Seminary
Lesson 164—Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan


“Lesson 164—Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 164: Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong

Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan

Pambungad sa Doctrinal Mastery

Pagtatayo ng SLC temple

Bilang mga disipulo ni Jesucristo sa mga huling araw, nahaharap tayo sa maraming espirituwal na panganib at paghihirap. Upang manatiling malakas laban sa mga impluwensya ng kaaway, dapat nating itayo ang ating buhay sa tanging tunay na saligan na si Jesucristo. Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano mapagpapala ng doctrinal mastery ang kanilang buhay at kung paano sila matutulungan nito na maitayo ang kanilang espirituwal na saligan kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang lesson na ito ay magagamit upang maipabatid sa mga estudyante ang mga layunin ng doctrinal mastery. Magagamit din ito upang ipaalala sa mga estudyante na pamilyar sa doctrinal mastery ang kahalagahan ng mahalagang bahaging ito ng kanilang karanasan sa seminary. Maaari mong ituro ang lesson na ito sa simula ng bagong calendar year, ngunit maaari mo rin itong balikan kung nagtuturo ka ng bagong grupo ng mga estudyante.

icon ng trainingAng “Training para sa Doctrinal Mastery” para sa mga titser ay maaaring maging kapaki-pakinabang na resource upang maunawaan kung paano gagamitin ang doctrinal mastery sa iyong pagtuturo. Matatagpuan ang training na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

Ang ating espirituwal na saligan

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagtatayo ng kanilang espirituwal na saligan kay Jesucristo. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa renobasyon ng Salt Lake Temple, na binibigyang-diin ang gawaing ginawa upang patatagin ang pundasyon laban sa mga lindol at iba pang potensyal na panganib. Maaari kang magpakita ng mga larawan. Maaari mo ring ipanood ang “President Nelson—Temple Foundation” (2:03).

2:3
Renobasyon ng SLC temple 1
Renobasyon ng SLC temple 2
Renobasyon ng SLC temple 3
Renobasyon ng SLC temple 4
  • Sa inyong palagay, bakit napakaraming oras at resources ang inilaan sa renobasyon ng Salt Lake Temple at pagpapatibay ng pundasyon nito?

  • Paano natin maikukumpara sa ating personal na buhay ang ginawa sa templo?

Basahin ang Helaman 5:12, at alamin ang mga katotohanan at alituntunin na makatutulong sa inyo na mas maunawaan ang pangangailangang itayo ang espirituwal na saligan kay Jesucristo.

  • Ano ang ipinaunawa sa inyo ng talatang ito tungkol sa dahilan kung bakit kailangan natin ang lakas na nagmumula kay Jesucristo?

  • Anong katotohanan ang natutuhan ninyo sa talatang ito tungkol sa maaaring mangyari kapag itinuon natin ang ating buhay sa Tagapagligtas?

    Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang natutuhan nila sa isang pahayag. Pagkatapos ay maaari mo silang bigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang kanilang mga sagot. Maaari nilang sabihin ang tulad ng kung itatayo natin ang ating espirituwal na saligan kay Jesucristo, hindi tayo babagsak.

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng itayo ang ating espirituwal na saligan kay Jesucristo?

Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga ideyang tulad ng pagtuon ng ating buhay kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo, pagtulad sa Kanyang halimbawa, at regular na pagsisisi.

Inilarawan ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga dahilan kung bakit kailangan nating itayo ang ating saligan kay Jesucristo:

Pangulong Russell M. Nelson

Panahon na upang ang bawat isa sa atin ay magsagawa ng napakahusay na mga pamamaraan—marahil mga pamamaraang hindi pa natin nagawa noon—upang patibayin ang ating sariling espirituwal na pundasyon. Ang mga panahong hindi pa kailanman naranasan ay nangangailangan ng mga pamamaraan na hindi pa kailanman nagawa.

