay sa utos ng Panginoon na itigil ng mga Banal ang pag-aasawa ng mahigit sa isa. Anyayahan ang mga estudyante na hanapin ang pambungad na talata sa simula ng Opisyal na Pahayag 1 sa kanilang mga banal na kasulatan. Kung kinakailangan, magbigay ng mga kopya ng pambungad para sa mga estudyanteng may mas lumang edisyon.

Basahin ang pambungad sa Opisyal na Pahayag 1, at alamin kung ano ang itinuturo nito tungkol sa pag-aasawa ng mga Banal ng mahigit sa isa.

  • Bakit nahirapan ang mga Banal na ipagpatuloy ang pag-aasawa ng mahigit sa isa?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga dahilan kung bakit sila nahirapan, maaari mong basahin o ibuod ang mga sumusunod na talata. Maaari mo ring ipabasa ang mga ito sa isang estudyante sa klase.

Matapos manirahan ang mga Banal sa Utah noong kalagitnaan ng 1800s, maraming miyembro ng Simbahan ang hayagang nag-asawa ng mahigit sa isa. Kalaunan ay nagpasa ng mga batas ang mga pinuno ng pamahalaan na ginawang ilegal ang pag-aasawa ng mahigit sa isa sa Estados Unidos. Ang mga batas na ito ay humantong sa pagdakip at pagbilanggo sa maraming lalaking Banal sa mga Huling Araw. Ang iba ay nagtago upang hindi madakip (tingnan sa Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 2, Walang Kamay na Di Pinaging Banal, 1846–1893 [2020], 174, 503–5, 638–40).

Sa mahihirap na kalagayang ito, si Pangulong Wilford Woodruff ay mapanalanging humingi at tumanggap ng patnubay mula sa Panginoon. Nadama niyang dapat niyang iutos sa mga lider ng Simbahan na ihinto ang pagtuturo ng alintuntunin ng pag-aasawa ng mahigit sa isa. Noong Setyembre 1890, naglabas si Pangulong Woodruff ng isang manipesto (kilala ngayon bilang Opisyal na Pahayag 1). Sa manipesto, tinugunan ni Pangulong Woodruff ang mga hindi totoong ulat na hayagan pa ring hinihikayat ng mga lider ng Simbahan ang pag-aasawa ng mahigit sa isa (tingnan sa Mga Banal, 2:718–20, 735–739).

Ang manipesto na ito ay kilala ngayon bilang Opisyal na Pahayag 1 sa Doktrina at mga Tipan.

Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na pag-aralan ang ilan sa mga payo at tagubilin ni Pangulong Woodruff sa mga Banal. Kung kinakailangan, ipakita sa mga estudyante kung saan makikita sa mga banal na kasulatan ang mga talatang pag-aaralan nila.

Pag-aralan ang mga sumusunod na materyal, at alamin ang ilan sa payo ni Pangulong Woodruff sa mga Banal:

Kung may oras pa, maaaring makatulong na anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang iba pang talata mula sa mga sipi. Maaari mong atasan ang maliliit na grupo ng mga estudyante na pag-aralan ang ilang partikular na talata, at alamin ang natutuhan ni Pangulong Woodruff mula sa Panginoon. Pagkatapos ay maaaring ibuod ng mga estudyante sa klase ang kanilang mga nalaman.

  • Ano ang naipaunawa sa inyo ng mga talatang ito tungkol sa kung paano pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan?

    Bigyan ng pagkakataon ang maraming estudyante na sagutin ang naunang tanong. Maaari nilang matukoy ang mga katotohanang tulad ng sumusunod: Hindi kailanman pahihintulutan ng Panginoon ang Pangulo ng Simbahan na iligaw ang Simbahan. Pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng patuloy na paghahayag sa Kanyang mga propeta.

  • Paano mapagpapala o maaapektuhan ang buhay ninyo dahil alam ninyo ang mga katotohanang ito?

  • Ano ang maituturo sa inyo ng mga katotohanang ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga hangarin para sa atin?

Patuloy na paghahayag ngayon

Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod na patotoo:

4:27
Pangulong Russell M. Nelson

Natitiyak ko na pinamamahalaan ng Panginoon ang mga gawain ng Kanyang Simbahan. Sabi Niya, “Isisiwalat ko sa [inyo] na may kakayahan akong gawin ang aking sariling gawain” [2 Nephi 27:21].

Madalas, napagmasdan namin ng aking mga tagapayo nang may luhaang mga mata ang pamamagitan Niya sa labis na mapanghamong mga sitwasyon matapos naming gawin ang lahat at wala na kaming magagawa pa. Tunay na kami ay namamangha. (Russell M. Nelson, “Mensahe ng Pagbati,” Liahona, Mayo 2021, 6)

Pagkatapos ibahagi ang mga naunang pahayag, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang sumusunod na tanong sa isang kapartner o sa maliit na grupo. Maaaring lumapit sa pisara ang mga miyembro ng bawat grupo at isulat ang ilan sa kanilang mga sagot.

Ipakita ang pag-unawa

Upang matulungan ang mga estudyante na maipakita ang kanilang pag-unawa sa natutuhan nila ngayon, maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:

Nababahala si Sofia sa ilan sa mga pagbabagong nakita niya sa Simbahan. Iniisip niya kung bakit iba ang ilan sa mga ipinagagawa sa atin ngayon ng propeta kumpara noong bata pa siya.

  • Ano ang ilang bagay na natutuhan ninyo ngayon na maaaring makatulong na ibahagi kay Sofia?

Maaaring sumagot ang mga estudyante bilang bahagi ng talakayan sa klase o maaari mo silang anyayahan na isadula ang sitwasyong ito kasama ang isang kapartner.

Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay ninyo ngayon. Hikayatin ang mga estudyante na maunawaan na ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta ay maaaring maging pagpapala sa kanilang buhay.