“Lesson 167—Pagsuri sa mga Paksa at mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo nang may Walang-hanggang Pananaw,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan, (2025)
“Pagsuri sa mga Paksa at mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo nang may Walang-hanggang Pananaw,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 167: Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong
Pagsuri sa mga Paksa at mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo nang may Walang-hanggang Pananaw
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3
Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay tulungan ang mga estudyante na maging pamilyar sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang magamit nila ang mga ito sa buong buhay nila. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na masuri ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw at mas makita ang mga ito tulad ng pagkakita rito ni Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang Mata ng Pananampalataya
Isipin kunwari na pumasok kayo sa isang museo at nakakita kayo ng exhibit na tulad nito. Paano ninyo ilalarawan ang nakikita ninyo?
-
Ano kaya ang maiisip ninyo kung sinabi sa inyo ng isang taong nakatingin sa exhibit ding iyon na nakita niya ang hugis ng mata ng tao?
-
Ano ang matututuhan natin tungkol sa pananaw mula sa artwork na ito?
-
Anong mga espirituwal na aral ang maaaring maunawaan natin sa tulong nito?
Tingnan ninyo ang magandang artwork na ito ni Michael Murphy. Mula sa perspektibong ito, hindi mo aakalaing isa itong malikhaing paglalarawan ng mata ng tao. Ngunit kapag tiningnan mo ang mga tuldok mula sa ibang perspektibo, makikita mo ang napakagandang likha ng isang artist.
Gayundin, nakikita natin ang mga espirituwal na katotohanan sa pamamagitan ng perspektibo ng mata ng pananampalataya. (Neil L. Andersen, “Ang Mata ng Pananampalataya,” Liahona, Mayo 2019, 35)
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng makita ang mga espirituwal na katotohanan nang may “mata ng pananampalataya”?
-
Ano kung minsan ang nagpapahirap sa atin na makita ang mga espirituwal na katotohanan sa ganitong paraan?
Nakikita kung paano nakikita ng Panginoon
Kapag kailangan natin ng tulong sa pagtingin sa doktrina, mga tanong, o isyung panlipunan mula sa pananaw ng pananampalataya, magagamit natin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman:
-
Kumilos nang may pananampalataya.
-
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.
-
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.
Sa lesson na ito, pagtutuunan natin ang pagsuri sa mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.
Basahin ang mga talata 8–10 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023) para malaman kung ano ang magagawa natin para magkaroon ng walang-hanggang pananaw.
-
Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga talatang ito tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw?
-
Ano ang makatutulong sa inyo na magkaroon ng walang-hanggang pananaw?
Maaari ninyong markahan ang pariralang ito sa talata 8: Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para makita ang mga bagay-bagay ayon sa pagtingin dito ng Panginoon.
-
Ano sa palagay ninyo ang ilang pakinabang ng pagsisikap na makita ang ating mga espirituwal na tanong o alalahanin sa paraan ng pagtingin ng Panginoon sa mga ito?
Maghanap ng dalawa o tatlong talata sa banal na kasulatan na makatutulong sa inyo na maunawaan ang kahalagahan ng pananaw ng Panginoon.
Narito ang ilang talata na pag-iisipan:
-
Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa Diyos na maaaring maghikayat sa atin na makita ang mga bagay-bagay mula sa Kanyang pananaw?
Iba’t ibang pananaw
Kamakailan ay nagtapos si Ryan ng high school. Nagsimula siyang makipag-date sa isang babae na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Dahil naging mas seryoso na ang kanilang relasyon, kamakailan ay naisip ng babae na maaari silang magsama sa halip na magpakasal.
-
Kung limitado o makamundo ang pananaw ni Ryan, bakit kaya magandang ideya ito sa kanya?
Kung titingnan ni Ryan ang desisyong ito nang may makamundong pananaw, maaari siyang makakita ng ilang kapakinabangan sa pagsasama nila ng kanyang kasintahan sa halip na magpakasal. Maaaring isipin niya na makakatipid siya ng pera dahil hindi niya magagastos ito sa mamahaling singsing at kasal. Maaaring isipin niya na dahil hindi sila kasal, walang gaanong stress at hindi mangangailangan ng kanyang lubos na katapatan. Kung magiging maayos ang lahat, maaari silang magpakasal kalaunan.
-
Kung pangwalang-hanggan ang pananaw ni Ryan, bakit pipiliin niyang huwag silang magsama ng kasintahan niya?
Kung titingnan ni Ryan ang desisyong ito nang may walang-hanggang pananaw, maaari niyang isaalang-alang ang ilan sa mga sumusunod na bagay: Ang kaligayahan ay nagmumula sa pagsunod kay Jesucristo at sa pamumuhay ng Kanyang mga turo. Hindi gugustuhin ni Ryan na [magkasala] laban sa Diyos” (Genesis 39:9) sa paglabag sa batas ng Panginoon sa kalinisang-puri, na kinapapalooban ng pag-iwas sa seksuwal na relasyon bago ikasal. Itinuturo din ng ebanghelyo ni Jesucristo na ang mga bata ay may karapatang isilang sa isang pamilya kung saan ang ama at ina ay kasal at tapat sa kanila at sa isa’t isa. Nauunawaan ni Ryan na maaari siyang makipagtipan sa Diyos sa templo upang maging walang hanggan ang kanyang mga ugnayan.
-
Ano ang natutuhan ninyo sa pagkukumpara ng makamundong pananaw at walang-hanggang pananaw?
-
Anong mga kapakinabangan ang maaaring dumating kapag nakita natin ang ating mga pagpili o tanong nang may walang-hanggang pananaw?
-
Kailan ninyo napansin ang mga pagpapala na dulot ng pagtingin sa mga bagay-bagay nang may walang-hanggang pananaw?