Lesson 150—Mga Pioneer sa Bawat Lupain: Paghahanda ng Daan para sa Iba
“Lesson 150—Mga Pioneer sa Bawat Lupain: Paghahanda ng Daan para sa Iba,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Mga Pioneer sa Bawat Lupain,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 150: Doktrina at mga Tipan 135–136
Mga Pioneer sa Bawat Lupain
Paghahanda ng Daan para sa Iba
Mula 1847 hanggang 1868, libu-libong pioneer ang nagpakita ng matinding pananampalataya kay Jesucristo habang sila ay naglalakbay sakay ng bagon o kariton upang magtipon kasama ng mga Banal sa Salt Lake Valley. Ngayon, patuloy na nagpapakita ng matinding pananampalataya ang mga pioneer mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanilang pagtitipon kasama ng mga Banal saanman sila nakatira. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng hangaring maging mga pioneer sa pamamagitan ng paghahanda ng daan upang sumunod ang iba kay Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga Pioneer
Itugma ang mga tao sa kanilang mga nagawa.
Mga Tao
Mga Nagawa
Mga Tao
1. Johnnes Gutenberg
Mga Nagawa
A. Unang pangulo ng Relief Society sa Taiwan
Mga Tao
2. Elizabeth Jackson
Mga Nagawa
B. Unang babaeng nanalo ng Nobel Prize, iginawad para sa kanyang pananaliksik tungkol sa radiation
Mga Tao
3. Chen Lin Shu-liang
Mga Nagawa
C. Nag-imbento ng palimbagan
Mga Tao
4. Edmund Hillary at Tenzing Norgay
Mga Nagawa
D. Unang nakaakyat sa tuktok ng Mount Everest
Mga Tao
5. Marie Curie
Mga Nagawa
E. Naglakbay sakay ng kariton patungo sa Salt Lake Valley
Ano ang pagkakatulad ng mga taong ito?
Paano naihanda ng mga nagawa ng mga pioneer na ito ang daan na susundan ng iba?
Ang halimbawa ni Jesucristo
Ibinahagi ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod tungkol kay Jesucristo:
Ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang pinakadakilang pioneer sa paghahanda ng daan. Tunay ngang Siya “ang daan” para maisakatuparan ang plano ng kaligtasan upang tayo ay makapagsisi at, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, ay makabalik sa ating Ama sa Langit. (M. Russell Ballard, “Sumunod kay Jesucristo nang May mga Yapak ng Pananampalataya,” Liahona, Nob. 2022, 35)
Paano naging pagpapala sa buhay ninyo ang mga ginawa ng Tagapagligtas sa paghahanda ng daan para sa inyo?
Palagay mo ba ay nag-iiwan ka ng isang halimbawa na gusto mong tularan ng iba?
Ano ang nagpapasaya sa iyo tungkol sa pagiging isang pioneer? Ano ang nagpapakaba sa iyo?
Sa iyong palagay, paano ka matutulungan ni Jesucristo na maging isang pioneer para sa iba?
Sa natitirang bahagi ng lesson na ito, anyayahan ang impluwensya ng Espiritu Santo na dagdagan ang iyong hangarin na maging isang pioneer na katulad ni Cristo na tutularan ng iba.
Mga handcart pioneer
Matapos maglakbay ang maraming grupo patungo sa Salt Lake City na sakay ng mga bagon, na karaniwang hinihila ng mga baka, hinikayat ni Brigham Young ang mga Banal na gumamit ng mga kariton. Ang mga pioneer ang mismong humila sa mga kariton para sa mas tipid at mas mabilis na paglalakbay. Tanging 10 sa mahigit 350 ng mga nandarayuhang grupo ang naglakbay gamit ang kariton. Bagama’t nagawa ng karamihan sa mga grupo ng kariton ang paglalakbay nang walang malaking problema, naging dahilan ang mga unos sa taglamig noong 1856 upang maipit sa daan ang Willie at Martin handcart company. Marami ang namatay dahil sa pagkagutom at matitinding temperatura. Ang mga pagsisikap sa pagsagip na ginawa ng mga miyembro ng Simbahan sa Utah ay naglaan ng mga kinakailangang suplay at tumulong sa mga naglakbay na matapos ang kanilang paglalakbay, na nagligtas sa mahigit 1,200 buhay (tingnan sa Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan, “Mga Grupo ng mga Kariton,” ChurchofJesusChrist.org/study/history/topics).
Ibinahagi ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod na salaysay ng isang handcart pioneer.
2:3
Naantig ako sa salaysay ni Elizabeth Jackson, na ang asawang si Aaron ay namatay matapos ang huling pagtawid sa Platte River kasama ang Martin handcart company. Isinulat niya:
“Hindi ko tatangkaing ilarawan ang aking damdamin nang maiwan akong balo na may tatlong anak, sa gayon kahirap na kalagayan. … Naniniwala ako … na ang aking mga pagdurusa alang-alang sa ebanghelyo ay magpapabanal sa akin para sa aking ikabubuti. …
“[Nagsumamo] ako sa Panginoon, … Siya na nangakong maging katuwang ng mga balo, at ama ng mga ulila. Nagsumamo ako sa Kanya at tinulungan Niya ako.”
Sinabi ni Elizabeth na isinulat niya ang kasaysayang ito para sa mga taong nagdaan din sa gayong sitwasyon sa pag-asang magiging handa ang mga inapo na isakripisyo ang lahat para sa kaharian ng Diyos. (Quentin L. Cook, “Ang mga Babaeng LDS ay Kahanga-hanga!,” Liahona, Mayo 2011, 18)
Ano ang pinatotohanan ni Elizabeth tungkol sa Panginoon?
Ano ang inaasahan niyang matututuhan ng iba mula sa kanyang halimbawa?
Mga halimbawa ng mga pioneer
Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad, at alamin kung paano makatutulong sa iyo ang mga halimbawa ng mga pioneer sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagsisikap mong maging isang pioneer.
Basahin ang kuwento ng isa o mahigit pang mga pioneer.
Tukuyin kung paano sila naging pioneer.
Alamin ang mga paraan na tinulungan sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Isulat sa iyong study journal kung paano ka mabibigyang-inspirasyon ng kanilang mga halimbawa na katulad ng kay Cristo na maging isang pioneer para sa iba.