Lesson 165—Paghahangad ng Personal na Paghahayag para sa Aking mga Tanong
“Lesson 165—Paghahangad ng Personal na Paghahayag para sa Aking mga Tanong,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Paghahangad ng Personal na Paghahayag para sa Aking mga Tanong,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 165: Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong
Paghahangad ng Personal na Paghahayag para sa Aking mga Tanong
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1
Mahal ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak at gusto Niyang maging katulad natin Siya. Habang hinahangad nating malaman ang tungkol sa Kanya, nangako ang Ama sa Langit na ihahayag ang katotohanan sa ating puso’t isipan sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 8:2; Moroni 10:5). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sila makatatanggap ng patnubay at paghahayag mula sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Espirituwal na makaligtas
Ano ang maaaring magpahirap sa mga teenager para espirituwal na makaligtas sa mundo ngayon?
Ano ang makatutulong sa atin para madaig ang mga hamon o impluwensyang ito?
Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang isang paraan para espirituwal na makayanan natin ang mga hamon at madaig ang mga impluwensyang kinakaharap natin:
2:3
Ang social media at ang 24 na oras na pagbabalita ay inaatake tayo ng walang humpay na mga mensahe. Kung gusto nating magkaroon ng pagkakataong masuri ang iba’t ibang opinyon at mga pilosopiya ng tao na sumisira ng katotohanan, kailangan tayong matutong tumanggap ng paghahayag. …
… Sa darating na mga araw, hindi magiging posible na espirituwal na makaligtas kung walang patnubay, tagubilin, at nakapagpapanatag [at patuloy] na impluwensya ng Espiritu Santo.
Ano ang itinuturo sa inyo ng mga banal na kasulatang ito tungkol sa Diyos?
Paano makakaimpluwensya ang pag-alam sa mga katangiang ito ng Diyos sa hangarin ninyong gabayan at turuan Niya kayo?
Pag-aralan ang mga talata 1–3 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023). Salungguhitan ang mga salita o parirala na naglalarawan kung ano ang magagawa ninyo para makatanggap ng mga sagot mula sa Diyos sa ating mga espirituwal na tanong.
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa magagawa natin para madagdagan ang ating kakayahang tumanggap ng mga sagot sa ating mga tanong mula sa Diyos?
Sa inyong palagay, bakit mahahalagang paraan ang mga gawaing ito para maihanda tayo sa pagtanggap ng paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo?
Ano ang mga naging karanasan ninyo sa pagtanggap ng personal na paghahayag? Ano ang mga ginawa ninyo na nakatulong para maihanda kayong tanggapin ito?
Ipamuhay ito
Alalahanin ang payo ni Pangulong Nelson na pinag-aralan ninyo sa simula ng lesson: “Nakikiusap ako sa inyo na dagdagan ang inyong espirituwal na kakayahang tumanggap ng paghahayag” (“Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” 96).
Pagnilayan ang natutuhan at nadama ninyo ngayon na makatutulong sa inyo na sundin ang payong ito. Isulat sa inyong study journal ang gagawin ninyo para madagdagan ang kakayahan ninyong tumanggap ng personal na paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo.