Lesson 195—Pagsali sa Panginoon sa Iyong Pagkatuto: “Ako ay Mapapasaiyo”
“Lesson 195—Pagsali sa Panginoon sa Iyong Pagkatuto: ‘Ako ay Mapapasaiyo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagsali sa Panginoon sa Iyong Pagkatuto,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 195: Pagtatagumpay sa Paaralan
Pagsali sa Panginoon sa Iyong Pagkatuto
“Ako ay Mapapasaiyo”
Nais tayong tulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa bawat aspeto ng ating buhay, kabilang na ang ating pagsisikap na matuto at magtamo ng pormal na edukasyon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na isali ang Panginoon sa bawat aspeto ng kanilang edukasyon habang naghahangad silang matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mahihirap na sitwasyon
Isipin kunwari na kayo ay nasa isa sa mga sumusunod na sitwasyon:
Pinanghihinaan ka ng loob sa isang klase sa paaralan at nais mong sumuko.
May mga tanong ka tungkol sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral kapag young adult ka na. Hindi mo alam kung saan ka dapat magpatuloy ng pag-aaral o kung dapat ka mang magpatuloy.
Ito ang una mong linggo sa bagong trabaho, at sa palagay mo ay hindi sapat ang iyong kakayahan para sa trabaho o gawain.
Ano ang gagawin ninyo kung kayo ang nakararanas ng isa sa mga sitwasyong ito? Kanino kayo hihingi ng tulong?
Maglaan ng oras upang pagnilayan ang mga sumusunod na pahayag gamit ang scale na 1 (hindi kailanman) hanggang 5 (napakadalas):
Nananalangin ako sa Ama sa Langit na tulungan ako bago ako mag-aral o magsimula ng proyekto para sa paaralan.
Sa aking mga personal na panalangin, ipinahahayag ko sa aking Ama sa Langit ang hangarin kong mapasaakin ang Espiritu habang natututo ako sa paaralan.
Regular kong sinisikap na pagbutihin ang aking pagsisikap na matuto sa tulong ni Jesucristo.
Umaasa ako at kinikilala ko ang tulong ng Espiritu sa aking pagkatuto at pag-aaral.
Pagkatuto mula sa mga mag-aaral sa mga banal na kasulatan
Pag-aralan ang mga sumusunod na banal na kasulatan tungkol sa mga taong nakaranas ng mahihirap at alanganing sitwasyon. Maghanap ng mga halimbawa kung paano isinali ng mga indibiduwal na ito ang Panginoon sa kanilang paghahanap ng pang-unawa.
Paano isinali ng mga taong ito ang Panginoon sa kanilang pagkatuto?
Sa anong mga paraan sila tinulungan ng Panginoon?
Batay sa natutuhan ninyo, paano ninyo kukumpletuhin ang sumusunod na pahayag? Kapag isinasali natin ang Panginoon sa ating pagkatuto, magagawa Niyang …
Ano ang alam ninyo tungkol sa Panginoon na nagbibigay sa inyo ng kumpiyansa na tutulungan Niya kayo sa inyong pag-aaral?
Mga paraan para maisali ang Panginoon sa inyong pagkatuto
Kapag tungkol sa inyong mga gawain sa paaralan, kailan makatutulong na isali ang Panginoon?
Isulat ang pariralang Maisasali ko ang Panginoon sa aking pagkatuto sa pamamagitan ng … sa isang pahina sa inyong study journal. Maglista ng kahit ilang ideya na maiisip ninyo para sa pagsali sa Panginoon sa mga aktibidad na may kaugnayan sa paaralan na natukoy mo.
Ano ang mga naranasan ninyo nang isinali ninyo ang Panginoon sa inyong pag-aaral?
Magnilay at kumilos ayon sa mga katotohanan
Ano ang natutuhan o nadama mo tungkol sa Panginoon na naghihikayat sa iyo na isali Siya sa iyong pagkatuto?
Ano ang isa o dalawang bagay na magagawa mo upang maisali ang Panginoon sa iyong pagkatuto?