“Doktrina at mga Tipan 135–136: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 135–136,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 135–136
Doktrina at mga Tipan 135–136
Buod
Ipinahayag sa Doktrina at mga Tipan 135 ang pagkakamartir ni Propetang Joseph Smith at pinatotohanan nito kung paano tayo pinagpala ng Panginoon sa pamamagitan niya. Pagkatapos ng kamatayan ni Joseph, hindi sigurado ng mga miyembro ng Simbahan kung sino ang mamumuno sa kanila ngunit nalaman nila na ang mga susi ng kaharian ay hawak ng Korum ng Labindalawang Apostol sa pamumuno ni Brigham Young. Unti-unting naglakbay ang mga Banal pakanluran patungo sa Salt Lake City. Napakarami pang ibang pioneer sa buong mundo ang patuloy na nagpapakita ng katulad na pananampalataya sa Panginoon.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 135
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang patotoo tungkol kay Joseph Smith bilang Propeta ng Pagpapanumbalik ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang patotoo tungkol kay Joseph Smith bilang Propeta ng Pagpapanumbalik at kung paano nakatulong sa kanila ang ginawa niya upang lumapit kay Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 135:3).
-
Larawang ipapakita: Si Propetang Joseph Smith
-
Mga Video: “Joseph Smith—Prophet of the Restoration” (13:09; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 3:04) o “Joseph Smith: The Prophet of the Restoration” (1:02:04; panoorin mula sa time code na 55:50 hanggang 59:51); “Hindi Ba Tayo Magpapatuloy sa Isang Napakadakilang Adhikain?” (18:46; panoorin mula sa time code na 15:52 hanggang 16:28)
-
Musika: Isang recording ng “Praise to the Man” (Hymns, blg. 27)
Paghalili sa Panguluhan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang tiwala na patuloy na pamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang gawain kahit pumanaw ang isang propeta.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga banal na kasulatan, mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan, at iba pang resources na itinalaga ng Diyos na tutulong sa kanila na malaman na ang propeta ng Simbahan ang piniling tagapaglingkod ng Panginoon.
-
Handout: “Sino ang Susunod na Lider pagkatapos ni Joseph Smith”
Doktrina at mga Tipan 136
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na pagpapalain sila ng Ama sa Langit sa pagsisikap nilang tuparin ang kanilang tipan na sundin ang Kanyang mga utos.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring nagkaroon na ng maraming pagkakataon ang mga estudyante na matutuhan ang tungkol sa mga tipan mula sa kanilang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan. Sabihin sa kanila na pagnilayan ang mga pagpapalang natanggap nila nang sikapin nilang gawin at tuparin ang kanilang tipan na sundin ang mga utos ng Panginoon.
-
Mga item na ipapakita: Larawan ng isang bagon na may bubong; mapa ng landas na tinahak ng mga pioneer
-
Mga Video: “Patuloy ang Paglalakbay!” (13:30; panoorin mula sa time code na 5:14 hanggang 11:02); “Watched Over by God: Elizabeth Panting’s Journey to Zion” (16:20; panoorin mula sa time code na 07:50 hanggang 11:16)
-
Mga item na ihahanda: Mga seleksyon ng kuwento mula sa Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 2, Walang Kamay na Di Pinaging Banal, 1846–1893 (2020), 64–115 at mula sa “Pioneers” o “The Trek West” sa ChurchofJesusChrist.org
Mga Pioneer sa Bawat Lupain
Mga layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng hangaring maging mga pioneer sa pamamagitan ng paghahanda ng daan upang sumunod ang iba kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kilalanin ang isang ninuno na sumapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at pagnilayan kung paano sila napagpala ng desisyon ng kanilang ninuno. Kung kabilang ang mga estudyante sa una sa kanilang pamilya na sumapi sa Simbahan, maaari nilang pagnilayan kung bakit nila piniling sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag at kung paano ito makaiimpluwensya sa mga susunod na henerasyon. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga kuwento sa klase.
-
Larawang ipapakita: Isang kariton
-
Video: “Ang mga Babaeng LDS ay Kahanga-hanga!” (16:18; panoorin mula sa time code na 2:12 hanggang 3:05)
-
Handout: “Pioneer sa Iba’t ibang Panig ng Mundo”