Seminary
Pagtatagumpay sa Paaralan: Buod


“Pagtatagumpay sa Paaralan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Pagtatagumpay sa Paaralan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Pagtatagumpay sa Paaralan

Pagtatagumpay sa Paaralan

Buod

Kapag isinasali natin ang Panginoon sa ating pagkatuto, matutulungan Niya tayong magtagumpay sa pag-aaral. Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagkilos nang may integridad sa ating gawain sa paaralan. Ang pag-alaala sa Panginoon at sa magagawa Niya para sa atin ay nagbibigay sa atin ng kumpiyansang daigin ang mga hamon sa pag-aaral.

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang ilan sa o ang lahat ng lesson na ito sa simula ng school year. Kapag ginawa ito, matutulungan ang mga estudyante na matuto ng mahahalagang kasanayan na makatutulong sa kanila na magtagumpay sa kanilang pag-aaral buong taon.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pagsali sa Panginoon sa Iyong Pagkatuto

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na isali ang Panginoon sa bawat aspeto ng kanilang pag-aaral habang naghahangad sila na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng partikular na pagkakataon kung saan kinailangan nilang matutuhan ang isang bago o mahirap na bagay. Sabihin sa kanila na pumasok nang handang ibahagi kung paano nila isinali ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa kanilang pag-aaral.

  • Nilalamang ipapakita: Ang apat na pahayag tungkol sa pagsusuri sa sarili sa simula ng lesson

  • Video:Mas May Mararating kay Cristo: Ang Talinghaga ng Slope” (10:01; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 1:05)

Integridad sa Ating Pag-aaral

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas kumilos nang may katapatan at integridad sa kanilang pag-aaral.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga nakaraang sitwasyon sa kanilang gawain sa paaralan kung saan kinailangan nilang pumili kung sila ay mangongopya o mandaraya at pinili nilang huwag itong gawin. Sabihin sa kanila na isipin kung bakit ito nakabuti at kung ano ang nagbigay sa kanila ng lakas na gawin ang pagpiling ito.

  • Video:Honesty: You Better Believe It!” (4:46)

Paghahanda para sa mga Pagsusulit at Mahihirap na Proyekto

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan kung paano matagumpay na makapaghanda para sa mga pagsusulit at mahihirap na proyekto.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung saan nadama nila na tinulungan sila ng Tagapagligtas sa isang mapanghamon o mahirap na pagsusulit o proyekto sa paaralan. Hikayatin silang magnilay at pumasok sa klase nang handang ibahagi kung ano ang naramdaman nila nang matanggap ang Kanyang tulong.

  • Nilalamang ipapakita: Mga tanong na pag-iisipan ng mga estudyante sa ilalim ng heading na “Magbigay ng payo”

Magandang Kaisipan tungkol sa Pag-unlad

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng magandang kaisipan tungkol sa pag-unlad para madaig ang mga balakid sa pag-aaral.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga balakid na kinahaharap nila sa pag-aaral o pagkatuto. Hikayatin silang pag-isipan kung paano sila tutugon kapag naharap sa mga balakid na ito.

  • Nilalamang ipapakita: Mga kahulugan ng magandang kaisipan tungkol sa pag-unlad at hindi nagbabagong kaisipan; chart na nagpapakita ng mga pahayag tungkol sa hindi nagbabagong kaisipan at magandang kaisipan tungkol sa pag-unlad