Seminary
Doctrinal Mastery: Buod


“Doctrinal Mastery: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doctrinal Mastery,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong

Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong

Buod

Ang pakikibahagi sa doctrinal mastery ay tumutulong sa mga estudyante na maitayo ang kanilang mga espirituwal na saligan kay Jesucristo. Bahagi ng doctrinal mastery ang matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman: kumilos nang may pananampalataya; suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw; at hangarin ang higit na kaalaman sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos. Ang mga alituntuning ito ay makatutulong sa mga estudyante na masagot ang mga tanong o alalahanin sa kanilang buhay.

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Makabubuting ituro ang mga lesson na ito sa simula ng school year. Sa ilang lugar sa mundo, ang simula ng school year ay nagaganap sa huling bahagi ng calendar year, tulad sa panahon ng taglagas. Kung ganito ang sitwasyon sa inyong lugar, maaari mong ituro ang lesson na may pamagat na “Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan” sa simula calendar year. Makatutulong ito sa mga estudyante na balikan ang mahahalagang konseptong may kaugnayan sa doctrinal mastery sa kalagitnaan ng kanilang academic school year.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano mapagpapala ng doctrinal mastery ang kanilang buhay at kung paano ito makatutulong sa pagtatayo ng kanilang mga espirituwal na saligan kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga halimbawa kung paano napagpala ng doctrinal mastery ang kanilang buhay. Kung bago ang mga estudyante sa doctrinal mastery, ipabasa sa kanila ang “Pambungad sa Doctrinal Mastery” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

  • Mga Larawan: renobasyon ng Salt Lake Temple

  • Mga Video:President Nelson—Temple Foundation” (2:03); “What Is Doctrinal Mastery?” (3:56)

  • Nilalamang ipapakita: Limang pahayag para sa pagsusuri sa sarili

Paghahangad ng Personal na Paghahayag para sa Aking mga Tanong

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila makatatanggap ng patnubay at paghahayag mula sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang nalalaman nila tungkol sa espirituwal na paghahayag at kung ano pa ang nais nilang malaman. Maaari mo rin silang anyayahang hilingin sa isang kapamilya o lider ng kabataan na magbahagi ng banal na kasulatan o karanasan tungkol sa pagtanggap ng personal na paghahayag mula sa Diyos.

  • Video:Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay” (20:27; panoorin mula sa time code na 17:44 hanggang 18:53)

Pagkilos nang may Pananampalataya upang Mahanap ang mga Sagot

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap sila ng mga sagot sa kanilang mga tanong.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 6:36 at isipin ang kahulugan nito. Maaari din nilang isaulo ang talatang ito at pag-isipan kung paano ito makatutulong sa kanila kapag nahaharap sila sa mahihirap na tanong.

  • Video:Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman: Kuwento ni Madison” (8:35; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 1:44 at 1:44 hanggang 8:35)

Pagsuri sa mga Paksa at mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo nang may Walang-hanggang Pananaw

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na masuri ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw upang makita ang mga ito tulad sa pagkakita rito ni Jesucristo.

Pagbaling sa Sources na Itinalaga ng Diyos para Makahanap ng mga Sagot

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng paghahanap ng katotohanan mula sa sources na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang sources na ginamit nila upang makuha ang mga sagot sa mga espirituwal na tanong. Hikayatin silang dumating sa klase na handang magbahagi ng kahit isang halimbawa ng source at kung paano ito nakatulong sa kanila.

  • Handout:Pag-alam sa Kaibhan ng Katotohanan sa Kamalian