Mahal kong mga kapatid, ito ang mga huling araw. Kung nais nating makayanan ang mga darating na panganib at hirap, kinakailangang may matibay na espirituwal na pundasyon ang bawat isa sa atin na itinayo sa bato na ating Manunubos na si Jesucristo. …

Ipinahayag ng Panginoon na sa kabila ng mahihirap na hamon sa buhay ngayon, ang mga nagtayo ng kanilang pundasyon kay Jesucristo, at natutuhan kung paano gamitin ang Kanyang kapangyarihan, ay hindi kailangang sumuko sa mga hindi pangkaraniwang problema ng panahon ngayon. (Russell M. Nelson, “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon,” Liahona, Nob. 2021, 93)

  • Ano ang ipinauunawa sa inyo ng pahayag na ito tungkol sa inyong pangangailangan sa matibay na espirituwal na saligan o pundasyon?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isipin kung ano ang nararanasan nila sa buhay na tumutulong sa kanila na maunawaan ang pangangailangan nila na maitayo ang kanilang saligan sa Tagapagligtas. Pagkatapos ay anyayahan silang suriin ang tibay ng kanilang espirituwal na saligan. Ang isang paraan para magawa ito ay ipakita ang sumusunod na self-assessment, na nauugnay sa iba’t ibang resulta ng doctrinal mastery na matututuhan ng mga estudyante sa lesson na ito. Maaaring tahimik na i-assess ng mga estudyante ang kanilang sarili o isulat ang mga sagot nila sa kanilang study journal.

Para sa bawat isa sa mga sumusunod na pahayag, i-rate ang iyong sarili sa scale na 1 (lubos na hindi sumasang-ayon) hanggang 5 (lubos na sumasang-ayon).

  1. Nagtitiwala ako kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo kapag ako ay natutukso o naiimpluwensyahan ng kaaway.

  2. Alam ko kung paano tumanggap ng mga sagot sa aking mga tanong tungkol sa doktrina, personal na tanong, tungkol sa lipunan, o kasaysayan.

  3. Maipapaliwanag ko ang doktrina ni Jesucristo sa iba.

  4. Mahahanap ko ang mahahalagang scripture passage na naglalaman ng doktrina ni Cristo.

  5. Nagtitiwala ako na tutulungan ako ng halimbawa at mga turo ni Jesucristo sa aking araw-araw na pagpapasiya.

Doctrinal mastery

Ipaliwanag na ang isa sa mga paraan na maitatayo ng mga estudyante ang kanilang saligan kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa seminary ay sa pamamagitan ng doctrinal mastery. Kung may mga estudyante ka na dati nang nakibahagi sa seminary, maaari mong sabihin sa kanila na ipaliwanag ang nalalaman nila tungkol sa doctrinal mastery. Maaari mo ring ituro sa mga estudyante ang doctrinal mastery sa pamamagitan ng pagpapanood ng video na “What Is Doctrinal Mastery?” (3:56), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

4:3

Basahin ang bahaging “Pambungad sa Doctrinal Mastery” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023). Isipin kung paano makatutulong sa inyo ang pakikibahagi sa doctrinal mastery na magtayo ng matibay na saligan kay Jesucristo.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magbasa nang sama-sama o sa maliliit na grupo. Ang isang estudyante ay maaaring mamahala sa pagtatalaga ng iba’t ibang talata na babasahin ng mga estudyante sa grupo, ang isa pa ay maaaring atasang maglista ng mahahalagang natuklasan ng grupo, at ang isa ay maaaring mag-ulat sa klase ang mga natuklasan ng grupo.

  • Ano ang dalawang pangunahing resulta ng doctrinal mastery?

    Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante na ang mga resultang ito ay ang (1) matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at (2) maging mahusay sa mga doctrinal mastery scripture passage at doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo nila.

    Maaaring makatulong na ipaliwanag na makikibahagi ang mga estudyante sa mga lesson na nakatuon sa mga resultang ito sa buong taon. Magkakaroon sila ng mga pagkakataong ipaliwanag ang doktrina sa sarili nilang mga salita, isaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery passage, at gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maipamuhay ang doktrina sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

  • Sa inyong palagay, paano makatutulong sa inyo ang doctrinal mastery na maitayo ang inyong saligan kay Jesucristo?

  • Paano kayo mapoprotektahan ng pakikibahagi sa doctrinal mastery mula sa mga hamon sa hinaharap at sa mga pag-atake ng kaaway?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pagsisikap na aktibong makibahagi sa doctrinal mastery ay makatutulong sa kanila na bumaling kay Jesucristo nang may higit na tiwala. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na dati nang nakibahagi sa doctrinal mastery na ibahagi kung paano nito napagpala ang kanilang buhay. Magpatotoo na kapag nagtiwala sila kay Jesucristo, mapaglalabanan nila ang mga hamong kinakaharap nila ngayon at mapaghahandaan nila ang mga darating na hamon sa hinaharap.